21. PATIENCE AND WAITING
"Akala ko one year lang, pero sabi ni Doc may theraphy pa na kailangan si Mama eh." Ang sabi ni Gino habang kausap ko siya sa video call.
Nasabik na ako eh, naexcite, akala kasi namin isang taon lang makakarecover na ang Mama niya pero di pa pala. Lumalaki na rin ang gastos ng pamilya Alvarez sa Germany kaya no choice ang mag-ama kundi magtrabaho ron. Si Sir LJ sa isang company sa Germany nagtratrabaho at dahil hindi pa tapos ng college si Gino ay nagtrabaho siyang clerk at minsan ay service crew don. Open minded naman si Gino at tanggap niya ang sitwasyon nila kaya madali niyang naaccept ang katotohanan na hindi na siya anak ng isang senadora sa Pilipinas kundi isang anak ng may sakit na kailangang tumulong sa pamilya para makasurvive sa Europa.
"Ayos ka lang ba. Baka mamaya ikaw naman ang may sakit niyan sa kakatrabaho."
"Honestly, its hard for me kasi hindi ako sanay sa trabaho sa bahay pero I began to learn na. Its humbling job Lalaine."
Tumango ako.
"How about you? Kamusta na ang bagong work mo diyan sa Davao?"
Nang lumabas ang video ni Senadora ay may isang local station sa Davao at nagimbita sa akin upang maging reporter sa news show nila. Grinab ko na ang opportunity una dahil sa makakasama ko na palagi ang pamilya ko at pangalawa pangarap ko naman talagang makita sa TV.
"Nakakapagod. Laging nakatambay sa police station para makasagap ng balita. Nakakapuyat din. Pero okey lang habang nagaabang naman ako ng police report kausap naman kita." Ang sabi ko sa kanya.
"Ingat ka sa work mo, wala ka na sa showbiz field."
"Wala ng artistang magtataray sa akin, pulis na lang." Ang sabi ko sa kanya.
"Pa-kiss naman oh. Pampagana." Ang paglalambing ni Gino sa akin.
"Huh?"
"Dali na please. Pagod ako sa work eh."
"Teka." At tinignan ko ang paligid.
Busy ang mga pulis, ang mga kasamahan ko ay tulog naman sa kinauupunan nila.
"Sige na nga." At saka ko hinalikan ang celphone ko.
"Uy ang clingy." At nakita pala ako ng isang babaeng police officer " Ang sweet niyo naman ni Gino Alvarez kahit LDR."
"Uy ano."
"Are they teasing you Babe?" Tanong ni Gino.
Napatakip ako ng mukha, "Ikaw kasi eh."
Natawa siya.
"Saka mo na lang kasi irequest un kapag mag isa ako sa kuwarto o di kaya sa CR."
"Sa CR? Habang pumupoo poo ka? Yuck."
"Ang arte mo as if naman maaamoy mo yung tae ko."
Tapos tawa siya ng tawa sa video.
"Kahit yang baho ng pagtae mo namimiss ko." Ang sabi niya.
"Sira."
"Oo nga. Pero ang pinakamimiss ko sa lahat ung kiss mo at hugs mo."
Napangiti ako, "Hinahanap-hanap mo noh."
"Oo. Sana pagbalik ko maglevel up naman."
"Hoy! Di ba usapan natin di mo makukuha ang pagkababae ko hanggat di mo ako pinakakasalan kaya hanggang don lang tayo."
Ngumiti siya sa akin.
"You make things easier for me, Babe kasi napapasaya mo ako." Ang sabi niya.
"Ikaw din."
"Love you."
"Love you too mwahhh."Nakakapagod maghihintay... pero kung mahal mo hihintayin mo kahit hindi mo alam kung hanggang kailan ka maghihintay. Magtitiyaga ka sa maliit na monitor ng celphone upang makita mo siya at upang makausap siya.
Nakakainip na nga... gusto ko na siyang mahawakan, mayakap, makiss (blush)
More than two years na. Madami ng nangyari sa karera ko. Mula sa field reporter ay lumalabas na ako bilang isang host sa isang morning show. Hindi na police report ang nirereport ko kundi mga masasayang events sa Davao. Si Gino naman nagawan niya na ng paraan upang makatapos ng business admin sa Germany. Ilang buwan din siyang working student don pero salamat sa Diyos at nairaos din niya ang kolehiyo kaya nakakapagtrabaho na siya sa company na pinagtratrabahuhan ng Papa niya. Si Senadora praise God at naging maayos at malusog na ang pangangatawan niya. Nagsusulat ngayon siya ng libro tungkol sa buhay niya at pakikipaglaban niya sa cancer. Ayaw niya ng maging pulitiko pero gusto niyang maging inspirasyon ng marami.
This time di sila makauwi ng Pilipinas dahil sa trabaho. Sabi ko nga kay Gino kahit naman sandali sana makauwi siya rito sa Pinas para magkita naman kami ng personal. Miss na miss ko na kasi talaga siya."Maayong Buntag Davao, andito po ako ngayon sa St Peter Church para sa taunang kasalang bayan. Kita niyo naman, hundreds of pairs ang nagpalista at andito ngayon sa Church para legally at spiritually mabasbasan na ang kanilang pagsasama habang buhay. Ngayon ang gusto kong tanungin sa mga couples na ito kapag kinasal ka ba ang ibig sabihin naniniwala ka sa forever? Lets see!" At lumapit ako sa dalawang batang-bata na couple na mukhang nasa early twenties lang. "Maayong buntag! Parang mga bata pa kayo. Ilang tao na kayo?"
"21 na po ako 20 po siya." Ang sagot ng lalaki.
"Ang babata nyo pa nga. Bakit niyo naman naisipan ikasal ng ganito kaaga?"
"Kasi po may anak na po kami at saka siya na po talaga ang gusto kong makasama habang buhay, ayoko nang magpatumpik tumpik pa, ayoko na siyang mawala sa buhay ko." Ang sagot ng lalaki.
"Wow, kilig much naman ako ron. So ibig sabihin niyan naniniwala kayo sa forever?" Ang tanong ko sa kanila.
"Oo naman po. Naniniwala ako na siya ang forever ko." At sabay yakap ni girl kay boy.
"Ang sweet naman ng mga batang ire. Salamat at congrats and best wishes sa inyong dalawa." At iniwan ko ang young couples na iyon. "After sa bata hanap naman tayo na sa tingin ko pinakamatandang couple na ikakasal."
At lumapit ako sa matandang pares, "Maayong buntag Nay, Tay. Matanong ko lang po, ilang taon na po kayo?"
"Seventy ako at ang magiging mister ko ay sixty five." Ang sagot ni nanay.
"Wow. Nay, Tay first time lang po ba nila ikakasal?"
"Ay oo. Ang totoo niyan bata pa lang kami ay nagsasama na kami pero dahil sa madami kaming anak at maliit lang ang kinikita namin ay di naming magawang magpakasal." Ang sagot ng lalaki, "Sa totoo lang..." hinawakan ng lalaki ang kamay ng misis niya, "Alam ko matagal niya ng hinihintay ito. Salamat sa Diyos at naghintay siya kahit matagal at kahit sa kasalang bayan ko lang siya kayang pakasalan."
"Inay grabe naman pala ang paghihintay niyo kay Tatay na pakasalan kayo. Ano pong masasabi niyo ron."
"Ang masasabi ko ron, basta mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay kahit gaano katagal at kahit walang kasiguraduhan kung kailan. Nanalig ka lang na darating din kayo ron kasi mahal niyo ang isat isa."
Napalunok ako. Tama si Inay. Waiting and patience is true love.
"Tama kayo riyan. So naniniwala kayo sa forever?"
"Ay oo naman." Sabay nilang sinabi.
"Salamat po." At iniwan ko ang couple na yun, "From the youngest to oldest punta naman tayo sa kalagitnaan yung average na edad." At lumapit ako sa couple na mukhang kasing edad ko, "Maayong Buntag mga Ate at kuya."
"Uy, ikaw si ano... ang ganda mo pala sa personal." Ang sabi ni Ate.
"Salamat po. Ate isang madaliang tanong lang, kaya ba kayo pakakasal nitong si Kuya dahil naniniwala kayo sa forever."
"Oo naman. Eh ikaw ba? Nasan na ang forever mo?" Ang tanong ni Ate na may pagkatsismosa.
Ngumiti ako at nagsimulang manukso ang mga tao sa paligid ko.
"Naku nasa Germany po."
"Sa Germany eh di ba yun ang boyfriend mo." Ang sabi ni Kuya kaya napalingon ako.
Lord nanaginip ba ako... may napakaguwapong nilalang ang palapit sa akin na may dalang isang bouquet.
"Hi!"
Speechless ako.
"She's suprised."
Close open close open... nagsara bukas ako ng mata upang malaman na totoo ito at hindi ito panaginip.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa lips.
"Babe youre not dreaming." Ang bulong niya sa akin.
"B-babe a-ano..." tapos di ko mapigilang maiyak sa sobrang pagkamiss sa kanya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Im here na, dont cry." Ang bulong niya sa akin.
"Sinuprise mo talaga ako." At tinignan ko ang mga kasama kong camera man at crew, "Hoy kayo kasabwat kayo noh. Plinano niyo toh "
"Wait Babe, Im here to say something."
"Ano yun?"
"Tutal na kasalang bayan naman tayo... " lumuhod siya sa harapan ko at naglabas ng singsing "Lalaine, will you marry me?."
"Naniniwala ka ba sa forever?" Ang tanong ko sa kanya.
"Naniniwala ako na ikaw ang forever ko." Ang sagot niya sa akin.
"Naniniwala rin ako na ikaw ang forever ko kaya, Yes pakasal na tayo!"
Pagkatayo niya ay agad niya akong binuhat at muling hinalikan.
"I love you and I miss you Babe." Ang bulong niya sa akin.
At kinurot ko ang pisngi niya, "I love you and I miss you too Babe."
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
RomanceSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...