chapter 9: excuse me

180 8 0
                                    

Sophia's POV

Pag gising ko naghilamos na muna ako. Hayss.. anong nangyare saken? Anong nangyare kagabi? Nakatulog na ata ako nung pauwi kami ni daniel.

Dumiretso ako ng kusina para magluto ng agahan namin ni nanay. Finried rice ko yung tirang kanin kagabi at nagluto ng hotdog at itlog.

Nang tapos ko na ang mga niluto ko hinanda ko na yun sa lamesa naming sobrang liit. Tapos biglang lumabas si nanay.

"Magandang umaga po." Bati ko.

"Walang maganda sa umaga. Lalo na't ikaw ang laging bumubungad saken." Sabi ni nanay. Nalungkot nalang ako sa sinabi nya. Masakit din yun ha. Halos araw araw naman nya pinapamukha sakeng ayaw nya saken pero bakit di na ako nasanay?

"Kain na po kayo." Sabi ko at umupo na. Umupo rin naman si nanay.

Habang kumakain kami tahimik kami, lagi naman. Pero binasag ni nanay ang katahimikan.

"Sino yung lalakeng nag hatid sayo pauwi dito kagabi?"

"Kaibigan ko po." Sabi ko

"Psh. Kaibigan kaibigan. Ikaw babae ka ha! Wag kang lalandi landi dyan ha! Ayusin mo pag aaral mo."

"Graduated na po ako." Sabi ko. "Tapos na po akong kumain." Sabi ko at tumayo na.

Naligo ako at nagbihis na. Hinugasan ko yung pinagkainan namin at saka na lumabas.

Hmmm..buti pa hangin ng umaga ang sarap sa pakiramdam. Yung hangin sa loob medyo hindi. Ay hahahahaha.

"Anak?"

"Tae!" Sabi ko dahil nga sa gulat ko. Tinignan ko yung nagsalita. Anubayan. Maiiba na naman mood ko ng dahil sa kanya. Ano bang kailangan nito dito?

"Bakit po kayo andito?" Sabi ko

"Anak gusto lang kita kamustahin. Graduated ka na daw ah." Sabi ng magaling kong tatay.

"Huh? Ano pong sabi nyo? Kakamustahin? Sino? Ako? Kakamustahin nyo ako pagtapos ng ginawa mo samin ni nanay? Dapat bang magtatatalon ako sa tuwa dahil dyan? Sandali naman. Di naman ako oriented na pupuntahan mo kami dito. Dapat naghanda pa ako. Hayst." Sarcastic kong sabi.

"Anak naman."

"Wait what? Anak? Anak pala tingin mo saken."

"Sophia mag usap naman tayo."

"Wala po tayong dapat pagusapan." Sabi ko at winalk outan sya. Psh.

Habang naglalakad ako para akong baliw kakaiyak dito. Pinagsisisipa ko yung batong nasa tapat ko. Naaalala ko yung mga oras na pinagtabuyan kami ng tatay ko. Na kahit konting pera lang pampagamot ng nanay ko pag naoospital sya hindi nya kami mabigyan. Yung mga oras na sobrang sakit ng mga nararanasan ko ng dahil sa sarili kong magulang.

Umupo ako sa isang tabi at dun umiyak ng umiyak. Hanggang sa may tumabi saken.

Daniel's POV

Habang naglalakad ako nakita ko si sophia na umiiyak sa tabi. Anong nangyare dito sa babaeng toh?

"Sophia." Sabi ko at tinabihan sya. Hindi nya ako sinasagot. Umiiyak lang sya. "Sige umiyak ka lang. Magsalita ka na pag tapos ka na dyan." Sabi ko. Tinatapik ko yung likod nya para madamayan sya tapos niyakap nya ako. Buti nalang walang masyadong tao dito.

"Daniel hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Sabi nya habang umiiyak

"Ano bang nangyare? May nangyare bang masama?" Tanong ko

"Nagpakita yung tatay ko. Tatay kong ilang taon kaming iniwan." Nung sinabi nya yun naalala ko yung kinwento nya saken kagabi. "Sabi nya gusto daw nya akong kausapin. Pero winalk outan ko sya. Hindi ko sya kayang kausapin pagkatapos ng ginawa nya samen. Hindi ko rin alam kung dapat bang binigyan ko sya ng pagkakataong kausapin ako."

"Sophia...nasa sayo yang desisyon kung anong gagawen mo. Kasi ikaw naman ang nakaranas mismo ng ginawa sayo ng tatay mo. Pag isipan mong mabuti yan. Pero tandaan mo..kahit na anong mangyare tatay mo sya sophia."

Dinamayan ko sya nung oras na yun. Hanggang sa tumahan na sya. Pumunta kami sa tahimik na lugar para maging maayos naman ang pakiramdam nya. Kesa naman sa polluted na lugar noh? Hahahaha dejoke.

"Hmmm..ang sarap naman sa pakiramdam! Paano mo nalaman ang lugar na toh daniel?" Tanong nya saken.

"Nadiscover ko lang toh habang naglalakad ako kanina." Sabi ko.

Itong lugar na toh damuhan. Makikita mo yung view. Medyo kataasan tong lugar na toh kaya mahangin.

"Naisip ko rin daniel..wala ka bang plano magkaron ng gf?" Yung totoo? Pumunta kami dito para gumaan pakiramdam nya hindi para pag usapan yan noh.

"Hindi ko alam." Sabi ko nalang

"Sana ako nalang." Sabi nya. Anong pinagsasasabe nito?

"Ha?"

"Ha? Sana ano..sana..sana ako nalang yung butterfly. Tignan mo yun o! Ang ganda nung butterfly." Sabi nya.

"Maganda ka na." Sabi ko. Kung di ako nagkakamali nagblush sya.

Pumunta kaming mall para kumain na ng lunch.

"Ah ano daniel..naiihi ako. Mag ccr muna ako. Kita nalang tayo sa tapat ng jollibee." Sabi nya at dali daling pumunta ng cr.

Habang papunta ako sa jollibee medyo siksikan ang dinadaanan ko. Weekend din kasi ngayon kaya maraming tao.

"Excuse me."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Napatigil ako ng dahil sa boses na narinig ko. Boses na matagal ko ng hindi narinig. Posible bang sya yun? Is it her?

Unexpected ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon