Chapter IX

183 6 0
                                    

Alexander's POV

"Mahigit isang buwan na lang pala bago ang susunod na pagpula ng buwan. Konting konti na lang ang panahong natitira sa'kin." Saad ko.

"Bakit hindi mo subukang dahan-dahanin ang pagsabi sa kanya? Baka naman maintindihan at matanggap niya yun." Sabi ng leon.

Nakaupo ako sa upuang gawa sa kawayan ganon din ang leon.

"Gustuhin ko man ay pinangungunahan ako ng takot ko. Takot na katakutan niya. Na kamuhian niya. Na pagsisihan niyang ako ang minahal niya. Hindi ko makakayang marinig galing sa kanya ang mga katagang alam kong wawasak sa puso ko." Malungkot kong saad.

"Alam kong nais mo lamang ay ang maging masaya. Kung ano ang sa tingin mong mas makakapagpapasaya sa'yo, sundin mo. Huwag mong sayangin ito habang nandyan pa." Saka umalis ang leon.

Tumayo ako at nagdesisyong sundan si Christina sa batis.

Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng isang masamang presensya galing sa hindi kalayuan.

Lalo ko pang binilisan ang paglalakad nang sa ganon ay marating ko agad ang kinaroroonan ni Christina.

Natigil ako sa paglalakad ng malapit na ako sa batis nang makita kong may kasama ito.

Nakatalikod sa gawi ko si Christina at ang kasama nitong matandang babae. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa.

Lumapit ako at nagtago sa likod ng isang puno.

Mas lumakas ang presensyang naramdaman ko. Ibig sabihin nasa malapit lang ito. Pero hindi ko alam kung kaninong presensya ito.

"Iha, mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo. Hindi lahat ng nakikita at nakakasama mo'y totoo. Maaaring gawa-gawa lang ang lahat. Mag-ingat ka sa nagbabalat-kayo." Narinig kong saad ng matanda. "Sige Iha, alis na 'ko."
Tumango lang si Christina. "Ingat po kayo."

Nang makalayo ang matanda ay ang siya namang paghina ng presensya.

Nang nasa malayo na ang matanda'y saka na 'ko nagpakita.

"Sino 'yon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Bigla lang lumapit sa'kin at binalaan ako." Sabi niya.

Nakaramdam ako ng 'di maganda dun sa matanda na tila kailangang huwag kong palapitin si Christina doon.

"Hinayaan ko na lang siya at nakinig na lang ako. At oo nga pala." May kinuha siya sa tabi niya. "Binigyan niya nga pala ako ng kakanin." Sabay pakita niya sa'kin.

"Uwi na tayo." Pagyaya ko. Hindi ko gusto ang presensya na naramdaman ko kanina. Mas mabuti nang nasa loob kami ng barrier dahil dun nakasisiguro akong ligtas si Christina.

"O, sige." Tumayo na siya at naglakad na kami pauwi. Tahimik lang kaming naglalakad pauwi hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Naikwento pala sa'kin nung matanda kanina yung tungkol sa kalahating ahas." Saad ni Christina. Agad akong napabaling sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Sabi niya kulay puti raw yun at nakakatakot. Kulay pula raw ang mata. Nung una'y nakikita pa raw ito ng ilang tao hanggang sa nung may mga tumugis sa kanya'y bigla na lang itong nawala. Alam mo ba ang tungkol doon?" Tanong niya.

Hindi lang alam. Alam na alam.

Kung alam mo lang na ang kinukwentuhan mo ay ang mismong ahas na iyon.

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayokong magsalita dahil baka madulas ako at masabi ko sa kanya ang totoo, lalo pa't kinakabahan ako.

Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya. Ayokong may mabago sa'min. Ayokong katakutan niya ako.

"Huy. Ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong niya.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon