5. Kung Gusto Mo Kaming MagDusa... Magpakamatay Ka Na Nga Lang

278 8 0
                                    


LALAINE

Sa loob ng office ng editor ko ay sabay naming pinapanood ang isang interview kay Sir Gino sa TV.
"Anong masasabi mo sa kumakalat na picture niyo ng sinasabi nilang girlfriend mo?"
"Yah, totoo yun. Girlfriend ko siya." Ang sabi ni Sir Gino.
"According to our research your girlfriend is Lalaine Montesa of Araw News."
Napayuko ako. Hindi sa ganitong paraan ko inimagine na makikilala ako ng buong Pilipinas.
Tumango siya,"Yah, she's a rookie journalist."
"Siya ba ang dahilan ng pagkahospital mo?"
"Lalaine already made a good article and clarification about what happened. Im not into drugs and I didnt commit suicide. Kaya ako nawalan ng malay due to over fatigue at sobrang pagdadiet dahil I need to prepare for the fashion event next week." Ang paliwanag niya.
"Sir ilang months na po pala kayo ni Miss Lalaine?"
"Five months and going stronger." Ang sagot niya.
"Totoo bang may napag-awayan kayo before kayong na hospital?"
"Am... I want my personal life in private." ang sagot niya.
End of the interview.
Napasandal ako sa kinauupuan ko.
So this is it, ito na ang simula ng pagbabago sa buhay ko.
Life is so unpredictable parang kahapon lang single ako tapos ngayon... ako na ang girlfriend ni Gino Alvarez.
"Haba ng hair mo teh. Girlfriend ka ni Gino Alvarez." Ang biro ng editor ko.
"Gusto ko na nga pong makipagbreak." Ang sabi ko sa kanya.
"Wag ka munang makipagbreak. Iexperience mo muna maging girlfriend niya. Bigatin din kaya yun."

GINO

After the rehearsals para sa fashion event ay tumuloy agad ako sa bahay at tinignan ang mga comments ng mga tao regarding sa sinabi ko tungkol kay Lalaine.
Gosh ang babaw for sure nagattempt talaga siya ng suicide dahil sa babaeng yan.
Weird. Una drugs then drugs turn to suicide I dont think the girl is a good influence on her kung ganon nga ang nangyari sa kanya.
Gimik lang yan! Pa-prince charming para maalis ang negative issues sa kanya. Nagdradrama lang yan for sure.
Crush ko si Gino at umaasa ako sa kanya kaya naiinis akong malaman na may girlfriend na pala siya... pero may araw din silang dalawa... tandaan niyo... walang forever!
Hindi bagay! Parang di naman kagandahan yung babae tapos tabloid writer... kung sa broadsheet sana pwede pa. Eeew!
Talagang journalist pa ang pinatulan niya ha... for what para mapagtakpan niya ang baho niya at ang baho ng pamilya niya.
Grrr! Gusto kong ipalibag ang celphone ko dahil sa mga comments ng mga tao!
Ang sasama ng mga ugali nila! Napakajudgemental! Hindi naman nila ako kilala!
"Gino."
Ibinaba ko ang celphone ko nang pumasok sa salas si Mama.
"Ma, himala nagkaabutan tayo." Ang biro ko b sa kanya dahil halos di na kami nagkikita sa bahay.
Maaga kasi siyang umaalis ng bahay at late na rin umuuwi.
"Balita ko may girlfriend ka na raw. Mas una pang malaman ng buong Pilipinas kesa sa akin."
Ano ito? Motherly tampo? Nagtaka pa siya eh hindi nga kami nagkikita.
"Balak kasi naming itago. Eh aksidente niyang na ipost yung pic naming dalawa." Ang paliwanag ko sa kanya.
"Bakit reporter?" Ang tanong niya sa akin, "Mas maganda sana kundi na lang reporter ang ginirlfriend mo."
She is so mean! Parang di nagmahal kung magsalita. May tao bang napipili ang mamahalin. Eh di ba nga sabi nga nila... di natuturuan ang puso.
"Delikado yan. Baka ginagamit ka lang niyan para makakuha ng scoop." Ang dagdag pa niya.
"Ano bang kinakatakot Ma? Ang malaman ng buong mundo kung anong klaseng pamilya meron tayo ngayon." Ang sagot ko sa kanya.
"Hindi sa ganon."
"Nakakatakot ka ba Ma na malaman ng buong mundo na hiwalay na kayo Ni Dad. Na si Dad wala ng pakialam sa atin."
"Gino hindi totoo yan. May concern pa rin sa atin ang Dad mo."
"Ma, kung talagang concern sa atin si Dad sana umuwi siya ng Pilipinas nang nalaman niyang katait nang magpakamatay ang anak niya!"
Nagulat ako nang bigla akong binigyan ng malakas na sampal ni Mama.
"So its true. Nag-attempt ka ngang magsuicide. How dare you to kill yourself!"
Hindi ako makapagsalita.
Nagulat din ako nang makita kong namumula ang mukha ni Mama at nanginginig siya sa galit sa akin.
"Pinaghirapan kitang iluwal sa sinapupunan ko. Alam mo yan Gino... its a near death experience!" Ang sabi ni Mama.
"Binigyan ka namin ng maayos na buhay. Iningatan kami ng Daddy dahil nag-iisa ka lang naming anak tapos sasabihin mo gusto mo ng mamatay! Pwes kung gusto mong buong buhay kaming magdusa sayo ng mga Dad mo magpakamatay ka na nga lang!!!"
Napapikit si Mama at patuloy pa rin sa pagiyak.
"Ma... Im..."
Hindi niya ako pinansin at dirediretso siyang tumuloy sa kuwarto niya.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon