Chapter XIV

180 6 3
                                    

Christina's POV

Maagang umalis si Alexander dahil may gagawin daw siya sa bayan kaya naisipan kong maglakad-lakad na muna.

Nawili ako kakatingin sa iba't-ibang kulay ng bulaklak na tumubo kung saan-saan kaya hindi ko na namalayan ang oras.

Malapit nang magtanghali nang maisipan kong umuwi para na rin makapagluto na ako ng tanghalian.

Habang naglalakad ako pabalik, nakuha ng atensyon ko yung mga kabuteng tumubo malapit sa nakausling ugat ng isang malaking puno.

Alam kong edible yung dahil sa minsan na akong nakakita ng ganun na binebenta sa palengke.

Nilapitan ko ito saka kumuha ng ilan para gawing soup.

Nang matapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa kubo.

Inihanda ko na ang mga gagamitin ko para sa pagluto ng soup. Sa likod ng kubo kung saan nakatanim yung mga gulay ko kinuha yung ibang gagamitin. May pampalasa naman na kaya hindi na ako mamomroblema kung saan kukuha ng mga sangkap dahil meron nang stock na binili ni Alexander sa bayan.

Nung una nagtaka pa ako kung saan siya kumukuha ng pera. Nang tinanong ko siya sabi niya binebenta niya yung ibang gulay na tinanim niya. Marami siyang iba't ibang tanim sa likod ng kubo kaya marami din siyang mabebenta dahil sa marami kung mamunga ang mga tanim niya.

Buti na lang at nakabili na siya ng posporo dahil kung hindi ay aabutin ako ng buong araw para lang makagawa ng apoy o baka hindi talaga ako makagawa.

Nang matapos kong hiwain at ilagay sa kaldero ang mga sangkap ay sinalang ko na ito sa apoy.

Habang hinihintay kong matapos maluto yung soup ay nilinis ko na ang  mesa at tinapon yung balat ng gulay.

Tapos ko nang lutuin ang soup nang dumating din si Alexander.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko. Nakabusangot ang mukha nito.

Umiling lang siya saka bumuntong hininga.

"Maupo ka na." Sabi ko.

Ako na ang nagsalin ng soup niya. Tahimik lang niyang kinuha ang kutsara saka tinikman ang niluto ko.

"Ano? Okay lang ba yung lasa?" Tanong ko.

"Oo. Maayos naman." Sabi niya saka nagpatuloy na sa pagkain.

Nakakatatlong kutsara pa lang siya nang bigla siyang matigilan. Maging ako ay napatigil din nang makitang nakahawak siya sa dibdib niya.

"Alexander, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko nang makitang nakaawang ang labi nito at animo'y maduduwal.

"A-anong nilagay m-mo sa p-pagkain?" Nahihirapan niyang saad. Bumilis ang kanyang paghinga.

"W-wala naman. Maliban dun sa mushroom na nakita ko kanina. Alam kong nakakain yun." Sabi ko.

Agad siyang napatayo at nagtungo sa loob ng kubo. Sinundan ko siya pero agad niyang sinarado ang pinto.

"Alexander, ano bang nangyayari sa'yo? Bawal ba sa'yo yung kabute? Sorry, hindi ko alam." Sabi ko. "Buksan mo yung pinto please."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya pero naririnig ko ang mahinang pagdaing niya. Sinubukan kong itulak ang pinto para bumukas pero hindi ko magawa dahil sa may nakaharang.

Sinubukan kong ulit itulak yung pinto at this time umawang na ito ng konti kaya buong lakas ko itong tinulak pero sumara lang ulit ang pinto.

Pumunta ako sa gilid ng kubo para buksan ang bintana pero maging ito ay hindi ko mabuksan.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon