Chapter XIX

168 5 0
                                    

Alexander's POV

Humiga ako sa damuhan ng makaramdam ako ng panghihina. Nakalimutan kong hindi pa pala ako lubusan na magaling.

Napapikit ako ng makaramdam ako ng pagkahilo.

Naramdaman kong may sumundot sa pisngi ko. Pagmulat ko'y nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Christina na nakatingin sa akin.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka." Sabi nito.

"Ayos lang ako." Nginitian ko siya para hindi niya mahalata na hindi ganon kaganda ang pakiramdam ko.

"Ang putla ng mukha mo." Sabi niya saka sinalat ang noo ko. "Ang lamig din ng balat mo."

"Ayos lang ako, Christina." Mahinang saad ko.

"Maayos? May maayos bang ganyan? Tapos wala ka pang pampalit ng damit. Basang basa yang damit mo." Nag-aalalang sabi nito.

"Magiging maayos din ako. Kailangan ko lang ipahinga ito." Sabi ko saka pumikit.

"Bumalik ka na lang kaya muna sa tunay mong anyo. Baka mas lalo lang pinapalala niyang pag-aanyong tao mo ang kalagayan mo." Suhestyon nito.

"Huwag na. Mas ligtas tayo kung ganito ang anyo ko." Sabi ko saka tumagilid paharap sa kanya saka ko pinulupot ang isang braso ko sa bewang niya.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

Pinasadahan niya ng daliri niya ang buhok ko. Nakaramdam ako ng antok dahil doon. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Ilang oras din akong nakatulog dala na rin siguro ng panghihina ko at nang magising ako'y nakita kong tulog si Christina sa tabi ko. Hindi ko na siya ginising dahil mukhang malalim ang tulog nito.

Malilim sa kinaroroonan namin kaya hinayaan ko na lang muna siya roon. Kampante naman akong walang masamang mangyayari sa kanya rito kapag iniwan ko muna siya saglit.

Kailangan ko nang maghanap ng makakain namin.

Bago ako umalis ay nilagyan ko ng barrier ang kinaroroonan nila para na rin hindi sila malapitan ng mga demons na paminsan-minsang umaaligid, lalo na si Vera.

Naglakad na ako palayo saka naghanap ng mga panggatong na gagamitin namin mamayang gabi na siyang magsisilbing ilaw namin. Nang makakuha ng sapat na dami ay itinabi ko muna ito saka nagpatuloy sa paghahanap ng mga prutas. Buti na lang at sagana sa mga prutas dito sa gubat na kinaroroonan namin.

Naparami ang kuha ko at hindi ko ito madadala lahat dahil hindi kasya sa kamay ko kaya tinanggal ko ang pang-itaas ko para gamitin bilang lalagyan ng mga prutas. Habang pinupulot ko ang mga prutas na napitas ko'y may bumagsak na isang malaking bag sa harap ko. Nang tingalain ko ito'y agad ko itong nakilala.

"Gamitin mo na 'yan. May ilang mga damit diyan na kinuha ko sa kubo niyo. Alam kong hindi kayo makabalik doon dahil sa takot na baka nandoon lang ang mga kasama ko, kaya nagboluntaryo na akong ako ang kumuha." Sabi nito.

"Hindi ako takot sa mga kasama mo. Ayoko lang makapanakit ng tao gaya ng iniisip ng iba tungkol sa akin." Saad ko.

Nag-tsk lang ito. "Minsan kailangan mong lumaban para malaman ng iba na hindi ka basta-basta maaapakan. Kapag lagi mong inuuna ang mararamdaman ng iba, kakawawain ka lang nila. Hindi masama na paminsan-minsan unahin mo naman ang sarili mo." Sabi nito.

"Magkaiba tayo ng pananaw."

"Okay." Sabi nito. "Tanggapin mo na lang yang tulong ko."

"Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo kami tinutulungan?" Tanong ko rito. Tumayo ako para harapin siya.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon