20. MIDNIGHT MEMORIES

248 8 0
                                    

20. MIDNIGHT MEMORIES...

"Ah... Gino... ang sakit." Ang sabi ko sa kanya habang mahigpit akong nakahawak sa balikat niya.
"Its tight."
"Hindi ata kasya..."
"Kasya yan... mahirap lang talagang ipasok."
"Huh... okey na." At napangiti ako, "Masarap pala siya."
"Sabi ko naman sayo eh."
"Ang sarap grabe, mahirap nga lang ipasok pero kapag nakapasok na okey siya." Ang sabi ko.
"Ayos ba?"
"Oo sobra."
"Ready ka for a faster one?"
"Yah Im ready Bebe! Go lets move! But before that..."
At yumuko ako, "Itatali ko muna ang sintas ng rubber shoes." Niregaluhan ako ni Gino ng rubber shoes para lagi ko raw siyang naalala.
Ang ganda ng rubber shoes na ibinigay niya sa akin, ang cool at ang sarap sa paa. Akala ko nga di magkakasya sa akin pero kasya naman pala.
"Halika na night jogging na tayo."

Weird man pero nagjogging talaga kami ng gabi sa park. Ayos kaya yun walang araw di kami iitim un nga lang nagtitinginan sa amin ang mga tao.
"Balut!!!" Tumigil muna kami sa kakatakbo para kumain ng balut na pampatigas ng tuhod.
"Mamimiss ko to." Ang sabi niya sa akin.
"Hindi ko naman akalain na kumakain ka pala nito. Sosyal ka kasi eh."
"Oo naman. Favorite ko kaya ito, maslalo na yung sisiw."
"Weh di ka nadidiri sa sisiw?"
"Nope."
Suprising revelation. Marami pa talaga akong di alam tungkol kay Gino sayang kung kailan ako naging interesado sa kanya doon kami maghihiwalay.
"Ilang taon kaya kami ron? Mamimiss ko kasi ang Pilipinas. Sana madaling makarecover si Mama."
"Sana nga.."
"Pero ikaw ang pinakamamimiss ko."
Ang sabi niya.
"Ako rin."
Napapunas siya ng mata niya na parang nagpipigil ng luha.
Mamimiss ko talaga siya.

Pagbalik namin sa bahay ay nagshower na muna kami at saka ko inayos ang hihigan namin. Natulog naman kami dati sa iisang kutson na wala namang nangyari baka wala naman ngayon pero incase man... nagwisik na rin ako ng cologne para mabango pa rin ako kahit tulog.
Lumabas na siya ng CR na papunas punas ng buhok at nakasuot ng puting Tshirt at pajamas.
Ang lalaking guwapo kapag nakasuot talaga ng puting Tshirt maslalong gumaguwapo... bakit kaya?
"Sigurado ka bang gusto mo pa ring matulog dito. Hindi ka ba nahirapan nong huli."
"I dont care, I wanna be with you."
Kinilig naman ako ron.
Napasinghot siya sa paligid, "Whats that? Anong amoy yun?"
"Anong amoy?"
Tapos napadikit siya ng slight sa leeg ko na ikinagulat ko then natawa siya.
"Nagpabango ka."
"Kaunti lang."
"Bakit naman? Matutulog lang naman tayo."
Lakas ng trip nito ha. Ano to manhid manhidan.
"Ganito lang talaga ako kung matulog. Nagpapabango para paggising hindi ako amoy panis na laway."
"Hindi ka naman nagpabango nong huli."
"Bakit ba napakausisero mo?" At saka ko binato ang isang unan sa kanya, "Matulog ka na nga lang." At saka ako humiga.
"Ito naman di ka na mabiro." Humiga siya sa tabi ko at tumalikod ako sa kanya. Sungit sungitan ba.
Kinalabit niya ang balikat ko, "Sorry na." At hinila ang katawan ko paharap sa kanya, "Mamimiss talaga kita."
"Ako rin." Ang sabi ko.
Inayos niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at saka niya kinabig ang bewang ko papalapit sa kanya.
Napansin kong nakatitig siya sa lips ko... ramdam ko ang pagbabanta ng labi niya kaya tinakpan ko ng tshirt ko ang bibig ko.
"I just want to kiss and hug you. Because I will miss you very much."
Inalis ko ang shirt ko sa bibig ko tapos ay dinampi niya ang lips nya sa lips ko.
"I want to feel your lips endlessly." Kaya inilapat niya uli ang labi niya sa akin at doon ako napapikit at napayakap sa kanya nang mahigpit.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon