10. WHEN LALAINE MEETS GINNY

238 8 0
                                    


GINO
Today is a good day. Some kind of weird, hindi ko alam siguro I just enjoyed hanging out with Lalaine lately. It feels that parang may totoong girlfriend talaga ako. And it feels good to have someone beside you.
"Gino, where have you been?" Ang tanong ni Mama nang dumating ako sa bahay.
"Im with my girlfriend."
"Hindi pa kayo break?"
Nagpintig ang tainga ko sa sinabi ni Mama. Talaga bang inaabangan niya ang paghihiwalay namin?
"Theres no way na makakapagpahiwalay sa amin ni Lalaine, even you."
"I want to meet her personally. Gusto ko siyang makilala ng lubusan, gusto kong makilala ng mabuti ang babaeng mahal mo."

LALAINE

Lord naman. Joke lang di ba? Kunwari lang? Bakit kailangang umabot sa ganito? Senator Ginny Alvarez, ang taas nito, kilalang matapang sa senado, sikat at higit sa lahat de Silva siya. Ano ng gagawin ko?
"Bakit ba natin kailangang umabot sa ganito?" Ang bulong ko kay Gino habang hinihintay naming lumabas sa office niya si Senator.
Tinapik niya ang balikat ko, "Chill okey lang yan saka ganito talaga kapag may relasyon kailangang ipakilala sa magulang."
"Alam ko, alam ko. Pero totoo ba tayo? Hindi naman tayo totoo ah."
"Shhh.." ang sabi niya, "Baka may makarinig."
"Just calm and let me handle this." At saka nya hinawakan ko ang kamay ko upang iholding hands. Napalunok ako. Ano ba ito boyfriend ko na ba talaga ito? Kailan ko siya sinagot? Nanligaw ba yan sa akin?
"Gino."
"Ma." At hinila ako ni Gino uoang tumayo sa harap ng Senadora, "My girlfriend, Lalaine Montesa."
"Nice meeting you, Lalaine." At nakipagkamay sa akin ang Senadora.
Hala totoo ba ito? Kashake hands ko ang isang sikat at matapang na Senadora. Ang galing naman! Saka grabe ang ganda niya sa personal, ang kinis, ang puti... bigla naman akong nahiya sa balat kong binilad sa init ng araw.
"Ang ganda niyo po." Ang sabi ko sa kanya.
"Bolera kang bata ka."
"Ay di po ako nambobola. Mukha po talaga kayong artista."
Kinalabit ko ni Gino at binulungan, "Thats too much."
Napangiti ako, "Sorry po. Na-star struck lang po. Saan po kayo nagpapaderma? Kay Belo po ba?"
Nagulat ako nang biglang tumawa ng malakas sina Gino at ang Senadora.
"Youre funny. Ngayon naniniwala na ako why my son fall for you. It seems that he has no dull moment with you."
Napayuko ako. Sa loob-loob ko lang, di naman po inlab ang anak niyo sa akin. Kachokaran lang po ang lahat ng ito.

"It seems that you got her." Ang sabi ni Gino habang naglalakad kami at pinapasyal niya ako sa pool area ng mansion nila.
"Sa tingin mo nakuha ko ang loob niya."
"Sure ako ron. Honestly my mom she has an attitude pero she loves bubbly people like you."
"Kung ganon, problema yun."
"Bakit naging problema?" Ang tanong niya sa akin.
"Kasi hindi naman talaga totoo tayo eh." Ang sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako, saka siya lumapit sa akin at hinawakan ang isang pisngi ko, "What if I want it to be true..."
"Anong true?"
"I want to have a girlfriend, someone who will always be there for me, someone who will makes me happy, who will make me smile... and I want it to be you."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Anak ng... ano yang sinasabi niya.
"Joke ba yan?"
Bigla niya akong hinila at niyakap ako nang mahigpit.
Sobrang higpit... putres pahinging oxygen di ako makahinga.
"Sir..." ang bulong ko sa kanya.
"I want you. Lalaine... Im fallin..."

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon