1.2 Yahoo! Expose Ito!

430 11 2
                                    

Agad kong nilabas ang recorder ko at lumapit sa Senadora.
"Senator totoo bang naoverdose ang anak niyo ng ipinagbabawal na gamot?" Diretsang tanong sa kanya ng mga taga media.
"Please, let me check my son first before I made any statements." At saka siya pumasok ng ER.

After two hours...

Lumabas ng ER si Senator Ginny at hinarap kaming mga taga-media.
"First of all let me clear this. My son is not a drug user. According to his doctor he lost his consciousness due to overfatigue. Yun lang po. And Im thankful na maayos na ang kalagayan niya. He already transferred in his ward and now safe."
"Senadora, nasaan na po ang tatay ni Gino na si Sir LJ Alvarez? Alam na po ba niya ang nangyari sa anak niya?"
Matagal na di sumagot ang Senadora.
"He's in Singapore right now and he is updated naman. Nagworry din siya and now he is fine."
"Madam hindi po kaya kaya wala rito ang asawa niyo dahil hiwalay na kayo sa kanya."
Natahimik ang Senadora sa tanong na yun. Grabe naman kasi yung nagtanong na iyon... wala sa lugar.
"Yes hiwalay kami dahil nasa Pilipinas ako at nasa Singapore siya. Yun lang yun. Now will you please excuse me."
Pero sadyang napakakulit naming mga taga-media. Hinabol pa rin nila ang Senadora ng mga tanong pero ako...
Ibahin niyo ako...
Magiimbestiga ako...
Dahil kailangan ko ng expose.
Kaya ang Step 1 ko... hanapin ang Suite ni Gino Alvarez.

Pumanik ako sa pinakamataas na palapag ng hospital na iyon. Andon kasi ang mga VIP suite. Grabe sa lobby pa lang ang tindi ng security ng floor na iyon.
"Anong kailangan mo?" Tanong ng security sa akin.
"Ahm.. friend po ako ni Gino Alvarez."
"Nagpaappointment ka ba?"
"Suprise visit ito Kuya! Five years na rin kasi kaming di nagkikita eh."
"No visitors allowed si Mr. Alvarez."
Ayun na... nalintikan na tayo.
"Pero Sir pagbigyan niyo na ako. Matagal na kasi kaming di nagkikita ni Gino eh. May importanteng bagay lang ako na gustong sabihin sa kanya."



NEXT -> Exclusilvely Yours

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon