4. YOU REALLY MADE MY DAY

314 10 0
                                    

GINO

This is what happened 24 hours ago...

"So ano ngang plano mo sa Lalaine Montesa na yan?" Tanong sa akin ni Marbee.

"Ayoko naman siyang mapahiya sa mga tao. Mukha naman kasi siyang mabait at nagawa lang niya yun dahil kailangan sa trabaho niya at sa akin na rin..."

"Anong sayo na rin?" Ang tanong ni Marbee.

"Nakita kasi niya ako na tumatakas sa mga guards, sinenyasan ko siya na wag magsalita kaya ang ginawa niya sinabi niya sa guard na ex ko siya at sinabi niyang ipaglalaban niya ang pag-ibig niya sa akin ganon."

"So ang ibig mong sabihin kinuha niya ang atensyon ng security para makatakas ka."

"Oo. Tapos saka niya ako sinundan sa taas."

"Well, kasalanan mo rin pala." Ang sabi ni Marbee.

"Natawa nga ako sa sinabi niyang yun eh."

"Wait natawa ka ba talaga or kinilig ka? Is she pretty?"

Nag-isip ko. Pero sa tuwing sa naiisip ko ang itsura ni Lalaine ay iba ang sumasagi sa pilyo kong pagiisip kaya maslalo akong natatawa.

"Oh bakit ka natatawa tinatanong ko lang naman kung maganda yung babae."

"May itsura naman." Ang sagot ko, "Maganda siya. She has a nice.." hindi ko na tinuloy. Natatawa na naman kasi ako.

Nailing si Marbee, "Insan ang gulo mo. Para kang baliw. Nong nakaraan linggo di kita nakikitang masaya ngayon naman di ko naman naiintindihan kung bakit ka tawa ng tawa. Pre, papsychiatrist ka na rin kaya."

"Basta may nakakatawa lang."

"So ano ngang sasabihin mo sa mga tao tungkol sa inyo ng Lalaine na yun."

"Sasabihin ko sa kanilang girlfriend ko nga sya."

"Seryoso ka? Paninindigan mo yun?"

"Eh kesa naman mapahiya yung tao and worst mademanda pa siya."

"Yung totoo Tol. Tinamaan ka ba ron sa babae? Are you interested on her?"

Ganon na ba ako kadaling tamaan sa babae?

"Alam mo Insan pasalamat yang babaeng yan dahil wala kang girlfriend ngayon dahil kung hindi patay siya. That girl, masuwerte pa rin siya."

LALAINE

Nanaginip ba ako? O baka imagination ko lang ang lahat ng ito?

"Sasabihin ko sa kanila na girlfriend nga kita." Inulit niya ang sinabi niyang yun.

"Sir di naman kasi kailangang umabot pa sa ganito. Am... makakalimutan din naman ng mga tao yun. Iisipin lang ng mga yun nabaliw lang sandali tapos wala na. Mawawala din yun Sir, dinilete ko na nga sa timeline ko eh."

"Hahayaan ko na lang na isipin ng mga tao na nababaliw ka." Ang sabi niya, "Ang pangit naman yata non."

"Eh may pagkabaliw din naman kasi ako Sir minsan."

"So okey lang sayo na tawagin ka ng mga tao na baliw kesa maging girlfriend ko. Teka, may magagalit ba sayo? Kasi sa akin wala."

"Wala naman po Sir kaya lang..."

"Ayaw mo sa akin?"

"Ho? Hindi po Sir gusto ko po kayo." Napapikit ako, "Eehh.. okey naman po kayo sa akin kaya lang kasi ano..."

"Bakit ba ayaw mo?" Tanong niya sa akin.

"Eh bakit po ba kayo mapilit?" Ang tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin, "Ano sa tingin mo?"

Natameme ako. Bakit lumakas ang tibok ng puso ko? Parang gustong bumigay ng mga tuhod ko sa mga titig niya sa akin.

"B-bet niyo ako Sir?"

Ngumiti siya. Umatras ng kaunti tapos biglang tumawa ng malakas.

Gosh! Ano ba yung sinabi kong yun! Nakakahiya.

"Joke lang Sir."

"Ano ka ba naman Lalaine, hindi naman ang tulad mo ang tipo ni Sir Gino. Patawa ka naman." Dagdag pa ng Editor ko.

"Sorry po."

"No need to apologized Lalaine I know what you are thinking, naiintindihan ko yun. Natatawa lang talaga ako sayo."

Ano kayang nakakatawa sa akin? Yung mga kahihiyang inaabot ko ngayon? Pinagtritripan yata ako ng lalaking ito.

"Sana wag mong pagisipan ng masama yung pagtawa ko. Hindi ko alam, I just find you funny. Ang totoo niyan, you really made my day."

Napablush naman ako non. Made my Day. Wow! Parang di makukumpleto ang buong araw niya na wala ako.

"Totoo yun."

Tumango ako.

"So nagkakaintindihan na tayo. I will tell them na girlfriend nga kita."

"Well bahal kayo."

"Anong bahala ako? Siyempre tatanungin ka rin nila alangan namang ideny mong boyfriend mo ako."

"Aba Sir si Gino de Silva Alvarez kayo noh, ang kapal naman ng mukha kong ideny kayo."

"Good. Siguro maliwanag na sa atin ang lahat."

Tumayo si Boss at nilapitan kaming dalawa ni Sir Gino.

"So... magjowa na kayo ngayon."

"Chos lang." Ang sabi ko, "For the sake of this issue." Ang dagdag ko.

BLACKMAIL AND LOVE 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon