GINO
"Who is better looking, him or me?"
I cant breathe. Kinakabahan ako what if ang sagot niya si Marbee. Magagalit ba ako? Sana ako...
"Anong klaseng tanong yan?" Ang sabi niya sa akin, "Siyempre... parehas kayo. Parehas kayong kamukha ng dating Presidente."
"Gusto ko ako lang ang guwapo sa mga mata mo." Napabulong ako.
"Ano yun?"
"Wala. Good night."
"Sige Good night." At saka siya lumabas ng sasakyan ko.
Pinagmasdan ko siya habang papasok siya ng bahay nila.
She's very beautiful kahit nakatalikod siya. Ano ba itong nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako sa kanya?
Gosh Lalaine I think you are already making me crazy. Hindi ako makahinga sa pagseselos kanina kay Kuya Marbee. Noong napakandong sa akin kanina hindi mo alam ang init nang pakiramdam ko at nong hawak ko ang kamay mo kanina I want to hold it forever. I dont want to let it go. I want you Lalaine. Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo na totohanin na natin ang lahat. Natatakot kasi ako baka kapag sinabi ko yun sayo ay baka layuan mo ako bastedin mo ako. Gusto ko... ako lang ang guwapo sa mga mata mo.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko.
"Hello, Yes Manang Elen? Si Papa, andito siya sa Pinas. Nandiyan sa bahay. Sige pauwi na ako."Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sina Mama at Papa na naguusap.
"Nakausap ko na ang Doctor sa Singapore, titignan daw niya ang magagawa niya para makasurvive ka. Ginny..." at hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama, "Lets think positive gagaling ka. Kaya natin ito."
Umiiyak si Mama, "Paano kung hindi? Madaming di gumagaling sa sakit ko."
"Ginny..." at hinawakan ni Papa ang mukha ni Mama, "Gagawin ko ang lahat para gumaling ka. Kaya nga nagtagal ako sa Singapore para sa espesyelista sa sakit mo."
"A-anong sakit?" Ang tanong ko sa mga magulang ko, "Ano ba talaga ang ginagawa mo sa Singapore Pa. Anong espesyelista?"
Tumayo si Papa at nilapitan ako, "Anak let me explain."
"Bakit may di ako alam, Papa. Ako lang ang nag-iisa niyong anak! Wala ba akong karapatan malaman kung anong pinagdadaanan ng pamilya ko."
"Ayaw lang namin ng Mama mo na maapektuhan ka at masira ang pag-aaral mo kaya pinili ng Mama mo na itago muna sa iyo ang pinagdadaanan namin."
"Gino, anak." Ang mangiyak ngiyak na sinabi ni Mama. "Magpakatatag ka."
"Ano bang nangyayari sa iyo Ma?" Di ko mapigilang umiyak dahil nararamdaman ko seryoso ang pinagdadaanan ng pamilya ko.
"Your Mom is sick. She has brain cancer, stage 3 at kaya ako nasa Singapore at nagtrabaho ron dahil naghahanap ako ng espesyelistang makakatulong sa Mama mo."
"And you choose you to hide this all from me na parang wala kayong anak na nagaalala sa inyo. All this time akala ko broken family na tayo, na ayaw mo na sa amin ni Mama, Papa. Yun pala..."
"Anak, Gino, wag mong isisi sa Papa mo kung tinago namin sa iyo ito. Its my idea, ayoko kasing mag-alala ka sa akin."
"Pero yung pag-aalala ko, ung katait ko ng pagrerebelde dahil akala ko hindi na tayo mahal ni Papa, hindi mo inintindi?"
"Anak ayoko rin namang masaktan ka."
"Ma, nasaktan ako, nasaktan ako sa isang bagay na inakala kong totoo. Nasaktan ako dahil tinago niyo sa akin ang problema ng pamilyang ito. Ang sakit, ang sakit-sakit." At saka ako lumabas ng bahay namin sa sama ng loob.LALAINE
"Nanay ko po!" Gumagawa ako ng article nang bigla akong nagulat sa lakas ng kulog with matching kidlat pa. Sobrang lakas ng ulan grabe parang wala ng katapusan.
"Inang ko po!" Nabigla naman ako nang tumunog ang phone ko. Si Gino, may nakalimutan ba siya?
"Hello Gino."
"I need you." Ang parang may garalgal na boses na sinabi niya sa akin
"Anong nangyayari sayo?"
"I need you now."
"Ngayon na? Nasaan ka ba?"
"Nasa tapat niyo."
Napasilip ako sa bintana namin. Andon nga at nakaparada sa tapat ng bahay namin ang sasakyan ni Gino.
Lumabas ako ng bahay na may dalang payong upang puntahan siya.
Di pa ako nakalabas ng gate ay lumabas na siya ng sasakyan niya, sinugod ang malakas na ulan at patakbo na nilapitan ako upang yakapin ako nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
RomanceSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...