Chapter XX

132 4 0
                                    

Christina's POV

"H-hunter." Mahinang saad ko.

Nakita kong tumayo ito at naglakad palapit sa'kin.

"Ikaw pala." Sabi nung hunter na tumulong sa amin pagkalapit niya.

"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahang tanong ko. "K-kasama mo ba yung ibang hunters?"

Umiling siya. "No. Ako lang mag-isa ang narito. Pero yung mga kasama ko, kasalukuyang hinahanap yung nobyo mo." Tinignan niya ako. "Ikaw? Bakit ka narito?"

Hindi ko siya sinagot. Sa halip, tumalikod na ako. Akmang maglalakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni Alexander ng hulihin niya ang braso ko.

"Hey! I'm still talking to you. Kung iniisip mong nandito ako para hulihin yung nobyo mo, nagkakamali ka. Nagpunta ako rito para magrelax. Yun lang." Sabi nito.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Alis na 'ko." Sabi ko.

"Tsk. You're still the same." Umiling-iling siya.

"Ano?" Naguguluhan kong saad.

"Wala." Bumuntong hininga siya. "You really forgot." Mahinang sabi niya saka ako tinalikuran.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong nakalimutan ko? Kilala ko ba siya?

"Teka, anong nakalimutan ko?" Tumigil siya sa paghakbang pero hindi ako hinarap.

"Nothing. Just forget about it." Saka siya nagpatuloy sa paghakbang.

Pagkatalikod ko'y nakita ko si Alexander na tila may hinahanap at nang magtama ang tingin namin ay nginitian niya ako. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko.

"Akala ko kung saan ka na napadpad." Sabi niya.

"Naglibut-libot lang ako." Nginitian ko siya.

"May naaninag ako kaninang bulto ng tao sa likod mo."

"Ha?" Tanging nasabi ko.

"Pero baka namalikmata lang ako." Sabi niya. "Halika na. Kain na muna tayo."

Iginiya niya ako patungo sa cottage.

Maayos ang loob nito. May isang mesa sa gitna at upuan sa gilid.

"Prutas lang 'tong nadala ko." Sabi niya sabay lapag sa dala niya. "Nagsasawa ka na siguro na prutas na lang lagi." Malungkot niya akong tinignan. "Kung kaya lang sana kitang bigyan ng normal na buhay."

Natawa na lang ako. "Nagdrama ka na naman." Napailing ako. "Ayos lang sa'kin ang ganito. Tsaka kung hindi ko gusto yung ganito kasimple eh 'di sana matagal na akong umalis, 'di ba?" Nginitian ko siya. Ngumiti na rin siya.

NAPAHIKAB AKO NG makaramdam ako ng antok.

Umupo ako sa ilalim ng puno saka sumandal doon. Bumibigat na din ang talukap ko hanggang sa nakatulog ako.

Nang magising ako'y gabi na. Nasa tabi ko si Alexander. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Gising ka na pala. Bakit ka dito natulog? Pumasok ka na lang sana sa loob." Sabi niya.

Umayos ako ng upo. "Hindi ko namalayang nakatulog ako. Gabi na. Hindi na tayo makakauwi." Sabi ko. Tumingala ako sa langit.

"Ang daming bituin. Ang ganda tignan." Sabi ko habang nakatingala sa langit.

Wala pang buwan kaya madilim ang paligid. Buti na lang may ilaw sa may tulay sa may lawa na siyang nagbibigay liwanag sa paligid.

"Oo nga. Ang ganda." Sabi niya pero nang tignan ko siya ay sa akin siya nakatingin. "Mahal na mahal kita, Christina. Huwag mo sana iyong makalimutan." Hinawakan niya ang kamay ko saka dinala iyon sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon