chapter 8: special place

186 8 1
                                    


"Oy sophia saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Paano ba naman kasi. Hinihila nalang ako basta basta. Paglabas ko kasi ng bahay para maglibot libot hinila ako.

"Basta." Sabi niya at hinila nalang ako..

Sumakay kami sa tricycle.

"Anubayan ang usok!" Totoo naman! Tapos ang init init pa!

"Tumahimik ka na nga lang dyan. Ang daldal mo na eh." Sabi nya. Oo nga. Napapansin ko ang daldal ko na this past few days. Di kaya bumabalik na ako sa dating ako?

Pagbaba namin ni sophia ng tricycle nagbayad sya. Nakarating kami sa mall. Hinila na naman nya ako papuntang quantum.

Naglaro laro sya. Habang ako nagiisip kung anong sumapi sa babaeng toh at bigla biglang manghihila eh maglalaro lang pala sa quantum. Di pa nya sinabi.

"Gutom ako." Sabi nya. Tinignan nya ako. "Tara. Kain tayo." Sabi niya. Akala ko hihilahin nya na naman ako pero hindi.

Kumain kami ng ice cream. Libre na naman nya. Kanina sa pamasahe ngayon ice cream.

Pagtapos namin kumain bumalik kami sa quantum kasi daw may tokens pa daw sya sayang daw.

...

Pagtapos nya maglaro. Niya lang. Di ako naglaro. Naweiweirduhan kasi ako sa mga galaw ni sophia ngayon. Hinila nya ako papunta sa isang restaurant dito sa mall. Umorder sya. Pagkaorder nya tinignan nya yung wallet nya.

"Wala na pala akong pera." Bulong nya na narinig ko naman.

"Ako na." Sabi ko. "Magkano po ba?" Tanong ko dun sa nag kacashier.

"1,154 php po." Sabi nya. Nagbayad ako. Tapos naghanap ng upuan. Ang pinili nyang upuan eh yung nasa second floor.
"Sorry. Ikaw pa nagbayad. Bakit kasi dito pa kita hinila." Sabi nya. Sosyal ang restaurant na toh kaya walang tao masyado. Kaya siguro mahal ang mga pagkain dito.

"Ok lang." Sabi ko.

Dumating na yung pagkain namin. Si sophia lumamon ng lumamon. Ako konti lang. Walang nagsasalita habang kumakain kami. Ang alam ko madaldal toh si sophia pero ngayon ang tahimik nya talaga.

Pagtapos nya kumain pumunta sya sa may part ng resaturant na toh yung makikita mo yung stars. Gabi na rin kasi. Sinundan ko sya.

"Andaming stars noh." Sabi nya.

"Oo nga." Sabi ko

"Sana kung gaano karami ang stars ganun din karami ang nagmamahal sakin. Sana kung gaano ka tahimik ang stars ganun din katahimik ang buhay ko." Sabi nya. Di nalang ako nagsalita kasi nga ang weird nya talaga ngayon. "Alam mo ba ito yung special place ko. Pagka may pinagdadaanan ako tuwing gabi pupunta ako dito. Bibili ng kung anong pinaka murang pagkain tapos tititigan ko yung stars. Kaso minsan naman walang stars." Sabi niya.

"Bakit ka pumunta ngayon dito? May pinagdadaanan ka ba ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Siguro ang akala ng ibang tao palangiti ako at walang pinoproblema." Sabi niya at sandaling tumigil. "Sa school lagi akong kinadidirian ng mga tao. Parang tae ang tingin nila saken. Na pag lumalapit sila saken akala mo may sakit akong nakakahawa. Nakapasok ako sa school na sosyal hindi dahil sa mayaman kami kundi dahil sa scholar lang ako dun. Minamaliit ako ng mga tao dun kasi nga daw scholar lang ako. Kung paanong ganun ang sitwasyon ko sa school, ganun din ako sa bahay. Only child lang ako ng parents ko. Pero iniwan kami ng tatay ko kasi hindi naman talaga nya gusto ang nanay ko. Na parang pinapalabas lang na hindi nila ako gusto kahit pa man nung pinanganak ako. Maski nanay ko hindi ako mahal.  Sa tuwing umuuwi ako galing school para lang akong invisible pag andun ako. Saka lang ako nag eexist sakanila pag may kailangan sila sakin. Katulad ngayon. Graduation ko kahapon. Pero walang guardian na sumama saken. Maski ngayon wala akong narinig na bati mula sakanila. Ang akala ko magiging ok na ako kasi di ko na makikita ang mga kaschool kong minamaliit ako lagi pero hindi pala. Kung paanong mahirap kami sa pera. Ganun din kami sa pagmamahal." Sabi niya at umiiyak na. "Hala sorry. Ang drama ko na pala." Sabi niya at pinunasan ang mga luha nya.

"Ok lang. Gusto man kita tulungan sa sitwasyon mo pero hindi ko alam kung anong magagawa ko para sayo. Sorry hindi ako aware na graduation mo pala kahapon." Sabi ko sakanya.

"Ok lang. Di ko rin naman sinabi sayo eh."

"Tara." Sabi ko at this time ako naman ang humila sakanya.

Hinila ko sya sa blue magic. Kinuha ko yung bear na hindi malaki hindi rin maliit at cute. Binili ko iyon. Nung pumunta kasi kami kasama sila sean dumaan kami dito at nagustuhan nya toh.

"O regalo ko sayo. Congratulations." Sabi ko sakanya habang inaabot yung binili ko.

"Thank you daniel." Sabi niya at niyakap ako.

Napagpasyahan na naming dalawa na umuwi. Tinawagan ko yung driver ko para di na kami mag commute.

Habang nasa kotse kami nakatulog si sophia. Kaya sinandal ko sya sa balikat ko.

Ganto na pala kagrabe ang pinagdadaanan ni sophia. Broken family sila. Tapos ganun pa sya sa school nila. Sa lahat ng oras na magkasama kami sa likod ng pagiging palangiti nya hindi ko maiisip na ganun ang pinagdadaanan nya.

I'm sorry sophia hindi manlang ako naging aware sa pinagdadaanan mo. Laging ikaw ang nagpapangiti saken.

Sana sa susunod ako naman ang makapag pangiti sayo na may gantong itsura o --> ^_^

Unexpected ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon