Chapter XI

180 8 0
                                    

Alexander's POV

Malalim na ang gabi nang magising ako nang maramdaman ko ang tila pagtusok ng libu-libong karayom sa binti ko paakyat sa bewang ko.

Habang tumatagal lalo lang lumalala ang nararamdaman kong sakit.

Gaano na ba katagal nang huli akong nag-anyong ahas?

Gusto kong magmura sa sakit pero pinilit kong itikom ang bibig ko para hindi magising si Christina. Tanging pigil na daing lang ang kumakawala sa bibig ko.

Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman. Masyado kong nagamit ang kapangyarihan ko kaya ito ang naging epekto.

Naramdaman ko ang pagdikit ng mga binti ko hanggang sa tuluyan na itong napalitan ng katawan ng ahas.

Naibagsak ko sa sahig ang ulo ko nang mawala ang sakit. Habol-habol ko ang aking hininga.

Narinig ko ang paglangitngit ng papag hanggang sa narinig kong magsalita si Christina.

"Alexander, okay ka lang ba? Narinig kasi kitang dumadaing. May masakit ba sa'yo?" Narinig kong saad niya. Nang tignan ko'y kinukusot pa niya ang mata niya.

Agad akong tumabi sa kanya at niyakap siya mula sa likod nang sa ganon hindi siya bumaling sa direksyon ko. Pinanatili ko ang kalahati ng katawan ko sa baba ng sa ganon hindi siya magtaka kung bakit may malamig na bagay ang tumatama sa binti niya.

Huminga muna ako nang malalim bago siya sinagot. "O-okay lang ako. Matulog ka na."

Kahit na madilim ay alam kong maaaninag pa rin niya ang kulay nang kalahati ng katawan ko dahil sa kulay puti ito.

"Sigurado ka?"

"Oo. Kaya matulog ka na." Sabi ko saka hinalikan ang ulo niya.

"Alexander?"

"Hmm?"

"Bakit ang lamig ng balat mo? Okay ka lang ba talaga?"

Natigilan ako sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi.

"Okay lang ako. Wala lang 'to." Sabi ko.

"Pero ang lamig mo eh. Sobrang lamig na parang hindi na normal." Puno ng pag-aalalang saad niya.

"Okay lang ako. Kaya huwag ka nang mag-alala." Malambing kong saad.

Tinakluban niya din ako ng kumot. Akmang haharap siya sa'kin ng pigilan ko.

"Ganito na lang tayo. Please." Sabi ko sabay baon ng mukha ko sa buhok niya.

"Gusto ko lang naman yakapin ka para naman mabawasan kahit konti 'yang lamig ng balat mo."

"Okay na ako sa ganito. Kaya matulog ka na." Sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Good night."

"Sigurado kang okay ka lang?" Rinig kong tanong niya.

Natawa na lang ako sa kakulitan niya.

"Okay lang nga po ako. Huwag mo na akong alalahanin, okay? Tulog ka na."

"Pero..."

"Tulog na Christina."

Narinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na paghinga. "Matulog ka na din. Sana okay ka na bukas dahil para ka nang yelo sa lamig."

"Magiging okay din ako bukas na bukas din, pangako."

Nang makatulog si Christina ay saka pa lang ako nakatulog.

Nagising ako saktong papasikat pa lang ang araw.

Dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Christina nang sa ganon ay 'di ito magising.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon