chapter 7: graduation

182 8 0
                                    

Daniel's POV

"Awww..daniel. Ang gwapo gwapo mo." Sabi ni yaya cory

Ngumiti lang ako kay yaya. Di rin naman ako ganun kasaya. Tsk. Pakeelam ko sa graduation na toh kung wala naman magulang ko diba. Di ko nga alam kung sino aattend na guardian ko eh.

Lumabas na ako sa bahay namin. Himala. Wala si sophia. Araw araw kayang umaabang sakin sa tapat ng bahay namin sa umaga. Tapos nagsasabay na kami pumuntang school pero di kami magkaparehas ng school. Magkaparehas lang ng daan.

"Congrats sir. Gagraduate ka na." Sabi ni manong ben. As usual. Ngiti lang ang sagot ko.

Nakarating na ako sa school at syempre nakita ko ang mga kaibigan ko.

"Congrats! Gagraduate ka na daniel!" Bati sakin ni hans. Ngumiti lang ako sakanya.

"Congrats bro. Painom ka ha." Sabi ni mateo

"Ako di nyo ba ako babatiin?" Sabi ni sean na may panguso nguso pang nalalaman. Di naman bagay. Kasabay ko kasing gagraduate si sean. Si hans at mateo mga months o 1 year pa. Ewan wala akong pake.

"Congrats sean." Sabi ni hans. Si sean ngingiti ngiti na para bang may naachieve sya.

"Salamat bro. Ikaw mateo? Di mo ba ako babatiin?" Sabi naman ni sean na para bang nagyayabang na gagraduate na sya.

"Congrats sean. Makakagraduate ka na sa wakas." Pang iinis ni mateo. Natawa ako sa sinabi nya. Hahahaha. Dapat graduate na yang si sean. Eh ayun..Bagsak lagi. Nag aaral naman si sean. Di ko alam kung bakit bagsak. Yan tuloy naabutan ko pa makagraduate. 5 years kasi ako. Si sean dapat 4 years lang. Sila hans 6 years pa.

"Ah ganun. eh ikaw mateo? Gagraduate ka pa ba? By the way bro. Salamat." Sagot ni sean. Yang si mateo rin eh. 5 years din sana. Kaso napa 6 years. Nagcucutting yan kakababae. Ngayon minsan na lang mag cutting kasi natauhan na. Si hans lang ang matino sa mga kaibigan ko.

"Psh." Sabi nya at nilapitan nya ang isang babae dun.

Pumasok na kami sa loob.

.....

Aakyat na ako sa stage. Nung nasa stage na ako cinongratulate ako ng tito ko na may ari ng school. Tinignan ko yung upuan na dapat uupuan ng mga kasama ko. Nakita ko dun ang magulang ko na ikinagulat ko. Andun pa nga si sophia.

...

Pagkababa ko ng stage nilapitan ako nila mama at niyakap. "Congrats anak!" Sabi ni mama. Si papa kinamayan ako. "Congratulations anak. Proud kami sayo." Sabi ni papa.

Niyakap ko sila. "Salamat mama, papa. Akala ko di kayo dadating." Sabi ko sakanila.

"Aba anak. Humahaba na ang sentence mo ngayon ha. Dati one sentence lang. Ngayon dalawa na." Loko sakin ni papa.

"Kaya nga bro." Sabi ni mateo na may babaeng kasama. Ito yung nilapitan nya kanina. Kahit kailan talaga toh si mateo eh.

"Sige bro puntahan namin si sean." Sabi ni hans at tinanguan ko lang. Tapos may biglang humila sakin.

"Congrats!!" Sigaw ni sophia at may box na inaabot

"Sa lahat ng bumati sakin, ikaw ang pinakamalakas." Sabi ko at kinuha yung inabot nya. "Ano toh?" Tanong ko

"Gift ko para sayo. Buksan mo." Sabi nya kaya ginawa ko naman ang sinabi nya.

Pagbukas ko bracelet na pang lalaki talaga.

"Ayaw mo ba?" Sabi ni sophia.

"Gusto ko." Sabi ko at sinuot. Tapos parang nag blush sya.

Lumapit samin yung driver ko. "Sir may nagpapabigay daw po." Sabi nya at may inabot na supot

"Sino daw po?" Tanong ko

"Hindi po pinasabi."

"Ah okay. Sige salamat." Sabi ko. Binuksan ko yun. May printed na papel.

Congratulations daniel!

Yun ang nakalagay. Nung binuksan ko kinuha ko yung nakalagay. T shirt. Simple lang yung t shirt pero halata mo sa t shirt na parang galing pa sa malayong lugar o ibang bansa pa binili.

Sino naman magbibigay sakin nito?

Unexpected ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon