A/N: sophia on the picture
Pagbangon ko sa kama ko tinignan ko agad ang cellphone ko. 3:01 pm na.
Tumayo na ako sa kama ko kasi magkikita raw kami ni sophia ng 4 pm sa park. Di ko alam kung bakit. Sabi lang nya magkita daw kami.
Nagbihis na ako. Nagpantalon ako at nag t shirt lang. Kinapa ko yung bulsa ng pantalon ko kasi parang may laman. May nakuha akong keychain na kalahati ng heart. Tagal na nito dito ah
Flashback
Nakadating kami sa park. At kung ano ano pa ginawa namin dito. May lumapit pang mga bata samin eh. Ang cute pa nga nila
"Kuya ang gwapo gwapo mo po." Sabi nung batang babae
"Thank you. Ikaw naman ang cute cute mo." Sabi ko at pinisil yung pisngi niya. Ang chubby kasi ng pisngi niya
"Mas gwapo pa ako dyan eh." Bulong ng lalaki. Ay selos yung kasama nya? Hahahahaga
"Ah talaga?" Sabi nung babae na parang di naniniwala
"Tsk." Sagot lang ng lalaki
"Ah ate pede po kayong makilala?" Sabi nung batang babae kay xyra
"Ako si ate xyra at sya si kuya daniel." Sabi nya habang nangiti sa mga bata
"Ah ang cute naman po ng name nyo. Bagay po kayo." Sabi nung babae. Grabeh ha. Yung name lang daw ang cute. Hahahahaha dejoke
"Ako naman po si rave at sya po si janella." Sabi nung lakaki
"Ang cute nyo naman. Kayong dalawa lang?" Tanong ni xyra.
"Ah magkalaro lang po kami. Dito po kasi kaming nagtatambay na magkaibigan." Sabi ni rave
"Janella!" "Rave!" Rinig naming sigaw na parang yaya ata ng dalawang batang toh
"Ah sige ate kuya tawag na kami. Bye po!" Paalam ni janella. Si rave di man lang nagpaalam. Hahahaha. Pero bago pa sila umalis may binigay silang keychain samin. Tig kalahating heart kami ni xyra.
End of flashback
Binato ko nalang sa kung saan yung keychain. Wala ng kwenta yun. Di na mabubuo yung heart na yun.
Pumunta na ako sa park. Hinanap ko si sophia pero wala pa ata sya. Nakarating ako sa basketball court.
Flashback
Pumunta kami sa basketball court ng park. Humiram ako ng bola. Naglalaro ako habang si xyra nanunuod saken
"Xyra tara bili lapit ka." Sabi ko
Lumapit naman siya. Binigay ko sakanya yung bola.
"Try mong magshoot ng bola." Sabi ko sakanya. Shinoot nya yung bola pero di pumasok sa ring
"Di ko kaya." Sabi nya na may papout pa. Awww.. ang cute
"Kaya mo yan. Bili hawakan mo uli yung bola." Ginawa nya yun. Nung tinaas nya yung bola hinawakan ko yung kamay nya na nakahawak sa bola. "Ganto kasi yan kelangan mag focus ka kung saan mo ishoshoot para mashoot mo. Kung kaya mo sa volleyball kaya mo rin sa basketball." Sabi ko. Nung shinoot nya pumasok pero parang wala syang kamalay malay na nashoot nya. Hahahahaha. Ang cute talaga nito
"O kita mo nashoot." Sabi ko at niyakap sya
"Xyra alam kong matagal mo pa akong sasagutin pero sana wag na wag kang aalis sa tabi ko ha." Sabi ko sakanya. Pero di sya sunasagot. Parang umiiyak ata.
"Huy sagot ka naman." Sabi ko pero tumango lang sya "Promise?" Sabi ko at nagsign yung kamay ko ng pafist bomb tas nakifist bomb lang sya tas nag apir kami tas nag pinky swear. Yun yung sign ng promise naming dalawa.
"Promise." Sabi nya at humarap sakin tapos niyakap ako.
End of flashback
Hanggang ngayon di ko alam kung anong dahilan ng pag iyak ni xyra nun
"Huy!"
Napatingin ako sa nagsabi nun. Si sophia
"Para kang nag de-day dreaming dyan. Anong problema mo?" Tanong nya saken
"Wala." Tipid kong sabi.
Naglakad na kami paalis ng park.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa special place ko." Sabi niya
Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang mga mokong
"Daniel?" Sabi ni mateo
Di ako sumagot
"Bro sino yung kasama mo?" Tanong ni hans
"Girlfriend mo ba yan?" Tanong ni sean na gulat pa nga
"Kaibigan ko." Tipid kong sabi.
"Ahh. Hi! Ako si sean! For more informations add me on facebook, follow me on instagram ang twitter." Baliw talaga. Adik din kasi yang si sean sa social media
"Hi I'm hans." Simpleng pakilala ni hans.
"Hello. I'm mateo. Your so beautiful. Can I have your number?" Sabi ni mateo kasama ang look nyang ginagamit sa mga babae nya. Minsan talaga pag nakakahanap toh ng chicks napapa english.
Tumingin sakin si sophia bago sya sumagot.
"Ako naman si sophia. At saka I dont give my number sa mga taong di ko kaclose. Sorry." Sabi niya habang kasama ang friendly smile nya
Si mateo parang sumimangot lang.
....
Di kami natuloy sa special place ni sophia kasi niyaya kami ng mga mokong sa mall.
Mukhang magkakasundo ang mga toh. Nasabay kasi si sophia sa trip ng mga toh. O baka naman sadyang friendly sya
BINABASA MO ANG
Unexpected Comeback
Teen FictionUnexpectedly inlove sequel: I loved you so much but why did you did this to me? Siya si Carl Daniel Avega. Iniwan siya ng taong mahal niya. Sobra siyang nasaktan. He doesn't know if he can move on or he will open his heart for somebody else. But w...