11. Sige na nga... Babe...

219 6 0
                                    

LALAINE

"Im fallin.."
"Huh? Pano?"
Speechless. Ano ba kasi yang sinasabi niya?
"Pinsan!"
Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
Gusto ko tuloy maslalong magtago sa mga bisig ni Gino. Patay na! Si Direk Marbee de Silva yun.
"Oops sorry. Mukhang nagmomoment ata kayo ni..."
"Marbee, meet my girlfriend Lalaine."
Napayuko ako at tinakpan ang buhok ko sa mukha ko.
"Hello sir."
Napatingin sa akin si Gino, "Anong nangyari sa buhok mo?" At inayos niya ang buhok ko, "Show him your face..."
"Ay hindi.." pinipigilan ko si Gino pero pinilit niyang ipakita ang mukha ko sa pinsan niya.
"Ikaw?" Ang sabi ni Direk Marbee, "So ikaw pala ang girlfriend nitong si Gino, ang paparazzi ni Jade Garcia. Pambihira kaya pala pamilyar ang mukha mo sa akin."

Sa kuwarto ni Gino nagusap usap kaming tatlo.
Alam naman pala nitong si Direk Marbee ang pagpapanggap namin ng pinsan niya.
"Kung namukhaan lang kita eh di sana nilakad na kita kay Jade. Hindi kaya makakatanggi sa akin yun." Ang sabi ni Direk Marbee.
"Because Jade Garcia likes you." Ang sabi ni Gino.
"Talaga po."
"Oh scoop yan." Ang sabi ni Gino sa akin.
"Paano niyo naman nalaman?" Ang added question ko pa.
"Guys are guys. We have our instinct ko kung bet ka ng isang babae." Sabay kindat sa akin ni Gino.
Napalunok ako.
"Wag kang maniwala riyan. Jade is just friendly."
"Friendly? Friends ba yung Direk free ka ba tonight? Direk kumain ka na ba? Direk have you watched me on this on that. She is so kulit." Ang pangbubuking ni Gino sa pinsan niya.
"Mabait po kasi kayo at gentleman kaya po kahit sinong babae magugustuhan kayo."
Ang sabi ko kasi totoo naman, isang meet ko lang kay Direk talagang parang anghel na siya na bumaba sa langit.
"Bolera itong si Lalaine." Ang sabi ni Marbee tapos tinignan niya si Gino na parang biglang sumama ang mood, "Dude are you okey?"
Napabuntong hininga si Gino, "Okey lang. Halika na nga Lalaine ihahatid na kita sa inyo."

GINO

Pambihira di ka na nga sinagot ng oo tapos malalaman mo parang crush pa niya ang pinsan mo! Bad trip!
"Ang bait talaga ni Direk Marbee noh."
Bigla ko tuloy na ipreno ang sasakyan, "S-sorry naapakan ko." At saka ako nagpatuloy sa pagmamaneho. Sige magsalita ka pa tungkol riyan kay Marbee at baka maaksidente tayo.
"Sir sa tingin niyo ba okey lang sa Mama niyo ako."
"Dont - call - me - Sir." Ang sinabi ko sa kanya.
"Okey po."
"Just call me Babe."
"Hala bakit?!" Ang bigla niyang nasabi.
"Anong bakit? Tayo naman di ba?"
"Hala hindi. Ano, kuwan... parang tayo lang pero hindi. Kunwari tayo lang pero hindi." Ang pautal utal niyang explanation sa akin.
"Hindi magiging effective ang pagpapanggap natin if we will not going to exchange endearments. It is still part of our acting." My explanation to her.
"Hala, may ganon, baka kasi ano..."
"Baka kasi masanay kang tawagin akong Babe. No problem, you can call me Babe all the time."
"Hala hindi yun ang ibig kong sabihin."
"Ang dami mo pa kasing excuses."
Napakamot siya ang ulo niya, "Sige na nga."
"Sige na nga...." I want to hear her to say the sweetest endearment ever.
"Sige na nga po... Babe."
"Walang feelings."
"Hala kailangan pa may feelings."
"How will they believe na talagang mag-babe tayo if you will not put feelings to it. Make it sweet."
"Hindi ako marunong non."
Nag example ako, "Sige na Babe. Babe naman eh."
"Ang landi naman niyan." Ang reklamo na naman niyan.
"With feelings."
Napalunok si Lalaine at saka siya ngumiti sa akin, "Sige na nga Babe." Ngumiti siya at nag beautiful eyes.
Napatitig ako sa kanya. So sweet. So beautiful. Babe is the most beautiful word that God ever made.
"Mababangga tayo!!!"
Nataranta ako kaya bigla akong napapreno.
"Muntikan na yun!"
Napasandal ako sa silya at napatingin kay Lalaine, "Its all your fault."
"Bakit ako?!"
"You are seducing me."
"Hala ako pa itong malandi? Ikaw kaya ang nag-utos sa akin non."
Ngumiti ako sa kanya and I tap her chin, "Just kidding Babe." At saka ako bumalik sa pagmamaneho.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon