7. THEY DONT CARE

242 7 0
                                    


LALAINE

Ilang oras na ang nakakaraan mo pero parang nararamdaman ko pa rin yung pagkayakap niya sa akin. Di ako makamove on. Paano ako makakapagsulat ng scoop niyan kung ganon siya ka clingy?
Naglalakad sa isang park nang may nakita akong pamilyar na mukha.
"Jade Garcia? Akala ko ba nakarehab siya... teka nga..." nilabas ko agad ang phone ko at nilapitan si Jade.
"Hi Miss Jade Garcia!"
Inalis ni Jade ang suot niyang shades, "Ikaw na naman? Yung makulit na tabloid reporter."
"Kakamustahin lang sana kita." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko magpainterview nasa shooting ako." tapos tumayo siya, "Direk!"
Nataranta ako nang lumapit ang isang baguhang direktor.
"Yes Jade, any problem?"
"Direk paalisin mo nga yang makulit na reporter na yan."
Pero kesa magalit ay ningitian ako ng director.
"Miss pasensya na ha. May MV shooting kasi kami. Kung gusto mo kausapin mo na lang yung manager ni Jade."
Natulala ako sa batang direktor na iyon na feeling ko ay di naman siya nalalayo sa edad ko. Para siyang anghel, malumanay magsalita, hindi masungit di katulad ng ibang direktor at parang ang humble humble kaya naman di na ako nagkulit pa at tumabi na ako.
Kinausap nong direktor si Jade tapos lumapit siya sa akin.
"Miss pasensya na ha. Pero wala talaga sa mood si Jade para magpainterview."
"Naku direk ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa inyo kasi ako yung nakaistorbo. Ang hirap lang kasing kunan ng interview yang si Miss Jade. Kontrobersyal kasi. By the way parang ngayon lang kita nakita Direk, baguhan ka noh."
Tumango siya, "Yes and itong MV ni Jade ang first project ko."
"Galing galing naman. Congrats sa first project mo Direk ha." Ang bati ko sa mabait na director.
"Salamat. Oo nga pala ako pala si Marbee."
"Direk Marbee."
"Marbee de Silva."
Natulala ako sa sinabi niya.
"De Silva? Ikaw ba yung apo ng dating presidente?"
Ngumiti naman siya, "Yes."
Pinsan ni Gino Alvarez!
Napaatras ako.
"Nanice meeting you D-direk!"
"Teka Miss anong pangalan mo?"
Hindi ko sinagot yung tanong niyang yun at sabay na akong tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Pero teka... bakit ko nga ba siya tinakbuhan?
Eh ano naman ngayon kung siya si Marbee de Silva na pinsan ni Gino Alvarez?
Teka, hindi niya ba ako nakilala? Hindi ba niya ako na makuaan na ako yung girlfriend girlfriend-an ng pinsan niya.
Mukhang hindi nga.
Dapat ata nagpakilala ako sa kanya para mapakiusapan niya ako kay Jade Garcia!
Syonga ang syonga ko lang talaga. Bakit di ko naisip yun?
Kung bumalik kaya ako...
Obvious naman ako nahihingi lang ako ng pabor...
Nakakahiya rin don kay Marbee... di naman kami close.
Hay wag na nga lang!

GINO
Why do they have to be this way?
Hindi ko na maintindihan ang parents ko...
Hindi ba nila napapansin kaya ako nagkakaganito dahil sa kanila.
I hate them I really hate them.
"Isa pa ngang bote." Ang sabi ko sa bartender ng bar.
"Youre drunk." Ang sabi ng katabi kong babae.
"I think I am, ano naman ngayon sayo." Ang sagot ko sa kanya.
"Baka magsuicide ka na naman."
Naidabog ko ang hawak kong bote sa sinabi ng babaeng yun.
"Eh ano naman ngayon kung magsuicide? They dont care! Because if they care about me sana they..."
"Pinsan!" Bago pa man ako nagsalita ay agad akong inakbayan ng pinsan kong si Marbee.
"Guys sorry, sobrang lasing lang itong pinsan ko. Pasensya na uli." At saka ako inakay ni Marbee palabas ng club na iyon.
"Buti na lang dumating ako kung hindi... pinagpipiyestahan na naman sa mga diyaryo ang istorya ng pamilya mo." Ang sabi ni Marbee habang sinasakay niya ako sa likuran ng sasakyan niya.
"Tol gusto mo sa condotel ko muna kita patuluyin baka uminit lang ulo ng nanay mo kapag nakita kanyang ganyan na lungo sa alak."
"Siguro napakasama kong anak para di ako balikan ng Tatay ko." Ang sabi ko kay Marbee.
"Alam mo Pinsan sa tingin ko may malalim na dahilan ang Tatay mo kung bakit ka niya tinitiis ngayon."
"Nagawa niya akong tiisin kasi di naman niya ako mahal." Ang sabi ko sa pinsan ko.
"Hindi ako naniniwala riyan. Mahal ka non. Mabait si Tito LJ."
"I dont believe on that. Hindi ako mahal ng Daddy ko."

GINNY

"Yes Marbee? Is he alright? Okey take good care of that kid. Thanks again."
Kakausap ko kay Marbee. Pinagpaalam niya sa akin ang anak ko na magovernight sa unit niya dahil maglalaro lang daw sila ng video games magpinsan.
I know he's lying. Kilala ko silang dalawa. Nabuking ko na si Marbee noon. Kapag sasabihin niyang sa kanya muna uuwi ang anak ko isa lang ang ibig sabihin non. Gino is drunk. Anyway, may tiwala naman ako sa pamangkin ko na aalagaan niyang mabuti ang anak ko.
Pero ang anak kong si Gino! Oh my goodness! Kailan ba siya sasangiban ng maturity?
Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ko ay saka tumunog ang phone ko.
A video call from LJ.
Sinagot ko ang tawag na iyon.
"How are you?" Ang tanong sa akin ni LJ.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang asawa ko sa screen, "Im okey."
"Ang anak mo."
Hindi ako nakasagot.
"Ang batang iyan. Pinapasakit na naman ba niya ang ulo mo?"
"Nasa unit siya ni Marbee."
"Malamang may ginawang kalokohan. Ginny, sabihin na kasi natin sa kanya ang totoo."
Napayuko ako at di ko napigilang umiyak, "Ayoko LJ, ayoko."

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon