A/N: nagupdate po ako kasi comeback po ngayon ng favorite k-group ko yung ASTRO!! Wooohhhh!!!! (11/10/16)
Nga po pala kung nabasa nyo na po agad yung chapter 20 may binago po ako dun pero onti lang. Maguguluhan kasi kayo dito sa isang part dito. Yun lang po. Thank you!
-------
Daniel's POV
Kanina ko pa nakikitang nasa labas si xyra. I'm just waiting for her na umalis. Hanggang sa umulan...
Gusto ko sanang lumabas para puntahan sya pero naaninag ko si Nicko na papalapit sakanya. Nagusap sila. Tapos maya maya lumuhod si nicko na ikinagulat ko.
Kung makikita mo sila..halatang umiiyak silang dalawa. Lumabas na ako ng bahay. Alam ko pinaguusapan nila. Pilit na umaasa si xyra habang si nicko naman pinagsasabihan sya. Ayoko nang makitang umiiyak si xyra kaya lumabas ako at sinabihan na rin sya..
"Daniel..." sabi niya nang makita ako. Awang awa ako sa mukha niya. Kahit na umuulan nakikita ko parin sa mata nya ang sakit na nararamdaman nya... I'm also hurting deep inside while looking at her like this..
"Xyra hindi mo ba maintindihan yung sinasabi ko sayong KALIMUTAN MO NA AKO?! Ano pa bang kailangan kong gawin para tumigil ka na?! HINDI NA KITA MAHAL XYRA!" Sigaw ko sakanya.
Pagkatapos ko sumigaw ay umalis sya. Tumakbo paalis.
Nilapitan ko si nicko.
"Nicko tumayo ka na dyan." Sabi ko sakanya. Imbis na tumayo sya ay itinaas nya ang mukha nya para makita nya ako..
"Antanga mo daniel." Sabi lang nya saken. Hindi nalang ako nagsalita. "Daniel hindi mo na ba talaga sya mahal?" Tanong nya saken.
"Hindi ba dapat maging masaya ka kasi tinataboy ko sya? Mahal mo sya diba? Edi pede na maging kayo." Sabi ko sakanya.
"Tarantado ka. Tingin mo ba ganun ganun na lang yun? Oo mahal ko sya! Mahal na mahal ko si xyra! Pero hindi nya ako magawang mahalin pabalik kasi mahal ka pa nya! Gustong gusto kitang sapakin ngayon dahil sinasaktan mo yung taong mahal ko! Pero anong magagawa ko? Hindi ko magawa! Naging kaibigan din kasi kita! Hindi ko kayang saktan ang naging kaibigan ko! At saka wala rin akong magagawa kasi wala akong karapatan! Mahal ka lang nya yun na yun. Daniel hindi mo ba alam ang ginawang sakripisyo ni Xyra? Could you please know first the f*ck*ng truth?!"
Nagulat ako sa sinabi nya. Truth?
"Huh? A-ano ibig m-mong s-sabihin?" Utal kong tanong.
"Hindi lang dahil sa gusto nya mag aral sa singapore ang dahilan ng pag alis nya! May iba pang dahilan!" Sigaw nya.
Nanginginig na ako sa kaba ngayon.
"A-ano yu-yun?"
"Its because of your parents! Hindi naman talaga kasi dapat tutuloy si Xyra sa Singapore! Pinilit lang sya ng magulang mo!"
"B-bakit?"
"Iaarrange marriage ka dapat! Walang magawa si Xyra kasi magulang mo yun! Umaayaw ang magulang ni Xyra sa gusto ng magulang mo pero wala silang magagawa! Binlock mail ng magulang mo ang pamilya ni Xyra! Babagsak yung pamilya ni Xyra kung hindi umalis si Xyra!"
Sa sinabi niya biglang lumabas sila mommy..
"Anak.."
"No." Sabi ko sakanila
"Anak let us explain. Please." -daddy
"Bakit hindi nyo tinuloy yung arrange marriage?" Tanong ko
"Kasi anak.. cinancel namin yun. Nakikita kasi namin na mahal na mahal mo si Xyra."
"Bakit hindi nyo saken sinabi nung una palang?"
"Anak.."
"Bakit?!!" Sigaw ko.
"Anak sorry." Sabi nila.
Anong magagawa ng sorry nila? Pwede naman nilang sabihin saken pero bakit hindi man lang nila nagawang sabihin?!
Umalis ako dun at hinanap si Xyra.
Malayo na yung narating ko.
Hanggang sa nakita ko na sya. Lalapitan ko sana si Xyra
Pero...
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Roman pour AdolescentsUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...