Red lip stick
Sleeveless na hanggang pusod na fitting na pantaas na siyempre mababa ang neckline...
As in mababa ang neckline yun bang wala ng ibang makikita sa akin ang ibang mga lalaki kundi ang kalahati ng dibdib ko lang.
Mini skirt na super ikli.
Fake eyelashes at makapal na eye line.
Sa itsura kong ito tignan ko lang kung di ko pa makuha ang misyon ko.
Nang makita ko na ang target kong lalaki ay agad akong lumapit dito.
"Hi Pogi."
Tumingin lang siya sa akin ng five seconds tapos bumalik uli siya sa ginagawa niya.
Hmp! Ang suplado naman nito... di kaya bading ito?
"Hoy! Grabe ka naman pansinin mo naman ako."
"Busy ako maraming pasyente."
"Kahit ba sandali hindi mo ako mapagbibigyan?"
Tinignan niya ako ng diretso, "Hindi! Hindi! Hindi! At kahit pa tuluyan mong hubarin yang kakarumpot na suot mo ay hindi pa rin!"
"Ang sungit naman nito!" ang sabi ko sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na bilang nurse at base sa sinumpaan namin pinagbabawal ng hospital na ito na maglabas kami ng anumang impormasyon tungkol sa mga pasyente namin."
"Kahit ba blind item wala kang ibibigay? Clue? Ganito lang, totoo bang si Jade Garcia na ka underground rehabilation?" ang tanong ko sa kanya.
"Ang kukulit niyo ring mga taga media ano. Wala nga si Jade Garcia dito."
Ito ang mission ko. Ang magkaroon ng confirmation na ang sikat na singer-actress na si Jade Garcia ay naka rehab sa hospital na ito dahil sa ipinagbabawal na gamot. Ang paalam kasi ni Jade mag-aaral siya for 6 months sa US. Pero iba ang hinala namin, malakas ang usap-usapan na drug user si Jade at malamang pinaparehab siya rito ng talent agency niya.
"Pero bakit nong isang araw masinsinan kayong naguusap ng manager." Ang tanong ko sa head nurse na rehab unit.
"May pamangkin kasi siyang dating pasyente rito at hindi iyo si Jade. Ang kulit mo ring babae ka. Pwede ba, nagtratrabaho akong mabuti rito sa hospital tigilan mo ako!" At saka niya kinuha ang BP niya upang magrounds.
Peste naman kasi ang hirap naman kasing hulihin ng mga sikat na ito. Ang galing magtago!
Kailangan ko ng expose!
Lord Expose please!"TABI KAYO RIYAN!" Nagulat ako nang biglang may dumaan na sinusugod na pasyente sa ER.
Napatingin ako sa pasyenteng nakahiga sa hinihilang kama na iyon.
Teka... pamilyar ang mukha na iyon ha.
Sinundan ko sila hanggang sa ER.
Agad sinarado ng nurse ang pintuan ng ER.
"Oh mangtsitsismis ka na naman?" Ang sabi na naman ng supladong nurse na nilalandi ko kanina.
"Para kasing kilala ko yung lalaki."
"Hindi mo kilala yun. Lumayo ka nga rito!" At saka niya isinara ang pintuan.
Ilang sandali pa ay may dumating na media.
"Nasaan na si Mr. Alvarez?" Ang tanong ng isang taga media sa akin. Kilala rin kasi nila ako na isang taga media rin.
"Mr.Alvarez?"
Alvarez. Si Gino Alvarez ba yun?
"N-nasa ER. Sinaraduhan nga nila ako ng pintuan eh. Ano bang mangyari ron?"
"Wala pang statement ang mga De Silva tungkol sa nangyari sa kanya. Basta natagpuan na lang siyang walang malay sa kuwarto niya."
"Malamang overdose yan of using illegal drugs. Ganyan naman ang mga mayayaman eh, maslalo na kapag laman ng mga clubs at bar." Ang sabi ba ng ibang taga-media.
"Si Senator andiyan na!"
Biglang sinugod naming mga taga media si Senator Alvarez.
Ang ina ni Gino Alvarez.
Si Senadora Ginny De Silva-Alvarez.
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
Roman d'amourSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...