19. AS YOUR LOVER
LALAINE
Nagulat ako nang bigla akong pinatawag sa opisina namin. May isang exclusive interview daw akong gagawin. Ibinigay sa akin ng Boss ko ang hotel at room number kung saan gagawin ko ang interview.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Sino ba itong trip magpaexclusive interview... pamisteryoso naman. Maslalo tuloy akong kinabahan... pano kung binebenta na pala ako ng Boss ko sa mga masasamang tao pero di naman siguro niya sa akin gagawin yun.
Pumanik ako ng fourth floor kung saan at doon ang room number na binigay sa akin ni boss.
Room 408... kinatok ko ang room na iyon.
"Good morn.."
Nagulat ako nang makita ko si Gino na pinagbuksan ako ng pintuan. Ginigimikan ba ako ng lalaking ito?
"Gino? Sabi ni Bossing may exclusive interview ako yun pala gigimikan mo ako." At saka ko pinalo ang dibdib niya "Sira ka talaga."
"May exclusive interview ka nga."
Natigilan ako.
Hinala niya ako papasok ng kuwarto kung saan nakita ko si Senator nakahiga sa kama at hawak ng asawa niya ang kamay niya habang nakaupo ito ss tabi niya.
"Senator."
"Siya nga pala Papa, I want you to meet Lalaine, my... my special friend."
"Hello po. A-ano pong interview ito?"
"We choose you Lalaine to record a video and write an article tungkol sa sitwasyon ngayon ni Mama." Ang sabi ni Gino "May brain tumor si Mama and she needs to resign in her office."
Nagulat ako sa balitang yun kaya pala ganon si Gino recently, dahil siguro sa Mama niya.
"Can we start now? Ready na ko." Ang sabi ni Senador.
"Ay... sandali po." At saka ko hinila si Gino papasok ng bathroom ng hotel room na iyon upang sarilinan ko siyang makausap.
"Gino wag ako hindi dapat ako, showbiz reporter ako, hindi ako sa national or sa politics." Ang sabi ko sa kanya.
"Pero sayo ko gustong ipagkatiwala ito." Ang sagot ni Gino, "Its your chance, expose ito."
"Yun nga eh. Expose ito. After kong ilabas ang balita na ito ikasisikat ko ito. Ayokong gamitin ang pamilya niyo para sa ikaaangat ko."
"Dont worry Lalaine It doesnt matter to us."
"Kung it doesnt matter sa inyo sa akin it matters kasi mahalaga ka sa akin!"
Natulala si Gino sa sinabi ko.
"Kasi... special ka sa akin. Kasi.... na... nadevelop na ako sa iyo. Parang ano nga eh...."
"Mahal kita." Ang sabi niya.
"Huh."
"Mahal kita Lalaine." At saka niya ako niyakap ng mahigpit, "You just dont know my feeling right now habang akap kita ngayon its a mixture of different happiness and sadness. Happiness kasi sa kabila ng problema namin nakocomfort ako ng mga yakap mo. Sadness kasi sobrang mamimiss ko ito."
Ma-mimiss?
"Ma-mimiss? Aalis ka ba?"
At saka siya bumitaw sa pagkayakap sa akin.
"We have to go Germany and stayed there para theraphy ni Mama."
"G-gaano katagal?"
Umiling siya, "Hindi ko alam."
Napayuko ako, nalungkot... mamimiss ko siya.
"Hey." At inangat niya ang baba ko, "Dont cry. Ill be back for sure, mamimiss mo nga lang ako. Saka kahit nakakalungkot na magkakahiwalay tayo andon naman ung pagasa na gagaling si Mama. It will be hard pero kakayanin ko, kakayanin namin."
Napapunas ako ng mata, naiiyak ako sa lungkot kapag naiisip ko na aalis na siya at di namin alam kung kailan siya babalik.
"Uy, tahan na." At niyakap niya akong muli, "Baka di ako makaalis niyan kawawa naman si Mama ko di ko siya makakasama sa theraphy niya."
"Uy ano ka ba. Sumama ka sa pamilya mo. Nalungkot ako, wag mo akong intindihin."
"Siya nga pala yung sinasabi mo kanina... bakit nga pala ako espesyal sayo?"
Hala akala ko naman tapos na yun.
"Nasabi mo na kanina."
"Ang sabi ko kanina mahal kita. Ako... mahal kita."
"Pero..."
"Ako kasi ang lalaki kaya ako ang una dapat magconfess kaya ikaw naman ngayon. Bakit nga ba ako espesyal sayo?"
"Kasi... kasi mahal kita." Ang sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo, "I love you more. Lets go outside and do the interview."
"Gino ayoko..."
"Listen and follow me. As your lover..."
Kinilig ako sa lover ng slight.
"Gusto ko ikaw ang gumawa ng interview at write up because you deserved it. At kung umangat ka man dahil sa istorya na ito dahil deserve mo ito, kaya ko pinagkakatiwala sayo. I saw your hardwork, your strive, yung patience at dedication mo sa trabaho mo kaya you deserve this story."
"Pero Gino..."
"Wag kang makulit. We dont have anytime after this interview my Mom need to rest bago kami umalis."Inayos ko ang dala kong video cam nang matapos ng maglagay ng light make up si Senadora para sa interview.
"Okey na po senadora." At tinignan ko ang hinanda kong questions at script para sa interview na to.
"Do I look fine. Baka ang pale pa rin ng mukha ko baka isipin nila mamatay na ako."
"Ma, dont say that. Be strong." Ang sabi ni Gino.
"Youre beautiful Honey. Your beautiful in any way." Kinilig naman ako sa sinabi ni Sir LJ kay Senadora. Ganyan din kaya si Gino sa akin pagtanda namin? Huh nag-assume naman ako agad.
"Am halika na po." At saka umupo ang Senadora sa sofa sa harap ng video cam.
"Senator Ginny de Silva Alvarez, may lumalabas po na usap-usapan na nagpasa raw po kayo ng resignation sa Senado, gaano po katotoo ito at ano po ang dahilan?" Ang tanong ko sa kanya.
"Yes, thats true. I already passed my resignation. Ako po ay bumaba na sa aking puwesto sa Senado dahil kailangan. Kailangan para mapagtuunan ko po ng pansin ang aking kalusugan. I'am diagnosed of having a brain tumor and it need to be removed. Me and my family decided to fly to Germany for my operation and medication. Mahirap pong magkaroon ng cancer at mas mahirap pong makita na nalulungkot at nag-aalala ang pamilya mo. Me and my family we are trying our best to be strong and positive."
"Mam, bilang dating puublic figure, ano po ang mensahe nyo sa ating mga kababayan." Isa ko pang tanong.
"I know some likes me and some are not. May mga bahagi sa buhay ko na naging brat ako, naging controversial at naging negative sa paningin ang ibang tao. But this time my message for the Filipino who likes and who doesnt like me is this... pls pray for me."
Napangiti ako. A very short request... but meaningful.
Napatitig ako kay Senadora, ang mga ngiti sa labi niya, mabigat man ang pinagdadaanan nila ay ando pa rin ang pag-asa, kalakasan at positibong pananaw sa buhay."Gino okey na ako, kahit wag mo na akong ihatid, magtataxi na lang ako." Ang sabi ko kay Gino habang hinahatid niya ako sa lobby ng hotel.
"Im going with you." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Huh, Gino wag na.."
"I want to spent a night with you. Bago man lang kami umalis..." at hinawakan niya ang kamay ko, "Lets make memories... tonight."
BINABASA MO ANG
BLACKMAIL AND LOVE 2
RomansaSa pagpapatuloy ng love story nila Ginny at LJ... Meron isang maapektuhan...