LALAINE
Ano ba kasing nangyari sa kanya at sumugod siya sa malakas na ulan na iyon? Nabasa tuloy siya at kailangan niyang patuyin ang sarili niya.
Lumabas siya ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya ang pangibaba niya at sinampay sa loob ng CR ang basa niyang damit.
Napalunok ako nang makita ko na ganon ang itsura niya.
Infairness ha, wala siyang pandesal pero wala naman siyang tiyan saka grabe ang puti talaga ng nilalang na ito. Nabasa ko tuloy ng dila ko ang labi ko.
"Am, where are youre clothes?" Ang tanong niya sa akin at saka ko binigay ang mejo maluwag kong pajamas at maluwag na T-shirt na parehas na may print na Hello Kitty.
"Hello Kitty." Ang sabi niya.
Tumango ako, "Eh wala na akong ibang damit eh. Pwede na yan di ka naman lalabas ng bahay eh ako lang naman ang makakakita. Di kita pagtatawanan promise."
"Totoo yan. You will not laugh at me." Ang sabi niya.
"Yah. Totoo yun." At saka bumalik siya sa CR.
After three minutes...
Lumabas siya ng CR ko na nakaHello Kitty attire.
Pinigilan kong matawa pero nakakatawa talaga siya sa suot niya. Ang cute niya kasi. Kalalaking totoo may suot na Hello Kitty.
"Sabi ko na nga ba eh, pagtatawanan mo ako."
"Hindi. Ano kasi, ang cute mo." At saka ko kinurot ang magkabilang pisngi niya.
Tapos ngumiti siya, "You make me smile in the middle of my situation."
"Ano bang nangyari?"
Yumuko si Gino, "If only I can tell you. Pero I cant tell you right now. It is something unacceptable, ang sakit-sakit lang kasi Lalaine."
Tapos di na mapigilan ng mga mata niya ang lumuha kaya hinawakan ko ang mukha niya at inangat ko ito.
Ang pogi-poging lalaki tapos umiiyak. Siguro nga masakit talaga ang pinagdadaanan niya
"Hug me." Ang sabi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit at saka siya humagulgol ng malakas sa mga balikat ko.
"Kaya mo yan. Iiyak mo lang yan. Isipin mo lang pagsubok lang yan sa buhay na kailangan mong magpakatatag." Ang sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya.After 30 minutes...
Napagod din siya sa kakaiyak kaya nakatulog siya sa balikat ko at wala naman akong choice kundi ihiga siya sa kutsong tinutulugan ko. At dahil gusto ko na ring matulog ay tinabihan ko na lang siya pero may distance... mga 12 inches din.
Pero di ako makatulog... ang hirap kasing isipin na may katabi akong lalaki sa maliit na kutson na ito. Eh paano kung gapangin ako nito.. eh paano kung bumigay ako... patay na. Naisuko ko na ang bataan ko sa lalaking ito.
Tinitigan ko siya habang natutulog... ang cute niyang matulog parang baby lang. Ang ganda ng ilong niya matangos tapos ang haba ng pilik mata at ang lips ang pinkish akala mo nag lipstick. Kung totoong jowa ko talaga itong lalaking ito baka naibigay ko na ang puri ko rito eh.
"Hmmm.." napausog siya sa paghiga papalapit sa akin. May kalikutan pala siyang matulog ha.
Nagulat ako nang nailagay niya ang isang kamay niya sa likod ng bewang ko at saka umusod pa papalapit sa akin.
Nawala na ang 12 inches distance na inilagay ko... naging 5 inches na lang.
"G-gino..."
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila upang makabig ang bewang ko at parang napagkamalan pa niya akong unan dahil naihila niya ako sa ibabaw niya.
Oh-o... not so good. Bakit ganire ang position namin?
Pilit kong kumawala sa mga bisig niya pero ang maslalo niyang hinigpitan ang pag-akap niya sa akin.
"H-hindi ako makahinga..."
Pero grabe ang pagtulog niya.
Pinipilit kong makawala pero maslalo siyang naghigpit.
Ginalaw ko ang ulo ko upang harapin siya pero nang hinarap ko siya I accidentally tumama ang labi ko sakto sa labi niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi namin... tila natulala ako at napatigil ang ikot ng mundo.
Anong nangyayari sa akin?
Naramdaman ko ang pagbuka ng labi niya.
Nakaramdam ako ng panginginig...
At gumalaw yun sa labi ko.
Nanghina ako at napapikit ng mata.
Jusko... bakit po ako pumapayag sa posisyong ito?
"Lalaine..." ang narinig kong nasambit niya
"Hmmm.." ang nasagot ko na lang.
Hanggang sa dahan-dahan kaming umikot ng posisyon at siya na ang nasa ibabaw ko habang magkalapat pa rin ang aming mga labi.
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
RomanceSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...