Chapter 5: friend

221 7 0
                                    

Daniel's POV

Pagtapos ko maalala yung mga alaala na di ko gusto, bumalik ako sa realidad. May sumemplang kasi na babaeng nakabike sa harap ko. Kaya syempre nilapitan ko

"Miss ok ka lang?" Tanong ko at tinulungan siya tumayo

"Uhh.." Sabi niya. Parang di siya makapag salita nang makita niya ako. Nakatulala siya ngayon. Nakatingin sakin. Kaya ginalaw ko yung kamay ko sa harap niya. Kaya natauhan siya. "Uhh. Sorry. Opo. Ok lang po ako." Sabi nya at lumayo sakin ng konti. Kukunin niya sana yung bike niya kaso bigla siyang napaupo pero sinalo ko.

"Di ka pa ok." Sabi ko. Binuhat ko siya at inupo ko sa isa sa mga bench na malapit. Nung inupo ko siya, kinuha ko yung bike niya at tinabi.

"Salamat." Sabi niya na nahihiya pa.

Dapat nga sakanya pa ako magpasalamat. Ng dahil sakanya, nakabalik ako sa realidad kanina.

"Wala yun." Sabi ko. Tinignan ko yung phone ko. Biglang tumunog.

From: hans

Bro,asan ka na? Hinihintay ka nmin sa harap ng gate ng school. Malalate tyo sa first class.

Mukhang malalate na nga ako. Di nalang ako aattend sa first class namin.

To: hans

Hans, di muna ako papasok sa unang klase.

Pagtapos ko itext si hans tinignan ko yung babae. Nakita ko yung sugat niya sa tuhod.

"Bakit ka kasi sumemplang?" Tanong ko sakanya

"Uhh..di ko alam eh. Bigla nalang akong natumba." Sgot niya.

Umupo ako sa may tapat ng tuhod niya. Kinuha ko yung wallet ko sa pocket at kinuha ang band aid. Nilagay ko yung band aid sa sugat niya.

"Thank you. I'm Sophia." Sabi niya at nilahad ang kamay niya. Ang ganda pala niya. Kanina kasi di ko naman tinitignan yung mukha niya. Pero ng makita ko...ang ganda nya. Mukha pa siyang mabait.

"Daniel." Sabi ko pero at inabot yung kamay niya. Pero tinanggal ko agad yung kamay ko. "Kaya mo na ba maglakad? Mukhang may pasok ka pa ata." Sabi ko

"Medyo masakit pa. Di nalang ako papasok. Mamaya nalang. Late na rin ako eh." Sabi niya.

"Ah sige. Alis na ako ha."

"Sige. Salamat!" Sabi niya.

Mukhang di naman malandi o maarte si sophia. Di rin siya nakakainis.

Pagbalik ko sa bahay nag ready na ako para makapasok na ako sa second class.

.....

"Bro bakit di ka umattend ng unang klase?" Tanong sakin ni hans.

"Wala." Sabi ko

"Wuushuu." Sabi ni sean.

"Bro baka may di kami alam sayo ha." Sabi naman ni mateo

"Wala lang yun." Sabi ko

Pumunta na kami sa kanya kanyang klase.

"Goodmorning class. May quiz tayo ngayon." Sabi ng professor namin.

"Uhhhh...." sabi ng mga kaklase ko..

.....

Ng mapunta sakin yung papel ko. Nagulat ako, 1 mistake lang ako.

"Woah." Sabi ng katabi ko.

"Galing ni daniel! One mistake!" Sigaw ng supervisor kong kaklase. Alam mo yung mga ganung klaseng kaklase? Yung nag gagala pag ka may activity or may quiz lalo na pag exams? Minsan di nga nag gagala pero yung mata kung saan saan na napunta.

Nang magbreak time na, nag kita kita na kaming apat sa canteen.

"Bro sabi ni hans naka one mistake ka daw sa surprise quiz nyo ah." Sabi ni mateo

"Daniel, manlibre ka naman dyan." Sabi ni sean na alam ko naman na sasabihin niya yun. Mayaman naman kasi yang lalakeng yan. Kuripot nga lang. Sila mateo naman nadadamay lang. Siyempre pag libre ang isa, libre na lahat.

Nilibre ko nga sila kasi alam ko namang di tatahimik si sean.

....

Pag uwi ko nakita ko si sophia sa may harap ng bahay namin. Pero di ko nalang siya pinansin. Baka napatigil lang

"Daniel?" Sabi nya. Ngumiti lang ako sakanya

"Hello!" -sophia

"Hi. Bakit andito ka?" Tanong ko

"Ay ano ano. Uhm ano. May nakita kasi akong tuta sa may gate nyo. Nacutan ako. Eh di ko naman alam na dito pala bahay nyo." Sabi niya

"Ahh si fluffy." Sabi ko

"Fluffy? Ang cute naman ng name." Sabi niya. Lumapit siya sa gate namin kung saan andun si fluffy. "Hi fluffy!" Sabi niya pero tinahulan lang siya ng tinahulan ni fluffy. Ayaw sakanya

Tumayo nalang si sophia.

"Uhm. Daniel may gagawin ka ba?" Tanong nya sakin

"Ah wala naman. Bakit?"

"Samahan mo ko."

"Saan?"

"Basta."

"Sige magpapalit lang ako. Pasok ka." Sabi ko

"Di na. Dito nalang ako sa labas." Sabi niya

Pumasok na ako sa loob. Nagpalit ako at nilapag yung gamit ko. Ang dinala ko lang ay wallet at cellphone.

"Tara?" Sabi ni sophia ng makalabas ako.

Tumango lang ako. Sinundan ko lang siya. Nakarating kami sa park.

Andaming nagbago sa park na toh. Tagal na rin kasing di ako nakakarating dito simula nung iniwan nya ako.

"Libre kita gusto mo?" Sabi niya sakin

"Di na."

"Sige na please." Sabi niya na parang nagpapuppy eyes.

"Ikaw bahala." Sabi ko..

Nilibre nya ako ng kung ano ano. Mabait sya. Masayang kasama.

......

Magkaibigan na kami ngayon ni sophia. Madalas kami magsama. Pero di pa sya kilala nila mateo. Malapit lang bahay nila sophia samin. Mga tatlong bahay lang ang pagitan ng bahay namin.

Di ko nga alam kung paano ako natitiis ni sophia eh ang lamya lamya ko kaya kasama. Tipid sumagot. Minsan lang ngumiti. Sya parang lagi ngumingiti.

Unexpected ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon