Someone's POV
Nakikita ko sa mga mata nya..malapit ka ng maging akin. Mamahalin mo na ako..malapit na..
-----
Daniel's POV
Tinayo ko na si sophia at umiwas ng tingin. Ano ba tong ginagawa ko? Nahihiya ba ako? Argh..ano bang nangyayare saken?
"Uhmmm.." -sophia
"Sige mga guys tara meryenda tayo. Libre daw ni mateo." Sira ni sean sa awkwardness
"Anong ako? Mukha mo.." Sagot naman ni mateo
"Napaka kuripot mo talaga. Pero pagdating sa mga babae mo kung makagastos parang walang bukas." Itong dalawang toh nagsisimula na naman -_-
"Ako na manlilibre. Mag aaway pa kayo. Nakakasawa na mga boses nyo." Awat naman ni hans sakanila. Sya talaga yung matino
Habang naglalakad kami ang tahimik. Ang awkward..
Pero habang may awkwardness may nakita akong nakakuha ng atensyon ko..
"Si nicko ba yun?"
"Bro sino si nicko?" Tanong ni hans. Narinig nya siguro ako..
"Ha? Ah wala." Sabi ko nalang sakanya. Pagtingin ko sa place kung saan nakita ko si nicko..wala na sya. Nawala bigla?
Habang nagmemeryenda kami..
"Daniel saan ka magtatrabaho? Ako kasi sa company nila daddy." Sabi ni sean
"Di nya tinatanong kung saan ka magtatrabaho. At saka anong gagawin mo dun? Uupo?"Inis naman ni mateo kay sean. Tumawa naman sila sophia
"Di kita kinakausap." Sabi naman ni sean.
"Sa company din ng family namin malamang." Sabi ko. Nagkuwentuhan lang kami ng nag kuwentuhan. Yung ibang topic namin barahan nila sean at mateo. Nako. Nakakarindi boses nila eh. Nung narindi na ng sobra si hans tumayo na sya at nag walk out. Sinundan naman namin sympre sumunod din yung nagbabarahan..
....
Sophia's POV
pag uwi ko sa bahay naabutan ko parin ang tatay ko. Kausap nya si nanay.
"Nak." Sabi ni tatay
"Pasok na po ako sa kwarto ko." Sabi ko. Nang biglang hinawakan ni nanay yung braso ko
"Wag kang bastos ha!" Sigaw nya saken
"Po? Ako po bastos? Talaga po? Bago nyo nga po muna sabihin saken yan, isipin nyo po muna kung bakit ako ganto. Hindi po ba dahil sa kagagawan nyo rin toh? Kung pinalaki nyo ako ng maayos at may pagmamahal hindi ako magkakaganto diba? Pero ano? Paano nyo ba ako pinalaki? Pinabayaan nyo ako! Hinayaan nyo akong mabuhay na hindi kumukuha ng tulong galing sainyo! Lumalapit lang kayo saken pag may kelangan kayo! Isali ko pang halos araw araw pinapamukha nyo sakeng sana di na ako nabuhay! Tapos sasabihan nyo ako ng bastos?" Sabi ko.
"Anak.."
"Wag nyo kong hawakan.." Sabi ko at lumayo. Pumasok ako sa kuwarto ko at nilock yun. Nilabas ko lahat ng luha na kanina ko pa tinatago.
"Anak buksan mo toh." Rinig kong sabi ni tatay
"Isa sophia! Buksan mo yung pinto!" Sigaw ni nanay
Humiga ako sa kama ko at tinakipan ng unan yung tenga ko. Ayoko marinig mga boses nila.. Ayoko..
....
Author's Note: chareng! Short update po ulit! Sorreh..mahaba haba naman ang next chapter
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Novela JuvenilUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...