GINO
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na matawa sa tuwing makikita ko ang nakatag na pic sa FB ko at binabasa ang mga comments ng mga tao.
"Matagal na rin kitang di nakikitang tumatawa pinsan. Yan pa lang insidente na yan ang magpapatawa sayo." Ang sabi sa akin ng pinsan kong si Marbee nang dinalaw niya ako sa hospital.
"Ako kasi ang kumuha nito sa CP niya. Di ko akalain na magiging trending siya na ganito."
"So you know her. Ex mo nga talaga?"
"I know her but she's not my ex."
"A stalker?"
Umiling ako, "Shes a paparazzi na sinundan ako sa helepad para makakuha ng scoop tungkol sa akin."
"Oh I see, at kaya niya yun sinabi sa guard para papasukin siya sa kuwarto mo for an ambush interview."
"Definitely!" Ang sagot ko.
"Kawawang babae, kinarma siya. Siya tuloy ang naging subject ng expose niya."
"Yun nga. Do you think she's okey?"
"Siyempre hindi. Buking siya sa mga tactics niya as a paparazzi. " ang sabi ni Marbee.
"Pero she's nice. She saved my life."
Napaayos ng upo si Marbee, "Nagtry ka na namang magsuicide?"
"Naisip ko lang."
"Tol tama na. Hindi mo ba napapansin, hindi mo pa talaga oras lumaklak ka ng sleeping pills pero buhay ka pa rin."
"Insan alam ko naman talagang di ako mamatay sa sleeping pills. Nagpapansin lang ako sa parents ko I just want my family to be together. Pero ewan ko ba, itong si Dad, ayaw pa ring umuwi. Kahit anong makaawa ko. Naisip ko tuloy he maybe still love your Mom."
"Tumigil ka nga, wala ng feelings ang Tatay mo sa Nanay ko. Ilang beses ba niyang sasabihin iyon sa inyong mag-ina." Ang sabi ni Marbee, "Alam mo Tol ikaw nahahawa ka na sa pagiging paranoid ni Tita Ginny."
"Minsan kasi naaawa na ako sa Mama ko. Mapride lang siya, nagmamatapang pero namimiss niya si Dad."
"Eh baki naman kasi ganon si Tito LJ?"
"Sabi ni Dad may condition daw siya para magbalikan sila ni Mama. Hindi ko naman alam kung ano. Hindi rin naman nagsasalita si Mama." Ang sabi ko kay Marbee.
Sabi ng iba... ang swerte ko raw... kasi parte ako ng pamilya de Silva.
Isang sikat at may pusong pamilya. Isang magandang lahi ang sabi nga nila.
Pero ang di nila alam hindi lahat ng de Silva ay maayos ang buhay. Katulad ko at ang pamilya namin. Lingid sa kaalaman ng lahat matagal ng may problema ang pamilya namin.
Alam ko naman eh... may attitude problem si Mama... at bilib ako sa Dad ko dahil ilang taon niya pinagtiyagaan at pinagpasensyahan si Mama.
But recently... hindi ko alam... after that big fight... nagpunta si Dad sa Singapore.
Sabi niya dahil sa trabaho... pero sa tingin ko hindi. May problema talaga silang mag-asawa.
Gusto kong malaman ang tunay na problema ng mga magulang ko.
"Eh ano namang plano mo sa chick paparazzi na ito?"
Napatingin ako sa tanong na yun ni Marbee, ang bunsong anak nila Ninong Mikee at Ninang Mabel. Magkasing edad lang kami ni Marbee.
"Ano nga bang pangalan ng chick na yan?"
Tumingin ako sa litrato niya.
"Lalaine. Lalaine Montesa."
LALAINE
"Ito lang ang ipapasa mo sa akin?"
Tumango ako.
"Ito lang talaga."
"Opo Sir. Eh alangan namang isulat ko kung bakit ko sinabi yun. Ang pangit namang sabihin ko na kaya ko nasabi yun para i-ambush interview si Gino Alvarez." Ang explanation ko sa kanya.
"Ang pangit itong isinulat mo. Ano yun? Yun na yon period. Wala kaming relasyon ni Gino Alvarez period."
Napakamot ako ng ulo. Eh anong gusto niyang isulat ko?
"S-sir..." nagmamadaling pumasok ng opisina ng editor ang isang kasamahan ko, "May gusto pong makipagusap sa inyo. Importante raw po."
"Mr. Alvarez naipaliwanag na ng staff ko ang mga nangyari. I apologize on what happened." Ang sabi ni Boss habang si Sir Gino ay paikot-ikot na tinitignan ang office namin.
Hindi ako makatingin ng maayos kay Sir Gino dahil sa sobrang kahihiyan na ginawa ko.
"Actually Im expecting na may ipubpublished kayo na write up about me after na nagmeet kami ni Miss Montesa. What happened?" Tanong niya sa Boss.
"Ah yun po. Actually for publishing na po yun naunahan lang talaga ng picture niyo ni Lalaine."
Ay sus. Sinungaling itong si Sir. Hay naku kung alam lang ni Sir Gino kung gaano binasura ng Editor ko ang magandang article ko para sa kanya.
"May I read it?"
Hinanap ni Editor ang article na ginawa ko at saka iyon pinabasa kay Sir Gino.
Ngumiti si Gino habang binabasa ang isinulat ko.
"Nice article Miss Montesa. Sana mabasa ko itong article na ito sa tabloid niyo."
"Bukas Sir nakapost na yan."
Natuwa ako. Salamat sa Diyos di rin nasayang ang pinaghirapan ko.
"Am Sir yung tungkol pala sa relasyon niyo. Sasabihin na lang po ni Miss Montesa na wala kayong relasyon at na misinterpret lang nong nakarinig yung sinabi niya."
"Hmm... mahirap yatang ideny yun."
:-(
Yun ang problema paano ko lulusutan yun.
"Pero may solusyon ako riyan." Ang sabi ni Sir Gino.
"A-ano po yun?"
Akalain mo may naisip pa pala siyang solusyon sa gusot na ito.
"Sasabihin ko sa mga tao na talagang girlfriend ko si Miss Lalaine Montesa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Po? Ako po? Girlfriend niyo!"
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
RomanceSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...