A/N: play the video while reading. Para damang dama ang pagbasa ;)
Xyra's POV
Sinundo ako ni nicko pag uwi. Kahit na ganun yung mukha ko na mukhang ewan dahil sa iyak, di niya ako tinanong ng tinanong.
"Andito na tayo." Sabi ni nicko. Nasa bahay na pala kami..di ko namalayan yun..Di muna ako bumaba ng kotse...
"Nicko, sorry." Sabi ko pero di nya ako iniimik. Sa halip ay tumingin sya saken at ngumiti na para bang di ko sya nasaktan. "I'm sorry nicko." Sabi ko at may tumulong luha na naman sa mata ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Iyak kong sabi. Niyakap lang ako ni nicko pero patuloy lang ako sa pag sosorry sakanya. "Andami ko ng nasaktan nicko. Isa ka na dun. I'm sorry. I'm sorry. Di ko na alam kung anong gagawin ko sa mga kasalanang nagawa ko." Sabi ko at umiyak na ng umiyak. Binitawan nya ako sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko tapos ngumiti sya saken..
"Natatandaan mo pa ba yung nasa singapore tayo? Yung araw na umamin ako sayo?" Sabi nya saken
Flashback
"Nicko bakit tayo andito?." Nakarating kami sa napaka gandang lugar na halos di ko na maexplain ang itsura dahil sa ganda..
Imbis na sumagot sya saken ay may inabot syang bouquet of flowers saken.
"Ano na? Para saan toh?" Tanong ko. Ngumiti lang sya saken
"Aamin ako sayo xyra. Mahal kita. Pero wala akong pake kung di mo masusuklian ang pagmamahal mo saken. Basta ang alam ko mahal kita. Kahit na may iba ka pang mahal, ok lang saken. Basta hayaan mo lang ako magstay kasama ka. Sapat na saken yun. Kontento na ako dun. Kahit na masaktan pa ako ng ilang beses titiisin ko para sayo. Pag wala kang kadamay sa kung anong problema mo andito lang ako, tandaan mo yan. Maghihintay ako para sayo xyra at baka dumating ang araw na mahalin mo rin ako pabalik."
End of flashback
"Sabi ko sayo okay lang saken na masaktan ako basta ako ang nasa tabi mo sa mga problema mo diba? Ngayong umiiyak ka dahil sa kanya..diba ako ang nasa tabi mo? Sapat na saken yun." Sabi niya. "Kaya ngayon, ayusin mo yang mukha mo at bumaba ka na ng kotse. Matulog ka na. Gabi na." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Pagkababa ko ng kotse binaba nya yung bintana nung kotse at sumilip sya.
"Goodnight!" Sabi niya at kinindatan ako. Pagtapos nya gawin yun umalis na sya.
Alam ko nicko, nasasaktan ka na ng sobra dahil saken. Sorry..
.....
Maaga akong gumising.. Gagawa ako ng something para kay daniel. Hmmm..Naisip kong pumunta sa mall at baka may maganda akong makita dun na maibigay. Habang nasa mall ako nakita ko si daniel na may mga kaibigang kasama. Ito yung mga kasama nya sa table nung party. Ansaya saya nila. Kung iisipin ko ..dati ganyan sya kasaya pagka kasama namin sya ni nicko. Pero ngayon..iba na mga kasama nya. Lalong lalo na, di na AKO yung kasama nya...
.....
Andito ako ngayon sa lobby ng company nila daniel. Hihintayin ko makababa si daniel kasi malapit na rin sila magsiuwi. May dala akong cookies at cupcakes na ginawa ko. Plano kong ibigay toh sakanya. Sana tanggapin nya.Nang nakita kong bumaba na si daniel, nanlaki ang mata nya nung nakita nya ako. Tumayo naman ako agad at lumapit sakanya.
"What are you doing here?" Tanong nya
"Nagdala ako ng cookies at cupcakes para sayo. Gawa ko yan." Sabi ko nang nakangiti at inabot sakanya. Tumingin lang sya dun sa tupperware nung ginawa ko at tinabig yun..
"I don't like it. You know why? Kasi gawa mo. MO. And I don't want things or foods from YOU. Naintindihan mo ba yun?" Sabi nya saken. Ako naman yumuko lang at pinipilit na hwag tumulo ang mga luha ko.. Nilagpasan lang ako ni daniel..
"I will wait for you." Sabi ko. Humarap ako para makita sya. "I will do anything for you to come back to me." Sabi ko. Humarap naman sya saken..
"Then wait. Umasa ka lang ng umasa. Aasa ka lang sa wala." Sabi niya at tumalikod na. Tuluyan na sya umalis..
I know daniel. Behind those words there's still the old daniel, the daniel that I loved from the past.
----
(Stop the video kung nagpplay pa XD)Sophia's POV
Pagkauwi ko galing party andun paren si tatay. Magsstay na ba sya dito? Wait..pansin ko lang. Wala si nanay?
"Asan po si nanay?" Tanong ko
"Wala. Umalis sya sandali para makapagusap tayo ng maayos." Sabi niya. "Usap naman tayo nak."
Huminga ako ng malalim at pumayag naman sa request nya. Umupo ako sa tapat nya.
"Anak gusto ko lang makipag ayos sayo. Mapatawad mo sana ako sa mga kasalanan na nagawa ko sayo." Sabi niya pero di ko sya sinagot.
"Anak. Kung gusto ko babawi ako sayo ngayon. Lilipat tayo sa bahay ko tutal mag isa lang naman ako dun pwera sa mga katulong at tauhan ko dun. Dun na kayo titira tapos makakapagtrabaho ka sa company ko. Magiging maayos na ang buhay mo. Please anak." Sabi niya. Nang dahil sa sinabi niya napukaw ang atensyon ko..
Sabagay..kung di ako papayag.. Magiging ganto nalang kami habang buhay.
Tumingin ako sakanya..
"Sige po." Sabi ko. Tumayo naman si tatay at niyakap ako. Nung niyakap nya ako may parang kung ano akong naramdaman..ganto ba nararamdaman pagka nayayakap yung sarili nyong ama? Ang sarap sa pakiramdam
"Anak gagawin ko lahat makabawi lang sayo." Sabi niya..
Someone's POV
May laban na ako sayo. May laban na ako sayo para mapunta sya saken. Makikita mo..unti unti syang mapupunta saken..
-----
Team DaRa o team XyKo?
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Teen FictionUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...