Chapter IV

220 6 0
                                    

Alexander's POV

Mahimbing na ang tulog ni Christina ng maramdaman ko ang isang presensyang matagal ko ng 'di naramdaman.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa papag at lumabas.

Alam kong hindi siya makakalapit dito sa kubo dahil sa barrier na inilagay ko na pantaboy ng mga demon.

Mula sa malayo ay tanaw ko ang isang pigura ng babaeng may mahabang buhok at nakapulang kasuotan. Si Vera.

"Kumusta?" Tanong niya habang dahan-dahang naglalakad patungo sa'kin. "Namisa kita." Sabi niya ng makalapit siya.

Akmang hahawakan niya ako pero tinabig ko ang kamay niya.

"Tsk. Hindi ka pa rin nagbabago. Hanggang ngayon nagmamatigas ka pa rin." Nagpaikot-ikot ito sa akin, wari'y sinusuri ako. "Bakit kasi hindi ka na lang bumigay? Wala na namang magkakainteres o magtatangkang patulan ang isang kagaya mo. Halimaw ka sa paningin ng mga tao Xander."

Naikuyom ko ang kamao ko. "Alam ko at tanggap ko na 'yon at kahit kailan hindi ako papatol sa isang kagaya mo." Matigas kong saad.

"Sige. Basta ba wala magkakainteres sa'yo ayos lang sa'kin." Tumigil siya sa harap ko at nilapit ang mukha niya sa'kin. "Pero oras na may magtangkang agawin ka sa'kin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang iniirog mo mahal ko dahil akin ka lang. Akin." Pagkasabi niya non ay saka naman siya naglaho.

Napahinga ako ng malalim pagkaalis niya.

Nang makapasok ako sa loob, kay Christina agad dumako ang paningin ko. Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko habang tinitignan siya. Bigla akong nalungkot.

Napabuntong hininga ako. Sinara ko ang pinto ng kubo at umupo sa sahig kung saan nakalatag ang banig na tinutulugan ko.

Nakaupo lang ako roon at nagmuni muni.

Bakit ba kailangang ako pa ang makaranas ng ganito?

Bakit kailangan sa akin pa magkagusto ang nilalang na 'yon?

Bumuntong hininga ako.

Kung 'di ba ako sumama sa outing na pinlano namin noon ganito kaya ang sasapitin ko?

Kasalanan ko naman siguro kung bakit ako naging ganito. Kung 'di ko sana siya pinakitaan ng kabutihan sana hindi ako nagkaganito.

Biglang nagflashback sa isip ko kung paano kami nagkakilala ng demon na 'yon.

Nagkakilala kami nung isang beses na dumayo kami sa bayan dahil sa idadaos ang lantern festival. Dahil malapit iyon sa bundok ay dun namin naisipang pumunta nang sa susunod na araw ay makakapaghiking kami.

Gabi na noon at ilang minuto na lang ay gaganapin na ang pagpapakawala ng mga lantern.

Nagkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan noon, pero dahil iisa lang ang tutuluyan namin ay 'di na kami nabahala.

Tumingin tingin ako ng mga tinda ng aksidente kong mabangga ang isang babae.

Natumba ito at dumaing. Nang tinanong ko sabi niya masakit raw ang paa niya. Mukhang namali siya ng pagkakatumba, kaya ang ginawa ko binuhat ko siya hanggang sa makakita ako ng bench at doon siya pinaupo.

Minasahe ko ang paa niyang nasaktan hanggang sa nagagawa na niya itong maigalaw at maitapak ng 'di na gaanong sumasakit.

Nag-usap pa kaming dalawa ng mga bagay-bagay hanggang sa umiba na ang paksa ng pinag-uusapan namin.

"Gusto mo bang sumama sa'kin? Doon sa kaharian namin?"

"Huh? Naku, hindi na. Uuwi na rin ako dahil malalim na ang gabi. Ikaw, umuwi ka na din baka hinahanap ka na sa inyo." Sabi ko pero umiling lang siya.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon