2. EXCLUSiVELY YOURS

378 12 0
                                    

Nakakapanghina ang mga titig niya sa akin.

Wag niya akong titigan ng ...

Napayuko ako.

Shocks!!!

Nakatitig pala siya sa lumuluwa ko ng didbdib.

Napaupo akong bigla at napayakap sa dibdib ko.

Di ko maitago ang mamula sa nakita niya.

Umupo rin siya at saka ngumiti.

Ang bwiset! Ang pilyo ng ngiti niya.

Mukhang nagenjoy siya sa nakita niya.

"Not bad."

"Bastos!"

"Ako bastos? Eh ikaw nga itong biglang humila sa akin, niyakap ako tapos pinakita mo yang hinaharap mo sa akin." Ang sabi niya sa akin.

"Ang kapal nito! Hoy kaya kita hinala kasi magpapakamatay ka."

"Who told you na magpapakamatay ako.

Pumanik ako rito para magpahangin, hindi na kasi ako makahinga sa loob ng room ko." Ang paliwanag niya.

"Eh bakit ka nakatayo ron?"

"I just want to see whats happening outside."

"Ay sus palusot ka pa. Kaya ka nga andito sa hospital eh, kasi may suicide attempt. Nagpaoverdose ka ng pinagbabawal na gamot..."

"Hoy hindi ako adik. Im not into drugs!"

"Eh bakit ka nila sinugod rito sa hospital?" Tama yan, magtanong ka lang para makakuha ng scoop.

"Secret bakit ko sasabihin? Taga media ka eh."

"Hindi ako di ka media."

"Lokohin mo Lelang pamilyar na ang mukha mo sa akin. Nakikita na kita sa presscon at events. Journalist ka sa isang Tabloid."

Okey fine. Hindi ako nakalusot don. Mukhang madaling makakilala ng press ang lalaking ito.

"Kahit mukha kang ano riyan sa suot mo alam kong taga media ka. Kaya mo ako sinundan dito para makakuha ka ng scoop sa akin noh. Kayo talagang mga taga media. Idemanda kaya kita sa ginagawa mo."

"Uy Sir wag. Mahirap lang talaga itong trabahong ito kaya ko ginagawa ito." Ang pagmamakaawa ko sa kanya.

Ngumingiti lang siya. Bentang benta sa kanya ang pagmamakaawa ko.

Natigilan kaming dalawa nang may narinig kaming parang may pumapanik.

Hinila niya ako at nagtago kami sa likod ng isang malaking drum don.

Lumabas don ang isang guwardiya upang magyosi.

Napahawak ako ng mahigpit sa kanya habang hinihintay namin na makaalis ang guwardiya.

Nakatingin siya sa guwardiya habang ako nakatingin sa kanya.

Ang pogi talaga nito sa malapitan.

Ang pungay ng mga mata...

Ang ganda ng ilong...

At ang labi niya....

Ang pinky.

"Uy andiyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap."

Pumasok na muli ang guwardiya at saka siya nakahinga ng maluwag.

Napatingin siya sa akin.

"Tinititigan mo ba ako?"

Agad akong napabitaw sa kanya at agad akong tumayo.

"Hindi ah. Akala mo lang."

Pinagpag niya ang suot niyang pajamas at saka siya tumayo.

"Sige na balik na ako sa room ko."

"Ako rin. Alis na ako. Wala man lang akong napalang scoop sayo."

"Naghahanap ka kasi ng negative scoop sa akin. Positive kaya ang ilagay mo. Isulat mo Im perfectly fine kasi di naman talaga ako nagdadrugs. Naover stress at fatigue lang ako kaya ako hinimatay."

"Hindi malaking issue yun. Hindi kinakagat ng mga tao ang mga ganyang positive write ups." Which is totoo naman. Ang expose, scandal, scoop madalas yan negative. Yun bang nakakasira sa isang tao.

"Ang sama niyo talagang tagamedia, gusto mo talagang isulat na nagaattempt akong magsuicide kahit hindi naman totoo.

Hindi pa ba malaking expose na ako talaga ang nakausap mo. Few hours after akong maconfine sa hospital na ito. Akin na yang celphone mo."

Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan at nagselfie siya kasama ko.

"Oh ayan ha. Exclusively yours yan." Ipost mo yan sa blog mo, FB mo, tabloid niyo... whatever."

"Not bad." Ang sabi ko sa kanya nang nakita ko ang selfie. Nakangiti naman kasi kaming dalawa. At maganda ang anggulo namin.

"At siya nga pala." Hinubad niya ang suot niyang jacket at ipinatong iyon sa akin, "Ang sagwa kasi ng suot mo. Baka mabastos ka ng ibang lalaki riyan."

Napatingin ako sa jacket niya. Ang gentleman naman nito.

"S-salamat. Ibabalik ko na lang ito sayo kapag nagkita uli tayo."

"Sayo na yan. Sponsor ko naman yan eh."

Oo nga pala endorser / model pala siya ng isang sikat ng clothing line kaya madami nga siyang ganitong jacket.

"Okey thanks."

"Thanks for saving me kahit hindi naman talaga ako tatalon." Ang sabi niya.

"Sorry din sa maling akala."

Una siyang bumalik sa loob ng hospital at saka ako sumunod don.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon