14. POSSESIVE

265 8 0
                                    

"Gino." Ang sabi ko sa kanya.
"Nagworry ako, ang tagal mo kasi sa CR eh." Ang seryosong sinabi ni Gino, "Yun pala..."
"Ah ganon ba. Kalalabas lang sa CR ni Lalaine." Ang sabi ni Direk, "Ano bang nangyari sayo sa CR, Lalaine."
"Ako, natatae ako. NagLLBM ako kaya ang tagal ko sa CR."
Nagkatinginan ang magpinsan at saka sila sabay tumawa.
"You are really funny Babe." Sabay hila sa akin Gino at kabig sa balikat ko at hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko. "Kaya mahal kita eh."
Napayuko ako dahil feeling ko nagblush ako sa kiss niya.
"Naistorbo pa ako sa movie date niyo." Ang sabi ni Direk.
"You can watch with us." Ang anyaya ni Gino, "I think we need to go back inside madami na rin kasi tayong scenes na namimiss." Saka ako inakbayan ni Gino papasok sa sinehan at kasunod namin si Direk Marbee.

Sa loob ng sinehan ay si Direk Marbee, Gino and ako.
Maslalo akong di nakapagconcentrate sa pinapanood ko dahil feeling ko may tension sa aming tatlo. Para kasing nagiba ang aura ni Gino nang makita kami ni Direk. Ayokong mag-assume ha pero parang nagseselos siya... pero bakit naman? Di naman siguro ako bet nitong si Direk, grabe ang ganda ko naman. Baka naiinis talaga siya kasi ang tagal ko sa CR, feeling niya siguro na bobored akong kasama siya kaya nagtagal ako sa CR. Ayoko, ayoko talagang magisip ng ganon.
Maya-maya ay nakaramdam ako na may nakapatong sa isang kamay ko na nakalagay sa lap ko. Tinignan ko ang kamay ko, nakapatong sa kamay ko ang kamay ni Gino. Ano na naman kaya ang pakay nito at lumanding ang kamay niya sa kamay ko.
Kinuha niya ang kamay kong yun sabay hila upang dalhin sa harapan niya, pinagkrus niya ang mga daliri namin at hinaplos ng isang kamay ang kamay kong yun habang ang mga mata niya ay nakafocus sa palabas.
Napatitig ako sa ginagawa niya sa akin, parang ang possesive, parang yung kahit nakatuon ang nga mata niya sa screen para niya akong ni lock sa mga kamay niya sabay sabi ng youre mine, you are only mine. Huh! Para akong sira kung magoverthink.
Ilang sandali pa ay dinadala niya na ang kamay kong yun sa labi niya at saka pasimpleng dinadampi niya ang labi niya ito.
Putres! Natatae na talaga ako. Bakit kasi siya ganon?!
Napalunok na lang ako, "Gino.." ang mahina kong sinabi sa kanya.
"Focus on the movie." ang sagot niya sa akin habang patuloy niyang ginagawa yun sa kamay ko.
"Hindi ako makapagfocus..." ang sabi ko sa kanya.
Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko at ibinalik yun sa lap ko.

Natapos ang pelikula na... wala akong naintindihan. Di ako makapagconcentrate sa napanood ko. Sa parking lot ay bumaba kaming tatlo, "Sari-sarili muna tayo rito, may shoot pa ako." Ang sabi ni Direk Marbee bago siya pumasok sa sasakyan niya, "Sige enjoy the rest of the days. And pinsan paalala lang ha, tapusin mo muna yung natitirang last semester mo bago ka mag-asawa ha, gigil ka eh." Tapos nag naughty smile siya at pumasok ng sasakyan niya.
Nang makapasok na si Direk Marbee sa sasakyan niya ay kami naman ang dumiretso ni Gino sa kotse niya.
Pinapasok niya muna ako saka siya dumiretso sa driver sear.
"Okey lets..." napatingin siya sa akin, "Teka may nakalimutan ka."
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at napadikit ang mukha niya sa leeg. Napakapit tuloy ang dalawang kamay ko b sa headboard nang inuupuan ko.
"You might forgot the seatbelt."
"S-seatbelt lang pala." Tapos umayos na siya ng upo.
""Oo Seatbelt lang. Ano bang iniisip mo? Wait... are you expecting na ikikiss kita?"
Bigla ko tuloy sinabi na "Hindi uy!"
Ngumiti siya sa akin at saka kumindat. Hmp! Pacute pa ito.

"Salamat sa paghatid ha saka sa libreng movie na rin." Ang sabi ko sa kanya.
"Lalaine I have a question."
Nabigla naman ako sa pahabol niyang tanong bago ako lumabas ng sasakyan niya.
"What do you think about Kuya Marbee?"
Napakunot ako ng noo.
"Kay Direk. Ammmm... well. Mabait si Direk, maginoo."
"Good looking ba siya?"
"Ay oo naman." Sagot ko, "Hawig niya ung dating Presidente. Yung lolo niyo."
"Who is better looking, him or me?"
Napanganga ako sa tanong niya. Maslalo na sa pagtitig niya sa akin... para niyang gusto niyang titigan ko siya ng maigi upang marealize ko na ... mas guwapo siya.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon