Chapter I

303 8 0
                                    


Alexander's POV

"Maghiwa-hiwalay tayo. Kailangan nating mahanap ang halimaw na 'yon." Rinig kong sabi ng isang tumutugis sa akin. Kanina pa ako pinaghahabol ng mga ito. May nakita kasi silang patay na babae sa may ilog at ako ang sinisisi kahit wala naman akong ginagawa.

Nasanay na 'ko sa ganitong mga eksena. Laging ako yung napagbubuntunan ng sisi. Sino ba namang hindi masasanay kung halos araw-araw na lang akong pinaghahabol?

Nung una halos isuko ko na lang sarili ko sa mga naghahanap sa 'kin. Pero naisip ko, baka may paraan pa para mabalik ang anyo ko sa dati.

Nagagawa ko namang magkatawang tao pero panandalian lang. May kapangyarihan din akong magmanipula ng mga bagay. Pero hanggang maaari ay ayaw ko itong gamitin laban sa mga tao kahit gaano pa kasama ang tingin nila sa 'kin.

Nang makaalis sila ay nagtungo ako sa isang abandonadong bahay dito sa gubat na may kalayuan sa bayan.

Walang nagtatangkang pumunta rito dahil pinaniniwalaan nilang pugad ito ng mga malalaking ahas. Kaya dito ako tumutuloy. Nakakalungkot mang isipin, dito ako namamalagi mula noong naging taong ahas. Mag-isa. Walang nagtangkang intindihin ako dahil lagi silang pinangungunahan ng takot.

Humiga ako sa malamig na semento. Nakakamiss ring humiga sa isang komportableng higaan. Yung may makapal na comforter na pwede mong gamitin sa oras na nilalamig ka, 'di kagaya ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng balat ko dahil sa sobrang lamig ng kinahihigaan ko.

Pinulupot ko ang buntot ko sa katawan ko. Sa ganong paraan ay naiibsan nito ang lamig na naramdaman ko.

"Malalampasan ko rin 'to. Darating din ang araw na babalik sa dati ang lahat." Saad ko saka tuluyan nang nakatulog.

Third Person's POV

Tulog na tulog ang kawawang binata. Wala itong kamalay malay na nasusunog na ang ibabang parte ng abandonadong bahay. Nasa ikalawang palapag ito at mahimbing na natutulog.

Malaki na ng apoy na halos lumamon na sa buong bahay. Nagising ito na umuubo dahil sa kapal ng usok na umabot na sa ikalawang palapag.

Habang sa ibaba, malayo sa nasusunog na bahay. Nagtatawanan ang mga may dahilan ng pagkasunog ng bahay.

"Ano ka ngayon taong ahas? Masaya bang masunog ng buhay?" Saka sila nagtawanan dahil sa wakas mamamatay na rin ang halimaw na tinutugis nila.

Hindi nila alam na nakalabas na ito at nakalayo na sa kinaroroonan ng sunog.

Lumingon si Alexander sa lugar na nasusunog na naging tirahan niya sa matagal na panahon. Nanlulumong tinignan niya ang sinapit ng tirahan niya. Dahil na rin sa may parteng gawa ito sa kahoy at luma na ito kaya madali itong nasunog.

Ngayon napagtanto ni Alexander na kailangan na niyang pumunta sa malayung-malayo na lugar. Kung saan magiging kampante siyang walang taong umaaligid.

Gustuhin man niyang gumanti, 'di niya ginawa. Dahil kahit na ganon ang anyo niya at may kapangyarihan siya, ayaw na ayaw niyang makapanakit ng tao.

Naiintindihan niya ang mga ito, maging siya nung tao pa siya ay labis rin siyang natatakot sa ahas. Kaya imbes na magalit, pilit na lang niyang inintindi.

Alexander's POV

Payapa na ako ngayong namumuhay dito sa malayong bundok. Walang tao. Walang panganib.

Matapos ang pangyayaring iyon, isang taon na ang nakakalipas na halos tumapos sa buhay ko nagpakalayu-layo na ako patungo sa isang lugar na 'di nararating ng mga tao.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon