Daniel's POV
Gumising ulit ako ng maaga. Ewan ko sa sarili ko at napapadalas na talaga ang pag eexercise ko.
Para naman maiba, magbabike ako. Isasama ko sana si fluffy at magjajogging kami pero tulog pa si fluffy kaya magbabike nalang ako.
Nagbike lang ako. At walang nagbago. May bumabati na naman sakin at ito ako, snob.
Dumaan ako sa bahay ng mga mokong. Di naman kasi ganun kalayuan ang bahay ng mga yun. Malayo siya pag nilakad pero pag binike, di na masyado. Dumaan ako sa bahay nila pero mukhang tulog pa yung mga yun. Sabagay puyat ata mga yan..
Si mateo malamang nagpuyat yan. Ano pa ba? Kasama niya mga babae nya. Baka nga wala yun sa bahay nila eh. Pero kahit ganun yun, deep inside mabait yun. Nasaktan lang siya kaya siya nagkaganun. Katulad ko, nasaktan kaya nagbago. Sabi nga "they changed because they are hurt."
Si hans hay nako. Nagpuyat yan kakaaral. Di ko alam kung kelan magsasawa sa kasipagan mag aral.
Si sean? Naabutan kong online yan kagabi. Nakita ko nga kung ano anong picture pinagpopost niya. Sa sobrang dami, pinuno nya ang news feed ko kaya di ako nagtagal mag facebook. Baka rin naglaro yan ng kung ano ano.
Hanggang sa napagod ako, tumigil ako. Pero parang mali atang desisyon na tumigil ako. Tumigil pala ako sa bahay nila. Bahay nila xyra. Dahil nga sa nandito ako, may naaalala na naman akong hindi ko gustong maalala..
Flashback
(Play the video para mas maganda ang pagbabasa)
Ppuntahan ko si xyra ngayon. Yayayain ko syang mag dinner pero surprise. Papunta na ako sa bahay nila. Dapat nga kaninang umaga pupuntahan ko sya sa bahay nila pero kahapon sabi nya may pupuntahan daw sila ng tatay nila kaya wag daw muna. Sa hapon daw sya free.
Pagdating ko sa bahay nila nakasalubong ko yung yaya nila
"Sir daniel bakit po kayo andito?" Tanong saki
"Ah si xyra po ba andito?" Tanong ko
"Ah eh sir. Wala po dito si maam xyra. Kakaalis lang po. Papunta pong airport."
"Ano pong meron?"
"Mag aaral po si maam xyra sa Singapore. Di nyo po alam sir?"
A-anu daw?
Parang gusto ko ng matumba dito sa kinatatayuan ko.
"Kakaalis lang ba nila?" Tanong ko
" ah eh opo sir." Sagot niya
Tumakbo ako agad sa kotse ko at dumiretso sa airport. Tinignan ko ang flight ng mga pupuntang singapore. Pero dahil sa andaming tao, nagtanong nalang ako. Pero ang tanging sinagot lang sakin ay " opo sir."
Para akong nabaliw na nalaman kong umalis na siya. WALA NA SIYA.
Pumunta ako sa kotse ko. Nagdrive. Wala akong masyadong makita sa daan dahil sa iyak ng mata ko. Naisipan kong tumigil muna kaya tumabi ako. At doon ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko..
Umiyak ako ng umiyak.
Xyra bakit? Iiwan mo ko ng ganun ganun nalang? Bakit di ka man lang nagpaalam sakin? Maiintindihan naman kita. Pero bakit di mo man lang ako kinausap tungkol sa pag alis mo? Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan sa ginawa mo? Sobrang sakit! Tagos na tagos! Xyra...sinaktan mo ko.
Xyra bumalik ka. Please lang. Nagmamakaawa ako sayo. Bumalik ka please.
Sana panaginip lang lahat ng ito. Sana.
Napagisipan kong pumunta nalang sa bar. Baka sakaling pag uminom ako, gumaan ang kalooban ko.
Pagdating ko sa bar uminom lang ako ng uminom. Pero habang umiinom ako, may tumutulong luha parin sa mga mata ko. Maya maya, may lumapit sakin na tatlong lalaki. Dahil nga sa wala ako sa sarili ko, kung ano ano pinagsasasabi ko
"Anong problema nyo? Ha?" Sabi ko
"Bro ok ka lang?" Sabi ng isa sakanila
"Tingin nyo mukha akong ok? Ha? Tingin nyo?"
Tumahimik sila. Tumabi sila sakin. Pero di ko talaga mapigilan ang pagluha ko.
"Iniwan nya ako." Sabi ko habang naluluha. "Iniwan ako ng taong mahal ko."
Dinamayan lang nila ako ng dinamayan. Sila yung nasa tabi ko.
......
Kinabukasan..
Pumunta ako sa bahay nila xyra.
"Tao po! Tao po!!!" Sigaw ko
"Sino po- ay sir daniel? Bakit po kayo andito?" Sabi nung katulong nila. Pero biglang dumating si kuya hayver. Nagulat pa nga siya nung nakita niya ako.
"Kuya hayver, bakit po umalis si xyra? Bakit daw po siya hindi nagpaalam? Kuya, pakausap naman po sakanya o. Kagabi po tinawagan ko siya pero di po niya sinasagot. Kuya hayver, tulungan nyo po ako. Gusto ko pong makausap si xyra." Hindi niya ako sinagot. Pero parang di niya ako kayang tignan.
"Kuya hayver please." Sabi ko at lumuhod pa nga
"Daniel sorry. Wala akong magagawa para sayo. Umalis ka nalang.." Sabi niya at tumalikod na
"Kuya hayver nagmamakaawa na po ako sayo." Sabi ko habang umiiyak
"Umalis ka na." Sabi lang niya at pumasok na sa bahay nila.
Sinubukan kong pumasok pero pinigilan ako ng guard nila.
"Papasukin nyo ako!" Sabi ko at nagpupumilit na pumasok pero malakas sila. Nanghihina na rin ako dahil sa sitwasyon ko.
....
Ilang araw na ang nakalipas nung umalis si xyra. Pero ni isang text,chat o kahit tawag wala akong natanggap sakanya. Tinext ko siya ng tinext. Chinat ko rin siya at tinawagan. Pero hindi niya sinasagot. Sinubukan kong magmakaawa sa mga kamag anak ni xyra para naman matulungan nila ako at makausap ko si xyra pero iniiwasan nila ako.
Xyra bumalik ka.
Para na akong nababaliw.
End of flashback
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Genç KurguUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...