Chapter VI

176 5 0
                                    

Alexander's POV

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Narito pa rin kami sa may paanan ng bundok. Buti na lang at maganda ang panahon kaya hindi na ako mag-aalala na baka umulan.

Mahimbing na ang tulog ni Christina kaya hindi ko na ito inistorbo.

Nasa kalangitan lang ang paningin ko. Pinagmamasdan ang mga nagniningning na mga bituin. Maya-maya'y nakakita ako ng isang falling star hanggang sa may sumunod ulit na isa hanggang sa dumami na ito. Meteor shower.

Sayang lang at hindi ito nakita ni Christina.

Nakakaginhawang pagmasdan ang mga kumikislap na mga bituin. Nakaramdam ako ng kapayapaan at saya habang pinapanood ito. Ngayon ko lang kasi nasaksihan ang ganito.

Sa ilang taong paninirahan ko dito, ni minsan hindi ko naisipang magstargazing. Masyado akong kinain ng lungkot kaya ang gusto ko lagi ay gumala o 'di kaya'y matulog.

Naramdaman kong lumalamig na ang paligid. Hindi ko alintana ang lamig dahil sanay na ako dito. Pero si Christina, malamang hindi.

Binaling ko kay Christina ang tingin ko at tama nga ako. Nakita ko ang pangangatog nito sa lamig. Tulog pa rin ito pero kitang kita ang panginginig niya.

Lumapit ako rito at saka ko inunan ang ulo niya sa braso ko. Niyakap ko ito para hindi na ito lamigin pero wala pa ring epekto.

Kaya kahit medyo kinakabahan ako dito sa gagawin ko'y ginawa ko parin. Bumalik ako sa tunay na anyo ko, bilang isang kalahating ahas, nang sa ganon ay magawan ko nang paraan para maibsan ang lamig na nararamdaman ni Christina.

Dahan-dahang napalitan ng buntot ng puting ahas ang binti ko.

Ipinalibot ko sa aming dalawa ni Christina ang buntot ko hanggang sa unti-unti nitong naiibsan ang nararamdaman kong lamig. Tumigil na rin ang panginginig ni Christina.

Kung nakikita lang siguro ako ngayon ni Christina paniguradong tatakbo ito palayo. Magsisisigaw ito at iiyak sa takot.

Sino ba namang hindi? Ikaw ba naman ang makakita ng kalahating tao at kalahating ahas tignan ko lang kung hindi ka kakaripas ng takbo. Idagdag pa ang pagbabago ng kulay ng itim ng mata ko na nagiging pula at nagiging puti ang buhok ko 'pag anyong ahas ako.

Buti na lang at madilim para kung sakali mang magising si Christina hindi niya agad ito mapapansin. Magtataka nga lang sa kung ano ang nakapalibot sa'min.

Kinulong ko sa mga bisig ko si Christina, binibigay dito ang sapat na init para hindi na ito lamigin at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Kailangan ko lang siguraduhin na bago mag-umaga ay babalik na ako sa anyong tao.

MADILIM PA nang magising ako. Nag-anyong tao na ulit ako saka ipinikit ulit ang mata ko.

Naramdaman kong sumiksik pa lalo sa'kin si Christina. Ngayong nag-anyong tao na ulit ako ay nararamdaman ko na ulit ang lamig. Ganon din siguro si Christina kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi na ako nakatulog ulit kaya hinintay ko na lang na mag-umaga at magising si Christina.

Nakatingin ako sa kalangitan na unti-unti nang mapapalitan ng liwanag ang kanina'y madilim na langit. Nawala na ang mga bituin. Unti-unti na ring lumilinaw ang paligid.

Binaling ko sa kaliwa ko ang mukha ko. Tinignan ko ang mukha ng natutulog na si Christina. Mahimbing pa rin ang tulog nito kahit na malamig ang paligid.

Napangiti ako ng ibinaon niya sa dibdib ko ang mukha niya pero agad din itong napalitan ng lungkot dahil alam kong magiging alaala na lang ito pagdating ng araw. Lalo na kapag nalaman na niya kung ano talaga ako.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon