12. DREAM OF ME

260 7 0
                                    

LALAINE
Bakit ko siya kailangang tawaging Babe? Pwede namang Gino na lang di ba? Bakit Babe? Pinagtritripan ata ako ng konyo na yun ah. Mga mayayaman talaga. Baka nga tama ang sabi ng iba, may tama talaga sa utak yung lalaking yun.
"Im fallin..."
Anong Im fallin? Nalalaglag? Parang London bridge is falling down.
Napapikit ako...
"Im falling inlove with you."
Napahawak ako sa bibig ko, "Panginoong Diyos hindi po. Hindi yun."
"I want you to be my girlfriend..."
Napabagsak ang mga tuhod ko sa lupa at parang may kumanta ng Alleluia! Alleluia! Alleluia!
"Sabihin niyo na akong manhid pero ayokong mag-assume!!!"
"Why are you kneeling?"
Napalingon ako at biglang napatayo sa kinaluluhuran ko, "S-sir!"
Tapos kumunot ang noo niya.
"Este Babe! Bakit andito ka pa? Akala ko naman nakaalis ka na." Pambihira akala ko naman nong pumasok na ako sa gate ng tinutuluyan kong maliit na studio type apartment nakalarga na to. Nahuli pa ata ako.
"You left your ID in my car." At inabot niya sa akin ang ID ko.
"Naku salamat ah."
"By the way why are you kneeling kanina?"
Napanganga ako, "Ha? Ano? Kuwan..."
"Your praying."
"Yes! Im praying to God! So we can ano... live a longer life and a happy life forever." Ang sabi ko.
"Yun pa lang kanina."
Nagulat ako, "Anong kanina?" Yung falling ba yan?
"Regarding sa I want..."
Im falling... my knees are falling.
"Dont mind it. Just take a sleep."
Dont mind it. Sa tingin mo makakatulog ako sa mga sinabi mo... yung na fall. I cant fall asleep.
"Sleep early maaga ka pa bukas." Ang bilin niya.
Napatango ako.
"Sige good night."
"Have a dream of me." Ang sabi niya sa akin.
Nangiti ako. Patawa siya oh.

Nang magising na ako ay tumayo na ako at nagpunta sa table upang ihanda ang cup noodles na aalmusalin ko. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig na ilalagay ko sa cup noodles ay parang may boltahe akong naramdaman sa may bewang ko.
"Good Morning Babe." Isang malambing na pagbati ang bumulong sa tainga ko at napansin ko na lang na nakapalupot ang mga braso sa akin ni Gino sa bewang ko habang nakaakap siya sa likuran ko.
"Paano ka nakapasok rito?" Pilit kong kumawala sa bisig nya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap niya sa akin.
"Simple. I just open the door and luckily its unlocked so I come in. It seems that you really dont locked the door for me, Babe."
Napahawak ako bibig ko.
Ano yun ako pa itong malandi?
"Only noodles for breakfast?"
Tumango ako. Napapikit ako. Ano ba ito parang na kicarried away na ata ako sa mga yakap niya ako.... parang parang... huh ang sarap... sige pa higpitan mo pa.
"Want something more in breakfast?" Ang masuyong tanong nya sa akin.
"Kakain tayo sa labas?"
"No need. Pwede naman tayong kumain dito."
Bigla akong kinabahan. Nanghina lalo nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga hanggang sa dumampi nga ang labi niya sa gilid ng leeg ko saka ako biglang napatili.
"Waahhhh!!!"
Napabangon ako bigla mula sa kutson na hinihigaan ko.
Napahawak ako sa leeg ko. Tapos napatingin ako sa pintuan. Baka di nakalock kaya napatayo ako at chineck iyon.
Napahinga ako ng maluwag nang makitang fully locked naman ang pintuan.
Masyado ko na yata siyang iniisip para mapanaginipan ko siya on that level. Nakakaloka!

"Good Morning po." Ang bati nang makapasok ako ng opisina.
"Good Morning Babe."
Nagulat ako nang marinig ko ang boses na yun.
Sa opisina naman ay sabay-sabay silang kumakain ng almusal.
"A-ano to?"
"I brought breakfast for your team."
Pansin ko nga.
"B-bakit?"
"Im sure kasi na di ka na naman makakapagalmusal ng maayos so I decided to bring you breakfast kaya lang baka kasi mainggit sayo kasweetan ko kaya dinamay ko na rin sila."
"Kumain naman ako ng almusal."
"What did you ate? A cup noodles again. Its not healthy kaya if you often eat noodles during breakfast." Kumuha siya ng isang styro at inabot sa akin.
"Tapsilog yan."
Kinuha ko un. May time pa talaga siya na isipin ang kakainin ko ha. Mayaman kasi sila, wala naman din kasi siyang magawa sa bahay kasi walang pasok, walang school kaya ang dami niyang oras isipin ang kakainin ko.
"What do you want for lunch pala?"
Hindi pa ako nakakasubo ng almusal lunch agad?
"Okey na ako."
"Where are you going to eat? Malinis ba ron?"
"Sa canteen. Malinis don."
Susubo na ako ng kanin nang mapansin kong nakatitig siya sa akin kaya napayuko ako.
Ano ba yan pakainin naman niya ako ng mabuti.
"You want water?"
"Hindi ako na." Kaya tumayo ako at kinuha ang tumbler ko pero hinablot niya iyon sa akin.
"Ako na. Just sit and eat."
Napatango ako at nang tinignan ko ang mga kasamahan ko ay nagblush naman ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin at nakangiti.
"Kumain lang kayo. Wag niyo kaming pansinin." Ang sabi ko sa kanila.
"Ang sweet ng magjowa." Ang side comment ng iba kaya napahawak na lang ako sa ulunan ko.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon