Chapter 16: right here for you

176 9 2
                                    

Nicko on the picture!

Daniel's POV

Nung iniwan ko si xyra pumasok ako sa kotse ko pero hindi muna ako umalis. Sisiguraduhin ko munang makakauwi ng maayos si xyra.

Nung umalis na si xyra akala ko magkokotse sya pero mali ako. Naglalakad sya. Sinundan ko sya ng dahan dahan para di nya mapansin.

Dumaan si xyra sa lugar kung saan maraming adik. Nilapitan sya ng mga basagulerong mga lalake at halatang may gustong gawing masama kay xyra. Gusto ko sana bumaba at hilahin si xyra paalis dun pero...naalala ko nga pala yung kung paano ko sya tatratuhin.

Nagisip ako ng pede kong gawin. Tinawagan ko nalang yung mga mokong kong kaibigan para sila na ang tumulong. Nang dumating na sila..

"Sige daniel. Kami na bahal dito." Sabi ni mateo. Tinanguan ko lang sila at nagpasalamat. Umalis na ako dun.

Sabi ko sakanila pagtapos nila sunduin si xyra mag meet kami sa bar nila mateo. Nung nakarating na sila...tinanong nila ako ng tinanong.

"Daniel si xyra ba yung pinaligtas mo samin? Yung ex mo?" Tanong ni hans

Imbis na sumagot ay kinuha ko ang baso na may alak at uminom.

"Oo sya nga.." Sabi ni sean. "Di sya makasagot eh." Dagdag pa nya

"Bakit mo sya pinaligtas samen? Sinundan mo ba sya?" Tnong ni mateo.

"Oo." Sabi ko

"Hanggang ngayon pala bro. May pake ka parin sakanya." Sabi ni sean.

.....

Nicko's POV

Nung sinundo ko si xyra dumiretso agad ako sa coffee shop. Umorder ako ng kape. Habang iniintay ko yung order ko nakatingin ako sa labas...

Tinitignan ko yung patak ng ulan. Umuulan kasi. Nag half smile ako nung may maalala ako.

Naaalala ko yung mga oras na nasa singapore kami ni xyra. Nung una mahirap. Kase di pa nya matanggap na iniwan nya si daniel. Oo, si xyra yung nahihirapan pero nahihirapan din ako. Matagal ko ng mahal si xyra. Pero di ko inamin sakanya dahil baka layuan nya ako at alam ko namang may gusto si daniel kay xyra. Ayokong masira ang friendship namin ni daniel dahil lang dun kaya habang magkaibigan kaming tatlo nagseselos ako pag ang sweet nila. Pero unti unting nagiging okay si Xyra habang dinadamayan ko sya. At nung oras na okay na sya ang saya na naming dalawa. Walang nasasaktan. Walang umiiyak. Walang nagtitiis. Inamin ko sakanya na mahal ko sya pero hindi ko siya pinipilit na mahalin ako pabalik. Gusto ko mahalin nya ako hindi dahil mahal ko sya. Mahalin nya ako dahil ako talaga yung mahal nya. Kontento na ako na magkasama kaming dalawa. Pero tumigil ang kasiyahan naming dalawa nang umuwi kami dito sa pilipinas.

Matagal na kaming umuwi dito. Habang nandito kami, pilit na hinahanap hanap ni xyra si daniel. Sinusundan pa nga nya kung gusto nya. At ako naman toh si tanga. Sunod ng sunod lang rin sakanya. Kung sya si daniel ang sinusundan, ako siya naman ang sinusundan ko. Nakikita ko sa mga mata nya pag nakikita nya si daniel na mahal pa nga niya si daniel. At nang dahil dun, ang sakit sakit. Gusto ko ng kalimutan si xyra kaso di ko magawa. Asa ako ng asa na mamahalin din nya ako pabalik kahit napaka imposibleng mangyari yun kasi kaibigan lang ako para sakanya.

.....

Nandito ako sa tapat ng bahay nila xyra. Bababa sana ako ng kotse nang makita ko si xyra na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse nila. Sinundan ko nalang si xyra. At napadpad ako sa office na pinagtatrabuhan ni daniel. Huminga ako ng malalim.

Hinintay ko kung anong gagawin ni xyra. At ang nakita ko, tinabig ni daniel yung dalang pagkain ni xyra. Si xyra naman pinipilit na tinatago ang mga luha nya kahit na masakit na para sakanya.

Xyra? Hanggang kelan? Hanggang kelan mo ba hahayaang masaktan ka? Itigil mo na toh. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Please.

Gusto kong bumaba ng kotse para puntahan sya. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Umalis nalang ako dun.

Pumunta ako sa bahay nila xyra. Kumatok ako at nagpanggap na di ko alam kung asan si xyra..

"O nicko. Bakit?" Bungad saken ni kuya hayver

" si xyra po?" Tanong ko

"Ah umalis eh. Yung kapatid ko ngang yun hindi nagpapaalam. Di ko tuloy alam kung san nagpunta." Sabi ni kuya hayver

"Ganun po ba. Pede po bang hintayin ko nalang sya?" Sabi ko

"Sige sige. Pasok ka." Sabi ni kuya hayver at pinapasok ako.

Umupo ako sa sofa nila. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay nila. Tumayo ako para tignan yung picture frames. Napangit nalang ako ng may nakita akong picture namin ni daniel nung magkakaibigan pa kami

 Napangit nalang ako ng may nakita akong picture namin ni daniel nung magkakaibigan pa kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit talaga wala si xyra sa picture pinahalagahan nya toh. May para akong nakita na picture sa likod nun..tinignan ko yung picture sa likod nun at nakita ko yung picture ni xyra at daniel..

Napatingin nalang ako sa lapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin nalang ako sa lapag.. Sana di ko nalang tinignan..

Unexpected ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon