Chapter XVI

179 7 2
                                    

Alexander's POV

Nang oras na tumakbo siya palayo ay para na rin akong nawalan ng buhay. Alam kong mangyayari ito at alam kong ganon ang magiging reaksyon niya. Pero kahit anong gawin kong pagkumbinsi at paghanda sa sarili ko sa araw na 'to, hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan ng sobra lalo na nang makita ko ang takot sa mukha niya pagkakita sa akin.

Hindi ako lumabas para habulin siya. Ayaw kong mas lalo siyang matakot 'pag nakita niya akong nakasunod sa kanya dahil kapag nakikita ko ang takot sa mukha niya ay para na rin akong pinapatay ng paulit-ulit. Mas masakit pa ito kaysa sa naramdaman ko noong tinutugis ako para patayin.

"Alexander." Narinig kong saad ng isang maliit na tinig.

Mula sa maliit na siwang ng pinto ay pumasok yung kaibigan kong squirrel na may hawak-hawak na isang maliit na kulay dilaw na bulaklak.

Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa pisngi ko bago nagsalita. "Ikaw pala." Mapait akong napangiti. " Nakita na niya ako sa ganitong anyo." Nanginginig ang boses na saad ko.

"Tapos iniwan ka niya?" Inosenteng tanong nito.

Iniwan. Napaluha ako nang marinig ko ang salitang 'yon. Pilit kong iniisip na nasa may batis lang siya o 'di kaya'y nasa labas lang na nakaupo sa may upuang madalas niyang tambayan para kahit papaano mabawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko pa rin matanggap na iniwan na niya ako. Na wala na siya, na hindi na siya babalik pa.

Inalala ko yung mga panahong nandito pa siya, na kasama ko pa siya. Para kahit papaano sana ay sumaya ako pero imbes na saya ang maramdaman ko ay mas lalo lang akong pinalungkot ng mga alaalang 'yon. Mananatili na lang iyong isang alaala, isang magandang alaala.

"Ilang araw na rin lang naman magiging isang ganap na ahas na ako kaya siguro mas mabuti na ring nangyari ito." Saad ko.

"Pero gusto mo pa rin na sa mga nalalabing panahon na iyon ay makasama mo siya, 'di ba?" Tanong nito.

"Gustuhin ko man ay wala na siya, iniwan na niya ako. Gaya ng naisip ko, takot na takot siyang tumakbo palayo. Gustuhin ko mang habulin siya at makiusap na manatili sa tabi ko ay mukhang imposible na 'yon." Mapait akong napangiti. "Halimaw na ang tingin niya sa akin."

"Hindi naman siguro ganon. Iyak nga siya ng iyak ng makita ko siya kanina. Baka nagulat lang 'yon sa natuklasan. Kung mahal ka niya matatanggap ka niya kahit ganyan ang anyo mo, kahit hindi ka tao. Hayaan mo na lang muna siya. Nabigla lang yun." Sabi pa nito.

"Umiyak siya dahil sa takot at pagsisisi na umibig siya sa isang kagaya ko, isang halimaw na nagpanggap na isang tao."

"Tao ka naman talaga, 'di ba? Sinumpa ka lang pero tao ka pa rin."

"Noon. Pero halimaw na ako ngayon." Nakatungong saad ko.

Naisipan kong lumabas ng kubo dahil halos buong araw na akong nagkulong sa loob at hindi ko rin maayos na naigagalaw ang buong katawan ko. Kailangan ko ring makalanghap ng sariwang hangin, baka sakaling gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

Nang makalabas ako ay nakaramdam ako ng pagkailang kahit wala namang nakatingin sa akin. Marahil ay dahil sa nasa tunay ko nang anyo ako lumabas. Para na rin akong nakawala sa kulungan dahil ngayon ay wala na akong itinatagong sikreto kay Christina.

Napatingin ako sa kalahati ng katawan ko. Hindi ko pa magawang bumalik sa pagiging anyong tao dahil pa rin sa epekto ng lason na galing sa kabute.

Dala ng pagkatulala ay hindi ko namalayan ang mga paparating.

Tsk. Pati ba naman talas ng pandama ko ay nawala na rin.

Nakita ko na lang ang sarili kong napapalibutan ng anim na tao. Apat sa kanila ay may hawak na tranquilizer gun at ang dalawa ay may hawak na isang malaking net.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon