Daniel's POV
Weekend ngayon. Nagkulong lang ako sa kuwarto. Naglalaro ng video games. Kumakain. Nanunuod. At kung sisipagin, nag aaral ako.
Habang gumagawa ako ng kung ano ano, napatawag yung mga mokong.
"Bakit?" Sabi ko nung sinagot ko yung tawag
"Bro punta ka dito. Nakila sean kami." Rinig kong sabi ni mateo
"Anong gagawin natin dyan?" Tanong ko
"Tatambay?" Sagot nya
"Ayoko. Tinatamad ako. Kayo nalang." Sabi ko at binaba yung tawag.
Lumabas muna ako sandali ng kuwarto. Dumiretso sa dining room. Naubos ang kinakain ko sa kwarto eh.
"Ay sir daniel ano pong hanap nyo?" Tanong nung katulong namin
"Pagkain." Sabi ko
"Sir may ginawa pong cookies at cupcakes dyan ang mommy mo." Sabi nya. Mommy ko kasi kahit na busy sa trabaho,nagbabake yun.
"Ay wag nalang po. Busog na ako." Sabi ko. Di naman sa ayaw ko nung gawa ni mommy. Bigla nalang ako nabusog.
Naisip kong pumunta sa terrace. Nakita ko dun si fluffy. Aso ko. Maliit pa rin sya. Aso kasi yan na hindi lumalaki. Dati kasi mahilig ako sa puppy. Nasa kuwarto ko pa nga natutulog si fluffy eh. Pero nung nagbago ako. Ewan ko sa sarili ko at nilabas ko si fluffy. Naalala ko pa nga eh. Nung nilabas ko sya sa kwarto ko, nag iingay si fluffy tapos kinuha ata ni mommy.
Ipapasyal ko nalang si fluffy. Umupo ako para matapat kay fluffy.
"How are you fluffy?" Kausap ko sakanya. Nakatingin lang sya sa akin at tinatahulan ako na para bang sumasagot sa akin. Nung marealize kong mukha na akong baliw tumayo na ako at kinuha yung tali ni fluffy at nagsimula ng maglakad lakad sa labas.
Habang naglalakad ako napapansin kong may sumusunod sakin. Tumingin ako sa likod ko pero wala. Hindi masyadong marami ang tao dito. Pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sakin. Naglakad nalang ulit ako pero may sumusunod talaga sa akin. Tumingin ako pero wala. Naglakad ako at tumingin sa likod ko, may nakita akong parang buhok ng babae sa may puno na nagtatago. Sino yun?
Naglakad ako papunta sa punong yun pero biglang nawala yung buhok kaya kutob ko nakatakbo na yung babaeng yun. Dahil nga sa tumakbo na sya, naglakad nalang ulit ako kasama si fluffy.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang mga mokong.
"Bro!" Sigaw ni hans at lumapit sila sakin
"Tinamad kang pumunta samin pero naglalakad ka kasama ang asong yan?" Sabi ni sean
"Aww. Bro may gantong side ka pala. Hahahahaha." Sabi ni mateo at tinawanan ako na hindi ko pinansin at naglakad nalang.
"Ay ganun? Hangin lang ba kami dito?" Sabi ni sean habang sinusundan ako
"Bakit pala kayo andito?" Tanong ko
"Wala lang. Ayaw mo makitambay saamin kaya ikaw nalang pinuntahan namin." Sabi ni hans.
"Oo nga. Loko rin tong si mateo eh! Malapit lang daw bahay nyo sa amin eh ang tagal nga naming nilakad mula bahay namin hanggang dito. Sana nag kotse nalang." Inis na sabi ni sean
"Mas masaya kasi pag nilalakad." Sabi ni mateo
"Masaya ka dyan. Palibhasa andami nating nadadaanan na babae eh." Sabi ni sean
"Oo nga daniel. Andaming mga magagandang babae dito sainyo." Sabi ni mateo sa akin
"Bawal ba panget sa village nyo daniel at puro magaganda at pogi ang nakikita namin dito?" Tanong ni sean sakin
"Baliw. Sa tingin nyo may ganung village? Di papayagan ang panget na tumira?" Sabi ni hans
Di nakasagot si sean. Sa halip, nagisip isip muna siya at tumango tango na para bang nagets nya. Baliw talaga
"Ano pangalan ng aso mo daniel?" Tanong ni hans
"Fluffy." Tipid na sagot ko
"Fluffy? Talaga bro? Fluffy? Corny bro! Corny!" Sabi ni mateo. Di ko sila pinansin at inasar asar lang nila ako. Hanggang sa biglang nakawala si fluffy sa tali at tumakbo. Tae. Napakabilis pa naman tumakbo nun. Tumakbo ako at hinabol si fluffy. Sinundan lang ako ng mga mokong.
Nakita ko rin sa wakas si fluffy. May babaeng nakaupo at katapat ni fluffy. Mukhang gustong gusto ni fluffy yung babae. Yun lang di ko makita kung sino yung babae kasi nakatalikod siya at natatakpan ng buhok nya ang mukha niya.
Napansin ako ni fluffy kaya tumahol siya sa akin at tumakbo papunta sa akin. Umupo ako at tinignan tignan si fluffy kung ok lang sya at buti ok nga lang siya. Tinignan ko yung puwesto ng babae kanina at papasalamatan ko sana kaso wala na siya dun sa puwesto nya kanina. Naka alis na ata.
"Bro pinagod mo naman kami kakatakbo mo." Sabi ni mateo na halatang kakadating lang nila. Nauna kasi ako sakanila. Ambabagal kasi tumakbo
"Ang bilis mo pala tumakbo daniel." Sabi sakin ni hans habang humihingal
"Buti nakita mo na aso mo. Tara sa bahay nyo. Tambay muna kami sainyo." Sabi ni sean. Dumiretso kami sa bahay namin at yun nga tumambay sila.
Sino yung sumusunod sakin kanina? Pati sino yung babae na pinuntahan ni fluffy?
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Teen FictionUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...