2.2 EXCLUSIVELY YOURS

356 10 0
                                    


"Anong klaseng write up ito?" Ang tanong sa akin ng Editor ko. "Expose ba ang tawag mo rito?"

"Eh Sir, talagang nainterview ko talaga si Gino Alvarez may picture pa nga kami eh."

"Kahit na! Kung ikaw ang readers sa tingin mo magiging interesado sa article na ito. Puro showbiz na answer from Gino Alvarez. Natural idideny niya na nagdadrugs siya or nagsuicide siya."

"Eh Sir mukha naman kasing di siya Drug User."

"Siyempre guwapo siya at mayaman kaya di obvious."

"Pero mukhang hindi talaga."

"Tumigil ka! My point is walang kuwenta ang article mo. Bitiwan mo na yang kay Gino Alvarez, magfocus ka na lang sa pag-alam kung talagang nakarehab yang si Jade Garcia."

Hay sayang naman ang pageffort ko sa paghabol kay Gino Alvarez, ibabasura lang din pala ni Boss. Ano bang gusto niyang isulat ko? Negative na pasabog pero di naman ako sure kong totoo. Saka nahihiya rin ako kay Sir Gino kasi infairness to him, mabait siya. Binigyan niya ako ng jacket tapos magsusulat ako ng wala sa pinagusapan namin. Unfair naman yun sa kanya.

At ang pinakasayang sa lahat yung selfie namin. Sayang ang ganda pa naman ng pagkakuha. Parang ngang bagay kami eh...

Minsan na nga lang ako nakapagselfie sa isang celebrity di man lang napublished.

Post ko na nga lang sa social network acct ko para mukha kaming close.

Kring! Kring!

Nagising ako nang magring ang celphone ko.

Teka what time na ba?

2:00 AM. Dalawang oras lang ako nakatulog.

Tinignan ko ang celphone ko si Editor bakit kaya niya ako tinawagan ng ganitong oras?

"Hello Sir?"

"Umamin ka nga sa akin. Kaya mo siguro pinagtatakpan yang Gino Alvarez na yan noh dahil may relasyon kayong dalawa."

"Ho? Ano po? Boss saan niyo napulot yang tsismis na yan?"

"Sa FB account mo. Kalat na kalat na ang litrato niyo ni Gino Alvarez."

"Ay opo selfie nga po namin ni Sir Gino yun pero picture lang naman un." Ang paliwanag ko sa kanya.

"Hay naku magbasa ka nga ng FB mo."

Agad kong binuksan ang FB ko at nagulat ako sa loob ng mahigit two hours na pinost ko yung pic namin ni Sir Gino isang libo na ang notifications ko! Paano nangyari yun? Ganon na ba ako karaming friends?

1000+ likes

896 shares

160 comments

Paano nangyari yun?!

Binuklat ko ang mga comments.

"Wow friend ang galing mo naman kakaconfine niya lang sa hospital may selfie ka na agad pano mo siya na meet?"

"Grabe ka anong ginagawa mo kasama si Gino Alvarez."

"Hindi ako naniniwala noong una pero totoo pala... exgirlfriend siya ni Gino Alvarez..."

Nagulat ako sa comment na iyon.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa comment na iyon ng taong di ko kakilala.

"Nakita ko siya sa VIP lobby kausap niya yung guard nakikiusap siya na papasukin siya dahil kailangan niyang makausap si Mr. Gino. May important daw kasi siyang sasabihin kasi ex gf siya ni Mr. Gino..."

Patay! May nakakita pala sa akin kanina!

"Sabi niya kailangang malaman ni Sir Gino na mahal pa rin niya ito at ipaglalaban niya ang pag-ibig..."

Diyos ko po! Sino ba itong tsismosa na ito at napakadaldal.

"Hindi nga naniniwala si Manong guard pero nagpumilit pa rin siya dahil ipaglalaban niya ang pagibig niya. Sa tingin ko ipinaglaban niya ang pagibig niya at nagtagumpay siya. She win back her boyfriend and mukhang sweet sila sa pic. Congrats and fighting!"

#FightforLove

#SuicideNoMore

Nakakaloka itong nagpost ng comment nito. Ikuwento ba ang lahat ng sinabi ko. Okey fine siya na ang may expose.

Pero anong gagawin ko... kalat na kalat na.

Iisipin ng madami feelingera ako.

Nakakahiya kay Sir Gino... nakakahiya sa pamilya niya... Kay Senadora.

Bakit? Bakit ko pa kasi sinabi yun?

Help me Lord!

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon