8. YUNG TAYO... WALA NAMANG TAYO

231 10 0
                                    

Hay... ang hirap naman ng walang scoop.
Nakakaloka...
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa kakaisip kung anong ipapasa kong article eh wala naman akong expose.
Si Gino kaya....
Ano namang isusulat ko tungkol don?
Na sweet siya... mahilig sa Cholocate Java Chip frappe... as if naman may interesadong malaman yun?
Mas gusto nilang malaman kung adik ba talaga itong lalaking ito.
Ano ba yan! Close nga kami pero wala naman akong maisulat tungkol sa kanya.
At eto namang si Jade Garcia.... napakailap sa media.
"Lalaine pa xerox nga ito." Ang sabi ng senior reporter sa akin.
Sumunod naman ako. Buhay newbie nga naman. Tutal wala naman akong maisulat at least sa ganitong paraan nagkakaroon ako ng silbi sa trabaho ko.
"Lalaine please naman pakifollow up sa admin yung mga supply request natin."
Tumango naman ako.
"Lalaine pakibili naman ako ng kape sa vendo."
Agad naman akong sumusunod.
Hay mukhang errand girl yata itong inaplyan ko at hindi reporter... pero anong magagawa ko? Junior lang ako.
"Lalaine di ba pababa ka?" Ang tanong sa akin ng isang supervisor.
"Hindi po Mam."
"Naku, bumaba ka naman tutal wala ka namang ginagawa pa. Pabili ng lunch namin."
"Ah, okey. Sige po."
Ang sagot ko naman kahit wala talaga akong balak bumaba.
Sumunod naman ako at saka dinala ang supot-supot na order nila.
Grabe ang bigat! Nangangawit na ang kili-kili ko sa pagdala ng mga lunch nila.
Huh! Ang sakit na... pero wala pa ring mabait na puso ang tumulong sa akin sa pagbitbit ng mga supot na pagkaing ito.
Grabe Lord! Magpadala ka naman ng gentleman mula sa langit.
"Akin na yan."
At last answered prayer. May nakaisip na tumulong.
"Thanks.." natulala ako sa mabait na nilalang na tumulong sa akin, "Gino?"
"Binili mo itong lahat ng mag-isa? Pambihira ka di ka man lang humingi ng tulong sa mga kasamahan mo."
"Naku Gino okey lang ako." Pilit kong binabawi ang kinuha niyang supot na pagkain sa akin pero tumatanggi siya.
"Ano ka ba? Di mo na nga kayang magbitbit eh. Ano ba ito kakainin mong lahat?"
Umiling ako.
"Inutusan ka nila."
"Ganon talaga Gino. Baguhan lang ako. Yes lang ako ng yes sa mga superior ko." Ang paliwanag ko.
"Hindi pwede yan. Reporter ka rito at hindi alipin. Kakausapin ko editor in chief niyo."
"Wag na. Baka sabihin ang arte ko. Wala na nga akong maisulat magiinarte pa ako."
"Magsulat ka tungkol sa akin. Tungkol sa ating dalawa. Sabihin mo kung gaano ako kabait sayo." Ang sabi niya.
"Hindi interesado ang mga readers sa kabaitan mo... sa kasamaan mo sila naiintriga."
"Grabe kaya ba ayoko na ng magbasa ng news eh, panay negative na lang. Walang pang pagood vibes."
Pumasok kami sa office kung saan naghihintay na ang mga nag-order ng pagkain.
"Hoy Lalaine ang tagal mo naman gutom na..." natigilan ang kasamahan ko nang makita nila si Gino.
"Sir Gino Alvarez."
"Hi! Nakita ko kasi ang girlfriend ko sa lobby mukhang hirap na hirap na sa mga dalahin niya kaya tinulungan ko na lang."
Mabilis na kinuha ng mga kasamahan ko ang mga orders nila sa amin.
"T-thank you po Sir. Pasensya na po, masyado lang kaming busy dito sa opisina kaya nakisabay kami sa pagorder kay Lalaine."
"Nakisabay? Eh wala namang binili sa Lalaine para sa sarili niya." Ang sabi ni Gino.
"Wala nga pero may binili naman kami para sa kanya." At saka kinuha ng supervisor na iyon ang isang burger ng kasamahan ko at inabot yun sa akin, "Treat namin sayo Lalaine."
"Naku po Mam wag na po. Busog po ako." Ang tanggi ko.
"Pero nahirapan ka sa pagdala." Ang sabi niya.
"Okey na po yun Mam."
Napabuntong hininga si Gino, "I want to talk with the Editor in chief."

"Gusto ko lang bisitahin ang work place ng girlfriend ko." Ang sabi ni Gino sa Editor in chief namin, "Sakto naman at naabutan ko siyang bitbit ang mga pagkain ng mga kasamahan niya."
"Im sorry Mr. Alvarez about that."
"Gino, okey lang yun." Ang sabi ko sa kanya.
"Mr editor, nahihirapan si Lalaine sa pagsusulat ng article dahil ba ang gusto niyo panay negatibo sa isang tao ang isulat niya."
"Hindi naman sa ganon Mr. Alvarez we are just following what our readers want."
"Gino tama naman si Editor eh. Wala naman talaga tayong magagawa yun ang gusto ng mga readers."
"So okey lang na may masaktan, maagribyado at magdusa na ibang tao basta kumita lang ang tabloid niyo."
Natahimik si editor in chief.
Sa trabaho namin kaakibat talaga non na may masasaktan kaming damdamin pero ganon talaga eh, kung di namin gagawin yun pareparehas kaming magugutom.
"Yung article na isinulat ko tungkol sayo. Yung pinasulat mo sa akin. Yun ang pinakalowest sales namin." Ang sabi ko kay Gino, "Sa tingin mo ba sa lagay na yun, ano pa ang pwede kong maisulat sayo. Alam ko na, may article na ako. Isusulat ko yung totoong kalagayan natin. Yung tayo, wala naman talagang tayo. Hindi kita boyfriend at hindi mo ako girlfriend. Napagkamalan lang tayo dahil sa sitwasyon at sa picture. Na ang totoo kaya ko nasabi yun dahil kailangan kitang maambush interview. Yun ang totoo, yun ang expose. Tama yun ang isusulat ko."
"Wait." Biglang hinawakan ni Gino ang kamay ko, "Lets talk about this."
"Gino kailangan kong magsulat."
"Pagusapan natin ito."
"Magugutom ang pamilya ko sa probinsya."
"Alam ko. Sa akala ko ba all this time sarili ko at pamilya ko ang iniintindi ko. Iniisip din kita.... palagi."
Iniisip kita palagi. Natulala ako sa sinabi niyang yun.
"Ahem.." ang sabi ng editor ko, "Kayong dalawa. Sa tingin ko may kailangan kayong pag-usapan."

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon