18. STAY HERE... IN MY ARMS

249 9 0
                                    

18. STAY HERE... IN MY ARMS

GINO

Its a two seconds kiss.
Kung patatagalin ko pa ng dalawang segundo ay baka masampal pa ako ni Lalaine.
But that two seconds... its perfect.
Natulala si Lalaine sa ginawa ko.
Hinintay ko ang kanyang ulirat kasi baka kapag natauhan na siya ay makatikim ako ng sampal, mura at pananapak sa kanya.
Im willing to accept that wag lang demanda.
Lumipas ang dalawang minuto ay wala pa ring kumikibo sa aming dalawa. Ni hindi na namin magawang magtinginan kahit magkatabi kaming nakaupo sa kutson.
Bakit ko ba nagawa yun? Ang akward tuloy.
Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko... halos gumuho na ang mundo ko sa nabalitaan ko tungkol sa Mama ko... pero ung makasama siya ng ilang oras kahit papano ay nabawasan yung kalungkutan ko. Pinagaang niya ang pakiramdam ko.
"Sorry I just got carried away." Ang sabi ko.
Tumango naman siya.
Tumayo ako, "I think tuyo na yung mga damit ko. Magpapalit na ako para makauwi na rin. Nakakahiya na kasi sayo."
"Ay wala yun."
Sa terrace ng apartment niya ay chineck ko kung pwede ko ng suutin ang mga damit ko pero mamasa masa pa ang mga ito.
"Basa pa. Alam ko na plantsahin ko para matuyo." Hinila niya ang pantalon na nakasampay.
Dahil sa nahihiya na ako sa kanya ay kinuha ko ang pants ko na hawak niya, "Wag na okey..."
Pagkahila ko ng pants ko ay napasama siya hanggang sa napaakap siya sa akin.
"Ha." Ang reaksiyon niya sa di niya pagsadyang pagakap sa akin.
Naramdaman kong babitaw na siya sa akin nang bigla kong nilagay ang isang braso ko sa likuran niya, "Stay... here.... in my arms."

LALAINE

"Stay... here... in my arms."
Sasabog na ang puso ko sa sinabi niyang iyon at maslalo na ng maramdaman ko na mas hinigpitan pa niya ang pagakap sa akin.
Ano ba ito? Yung pants lang naman ang kukunin niya bakit pati naman kasi ako napasama. Ano ba kasing problema nitong lalaki na ito at ganyan siya kaemotional ngayon.
"Gino... di ako makahinga."
Niluwagan niya ang pagkaakap sa akin hanggang sa tuluyan niya na ang pakawalan sa mga bisig niya.
"Plaplantsahin ko na ang damit mo."
"Wag na. Pwede na ito. Diretso naman ako sa bahay. Baka hinihintay na rin ako ron. Salamat for being with me all this time."
Tumango ako, "Walang anu yun."

GINO

"Yes Doc. Thanks Doc, we will prepare everything. I will do everything for my wife."
Ang narinig kong sinasabi ni Papa sa kausap niya sa phone, "I love her so much and I want her, she and my son, I love them so much, Im willing to sacrifice everything just to be with them."
Natigilan ako at pinagmasdan si Papa, nakayuko siya at pinipisil ang gitna ng ilong niya na parang pinipigilan niya ang kanyang sarili na umiyak.
Napapahawak ako sa dibdib ko habang pinapanood si Papa. Ang sakit-sakit na nakikita na nasasaktan at may pinagdadaanan ang mahal mo sa buhay. Masakit para sa isang anak na pinaglihiman siya ng mga magulang niya pero walang sasakit pa sa pinagdaanan ngayon ng pamilya namin dahil sa sakit ni Mama.
Naalala ko tuloy yung sama ng loob ko kay Mama sa tuwing di siya makakapunta ng PTA meeting dahil kailangan niyang umattend ng hearing sa Senado. Ang laging sabi sa akin noon ni Papa hindi dapat sumama ang loob ko kay Mama kasi yung ginagawa niya para sa bayan, para sa ikabubuti ng madami. Kapag nalaman kaya ng buong Pilipinas ang pinagdadaanan ngayon ni Mama may pakialam kaya sila... o baka sabihin lang nila... karma lang yan sa kanya... ma-scandal kasi siya. Kaya rin ba niya tinatago ang sakit niya dahil din sa bayan? Ayaw niyang ipakita sa mga tao na mahina siya, na kahit babaeng de Silva ay kay rin niyang tapatan ang mga Lolo at tiyuhin ko.
Paano na ba kami? Paano na nga si Mama? Hanggang kailan namin itatago sa buong Pilipinas ang lahat? Kagaling ba siya? Sana gumaling siya... sana Lord.
"Gino, kanina ka pa ba andyan?" Ang tanong sa akin ni Papa.
Lumapit ako kay Papa at yumakap sa kanya, di ko rin mapigilan ang sarili ko na maiyak, "Sorry Papa, Im so sorry sa inyo ni Mama." Ang nasabi ko sa kanya.
"Im sorry din anak. Ilang beses ko ring sinabihan ang Mama mo na sabihin na namin sa iyo ang totoo dahil ayokong pagisipan mo kami ng masama pero ayaw niya. Mana ka raw kasi sa kanya. Rebelde, may pagkasutil pero when times like this ikaw ang pinakamagaalala. I think its a wrong decision for us na itago sayo ang lahat. Hindi ka lang namin pinagalala, sinaktan ka pa namin."
Tumango ako.
"Pero ayokong patagalin ang tampo sa inyo ni Mama, becoz I realized sa mga ganitong panahon di ko dapat pairalin ang pride ko. Love... love Papa, gusto ko kayong makasama sa mga oras na ito."
Tumango si Papa, "Kakausap ko lang Doctor sa Singapore, he advised us na magpunta kami ng Germany para ipatingin ang Mama mo. May babagay daw kasi na theraphy don para sa Mama mo."
"Can I go with both of you? I want to be with you and Mama. I want to hold her during the theraphy, I want to hold her hand and pray for her."
"Sabi rin ng mga Doctor kung meron mang the best theraphy ang mga cancer patients ito ung makita ang mga mahal niya sa buhay. Okey buong pamilya tayong sasama sa Mama para mapabilis ang paggaling niya."
Ngumiti ako at niyakap si Papa.
Think positive Gino...
Everything will be okey.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon