Chapter XXI

139 8 2
                                    

Thunder's POV

Papasikat pa lang ang araw ng magising ako.

Bumangon na ako para i-check si Christina, pero nang bumaling ako sa kinaroroonan ng tent ay nakita kong nakabukas na ito at wala siya roon.

Nakita kong lumabas si Tristan sa tent niya kaya agad ko itong tinanong.

"Tristan, nakita mo ba si Christina?"

"Kakagising ko lang kaya malamang hindi ko nakita." Sabi niya.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Seryoso ako."

"Hindi nga. Napagod ako kakahabol dun sa ahas kaya pagbalik ko natulog na agad ako." Sabi nito.

Agad akong tumakbo paalis. Kailangan ko siyang mahanap. Maaaring nasa paligid lang ang puting ahas at baka atakihin siya.

"Hoy, Thunder. Babalik na tayo ng siyudad saan ka pa ba pupunta?!" Sigaw nito pero hindi ko na pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya.

Kung ngayong umaga lang siya umalis malamang ay hindi pa nakakalayo yun.

"Christina!" Sigaw ko.

Takbo rito. Takbo roon. Kung saan saan na ako napadpad pero walang Christina akong nakita.

Pumunta ako dun sa kwebang tinirhan nila pati na yung lugar na pinasyalan nila pero wala talaga siya.

Nagpahinga ako sandali dahil sa pagod. Magtatanghali na kaya may ilang oras ko na rin siyang hinahanap.

Sinuyod ko na halos buong kagubatan pero wala siya. Alam kong hindi siya aalis sa gubat na 'to.

Hanggang sa nagka-ideya ako sa posibleng kinaroroonan niya. Kaya agad akong nagtungo roon.

Malapit na ako sa kubo ng makita kong nakabukas ang pinto noon.

Nang makalapit ako ay nakumpirma kong nasa loob siya. Sinilip ko siya at nakita kong nasa ibabaw siya ng papag at yakap-yakap ang tuhod niya habang umiiyak.

"Alexander, bumalik ka na please." Mahinang saad nito habang umiiyak. "Miss na kita."

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang tinitignan siya.

"Akala ko ba hindi mo na ako iiwan, pero sinira mo pa rin yung pangako mo. Ilang oras pa lang kitang hindi nakakasama pero para na akong pinapatay sa sobrang pagkamiss ko sa'yo. Bumalik ka na. Please, bumalik ka na."

"Mababaliw na ako 'pag dumaan pa ang ilang minuto at oras na hindi kita makakasama. Para na akong pinapatay sa sakit kapag naiisip kong hindi ka na babalik. Bumalik ka na. Kahit dito na lang tayo habangbuhay hanggang sa tumanda tayo. Please, hindi ko na kaya yung sakit. Para na akong mamamatay." Napahagulgol na ito.

Hindi ko na nakayanan ang nakita ko. Pumasok na ako sa loob at tumabi sa kanya. Hinila ko siya at kinulong sa mga bisig ko.

"Alexander." Sabi niya saka nag-angat ng tingin. Nawala ang ngiti sa mukha niya ng makitang hindi yung taong inaasahan niya ang dumating.

Bigla na naman itong napaiyak.

"Akala ko... Akala ko bumalik na siya." Pinunasan niya ang mukha niya pero panay pa rin ang pagtulo ng luha niya. "Bakit ganon? Kung sino yung gusto mong makasama ay siya namang pinagdadamot ng tadhana. Bakit kailangang mawala ni Alexander?"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya na ilabas ang nararamdaman niya.

"Ang sakit sakit na." Sabi niya saka sinuntok-suntok ang dibdib niya.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon