GINO
Ayoko pang mamatay.
Wala naman akong balak tuldukan ang buhay ko.
Katulad nang nabanggit ko kay Marbee... alam kong hindi ako mamatay sa sleeping pills na yun.
Alam ko kasing magpapanic ang mga kasama ko sa bahay...
Dadalhin nila ako hospital...
Malalaman ni Dad...
At uuwi siya ng Pinas.
Magkakasama kaming pamilya muli.
Failure nga ako eh. Thumbs down ang plano ko.
Hindi umuwi ng Pinas si Dad. Tinawagan niya lang ako to check if Im okey at sinabihan na wag ng magtitake ng sleeping pills.
Maybe wais din si Dad. Alam niyang di talaga ako nagsusuicide at drama ko lang ang lahat.
Ganon ba katindi ang galit niya kay Mama para tiisin niya ang sarili at nag-iisa niya anak.
Or baka di naman ako nag-iisa?
Baka may anak siya sa ibang babae at yun ang ipinunta niya sa Singapore.
Tama baka yun nga at inililihim lang nila sa akin ang lahat.
Tumayo ako sa kama ko at nagpunta ako sa kuwarto ni Mama.
Hindi siya sumasagot.
"Ma, buksan mo itong pintuan. Tapatin mo ako!"
Sa wakas binuksan ni Mama ang pintuan.
Magulo ang buhok ni Mama at namamaga pa ang mga mata niya sa kakaiyak.
"Ma hindi ko na kayang makita kang ganyan kaya please tapatin mo ako?!" Ang sabi ko sa kanya.
"May kapatid ba ako sa labas?! May iba na bang pamilya si Dad sa Singapore?!"
Bumuntong hininga si Mama at tinignan ako ng diretso.
"Siraulo ka." Bigla niya akong binatukan,"Wag mong pag-isipan ng ganyan ang Daddy mo!" At saka niya ako pinagtabugan na pinagsarhan ng pinto.LALAINE
"I-experience mo muna na maging girlfriend niya... tapos saka kumuha ng scoop. Panigurado marami kang makukuhang expose hindi lang sa kanya kundi sa buong de Silva."
Yun ang sabi sa akin ng Boss ko.
Kayo ako heto hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko.
Mabait naman si Sir Gino sa akin pero tama bang traydurin ko siya ng ganon. Kasalanan niya naman ito, alam naman niyang reporter ako tapos lalapit lapit siya sa akin.
Bakit kasi niya ako jinujowa?
Binuksan ko ang twitter at nagbasa pa ng ibang tweets don tungkol sa #GinoAlvarez
"Hay naku good publicty lang ang habol nila kay Lalaine Montesa. Kawawa naman yung baguhang journalist ginagamit nila para pabanguhin ang pangalan nila at pagtakpan ang mga scandals. De Silva are known as family cursed with scandals. Mula sa Lolo nila nabuntis at napangasawa ang anak ng katulong nila, ang dating Presidente rumoured na nasexual assault niya noon ang Misis niya, yung former first son ginulat din tayo nang malaman natin teenage dad pala and Senator Ginny Alvarez, the queen of Scandals, di bat teenager pa lang yan may video scandal na yan. Tapos na kasi ang term ni Senator Alvarez at malapit na ang election kaya nangangailangan ng magandang publicity."
Naku... pwede... kaya pala wala siyang kaprobleproblema at di siya nagalit sa akin kasi gagamitin ako ng pamilya nila for good publicity.
Nag-umpisa na nga yun ng pinagsulat niya ako ng article na tungkol sa kanya.
"Baby ko!"
Napailing ako. Ginagamit nga lang nila ako.
"Yahoo! Baby ko!"
Pwes gagamitin ko rin sila! Tama si Boss!
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa harapan ko.
"A-ano..."
Sumunod non ay hinalikan niya ako sa noo.
Napatingin ako sa lalaking biglang yumakap at humalik sa akin...
Si Gino Alvarez.
"Baby ko. Kanina pa kaya kita tinatawag di mo naman ako pinapansin."
"Parang totoo..."
Napakunot siya ng noo, "Anong totoo?"
"Na Baby mo ako... este... ano. Baby kasi ang tinawag mo. May sarili kaya akong pangalan."
Inakbayan ako ni Sir Gino.
"Sir Gino, bukas uli." Sabi ng kasama niyang Stylist. Nagpaalam siya rito at saka ito lumayo sa amin.
"Anong ginagawa mo rito sa rehearsals namin?" Ang tanong ni Sir Gino sa akin.
"Sa kabilang room kasi yung presscon ni Heather sa concert niya." Ang sabi ko sa kanya.
"Ay akala ko pa naman ako ang sadya mo rito."
"Hindi ko naman alam na dito kayo nagrerehearse." Ang sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako, "May pagkain sa presscon."
"Ako hindi pa." Saka niya hinila ang kamay ko, "Samahan mo akong kumain."Sa isang coffee shop kami kumain ni Sir Gino. Nagorder siya Chocolate Java Chip Frappe at isang blueberry cake while ako, mainit na latte lan, busog pa kasi ako.
"Sigurado kang yan lang ang oorderin mo?"
"Busog pa kasi ako, pampatunaw na lang."
"Alam mo pareho kami ng favorite ni Mama, Chocolate Java Chip Frappe at Blueberry Cheesecake."
Tumango lang ako. Ano naman kasi ngayon? As if malaking scoop ang malaman ng mga tao kung anong paborito nilang pagkaing mag-ina.
"Ang sarap ng cake, tikman mo." Saka siya kumuha ng slice sa tinidor niya at itinapat yun sa bibig ko, "Say Ahhh...."
"Ano ba yan?"
"Alam naman ng nga tao na girlfriend kita kaya okey lang ito."
"Busog pa ako."
"Pinatitikim lang kita. Kaunti lang ito."
Nalalitan akong sundin siya at isinubo ang cake.
"Sarap noh."
Tumango naman ako.
Ilang sandali pa ay may tumunog sa celphone niya at agad niyang sinagot ito.
"Hi Dad."
Si... LJ Alvarez!
Umupo ako ng tuwid at tinalasan ang aking tainga.
Wait... dapat di niya mahalata na nakikinig ako kunwari busy ako kaya kinuha ko ang celphone at kunwari naglaro ng Candy Crush.
"Ayos naman po. Im having a merienda here in cafe, yung favorite niyo ni Mama. Kamusta ka na riyan Dad? Hindi ka pa ba babalik dito? Namimiss ka na namin ni Mama. Hindi ko naman po binibigyan ng problema si Mama... kaunti lang siguro. Sorry po."
Hmmm... ano kayang sinasabi ng Tatay niya sa kabilang linya.
"Sige po. Magpapakabait po ako. Ah yung interview ko po... opo totoo po, Im with her."
Napalunok ako. Ako na ang pinaguusapan nila.
"Mabait po siya, oo naman maganda."
Nagblush ako sa sinabi niyang yun.
"Sige po. May meeting ka pa... okey po. Bye."
At saka niya na binaba ang phone.
"Kamusta na ang Daddy mo sa Singapore?"
"Busy daw siya sa work. He just checking and clarifying about you."
"Eh kailan daw siya babalik ng Pinas?"
Nagkibit balikat siya.
"Babalik pa ba siya ng Pilipinas? Baka naman kasi nagaway sila ng Mama kaya di makabalik."
"Too curious. Bakit? isusulat mo?"
Umiling ako, "Hindi ah. Kung ayaw mo naman kasing sagutin eh di wag."
Ngumiti si Gino at tapos ay binalikan niya ang kinakain niyang cake.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at nakatitig lang sa cake habang hawak ang tinidor.
Parang may malalim siyang iniisip.
Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Yung mga mata niya parang naluluha na pinipigilan.
May something...
May tinatago talaga ang pamilya nila.
Gusto ko siyang kunan ng picture... scoop din ito... after tumawag ang Daddy niya ito ang reaction niya pero in other side...
Somehow...
I feel the pain.
Parang may sakit siyang nararamdaman sa puso niya.
Pinunasan niya ng tissue ang mga mata niya.
"P-parang napuwing ata ako. Excuse me lang ha, CR lang ako." Saka siya tumayo sa upuan niya at nagpunta sa CR.GINO
I have girlfriend....
And Im walking beside her.
Habang naglalakad kami ay tumabi ako sa kanya then I grab her hand.
Napatingin siya sa akin.
Nagulat siya dahil hinawakan ko ang kamay niya.
Huminto kami sa paglalakad at tinignan ko siya.
Yung di kayang sabihin ng bibig sasabihin na lang isip ko.
Ang pinagusapan namin sa phone ni Dad.
"Hindi ka pa babalik dito Dad? Namimiss ka na namin ni Mama."
"I miss you son and of course ang Mama mo pero I have to stay here. Don't worry once everything is fine magkikita-kita rin tayo."
Gusto ko sanang tanungin kay Dad anong everything is fine? Ano bang condition niyo ni Mama? Plano mo na bang ipaannul ang marriage niyo? Yun ba ang inaasikaso mo riyan? Hindi mo na ba talaga kami mahal?
"I heard nagtalo na naman kayong mag-ina... please dont give her stress... alam mo naman ang ugali niyan... maiksi ang pasensya."
Dad ikaw ba? Naubos na ba ang pasensya mo kay Mama kaya ayaw mo ng bumalik?
"Hindi ko naman po binibigyan ng problema si Mama... kaunti lang po. Sorry po."
Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Lalaine.
"Sir may problema ba?"
There are many words unsaid... gustong sumabog ng puso ko. Ang hirap magkimkim ng ganito.
"Sir?"
Ang alam ko lang gusto ko lang ng comfort sa pagkakataong ito kaya niyakap ko nang mahigpit si Lalaine na parang ayoko nang bumitaw pa sa kanya.

BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
Storie d'amoreSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...