Chapter VIII

183 7 0
                                    

Alexander's POV

Halos hindi na ako umaalis sa tabi ni Christina magmula ng mapanaginipan ko 'yon. Para itong isang babala sa hindi ko alam na dahilan o baka masyado lang akong nag-o-overthink. At dahil na rin sa nangyari kaya halos ayaw kong nawawalay sa kanya kahit sandali.

Nagtataka na nga rin siya sa kinikilos ko. Bakit daw ako palaging nakabuntot sa kanya o 'di kaya'y bakit daw hila-hila ko siya kahit saan ako magpunta. Sinabi ko na lang na gusto ko lang siyang makasama. Alam kong may mga gusto pa siyang itanong pero hindi na lang niya naisatinig.

Konting panahon na lang ang meron ako para makasama siya at gusto kong sulitin ang mga natitirang araw na 'yon nang sa ganon ay may mga masasayang alaala akong babaunin sa oras na malayo ako sa kanya. Dahil sa susunod na pagpula ng buwan ay tuluyan na 'kong magiging ganap na ahas at kailanman hindi na kami pwedeng magsama.

"Ang tahimik mo ah. May problema ba?" Tanong niya.

Nandito kami sa may paanan ng bundok kung saan ko siya dinala nung nakaraan.

Maggagabi na rin kaya may mga iilan nang bituin ang lumilitaw sa langit.

Naging mahalaga na sa akin ang lugar na ito magmula ng dalhin at magpalipas kami ng gabi rito. Isa 'yon sa magiging magandang alaalang babaunin ko habang nabubuhay ako.

"Wala." Saka ko siya niyakap mula sa likod. "Masaya lang ako na kasama kita."

"Kahapon ko pa napapansin yang pagiging clingy mo ah? Halos hindi mo na ako bitawan." Natatawang sabi niya.

"Gusto lang naman kitang yakapin eh." Saka ko ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Sabi ko na nakangiti.

"Saan?" Tanong niya.

"Na mahal din ako ng babaeng mahal ko." Sabi ko.

Matapos ng nangyari kahapon ay inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko dala na rin ng takot na mawala siya. Kahit alam kong darating ang araw na siya mismo ang lalayo sa'kin o darating ang araw na tuluyan na akong mapapalayo sa kanya'y pinili ko pa rin ang umamin. Para kahit sa sandaling pagkakatao'y maranasan ko ang magmahal.

Akala ko nung una na sa pag-amin ko'y lalayuan niya ako o 'di kaya'y hihingi siya ng tawad na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko pero hindi niya ako binigo.

Pareho lang pala kami ng nararamdaman na nung una'y hindi niya din maintindihan.

Naguguluhan din daw siya sa nararamdaman niya hanggang sa napagtanto niya kung ano talaga ito.

Dahil sa nagulat at nawalan ako ng masasabi sa naging tugon niya, niyakap ko lang siya ng mahigpit at doon binuhos ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya naging ganito ako nang malaman ko 'yon, naging clingy na ako sa kanya. Ilang minuto lang siyang malayo sa'kin agad ko siyang namimiss. Alam kong masyadong OA yun pero ganon talaga siguro 'pag nagmamahal.

"Oh, natahimik ka ata?" Puna ko.

"W-wala." Nauutal na saad niya.

Hinarap ko siya sa akin pero mabilis niyang tinakpan ang mukha niya.

"Tanggalin mo nga yan." Saka ko tinanggal ang palad niyang nakatakip sa mukha.

Nakita kong naluluha siya sa hindi ko malaman ba dahilan.

"M-may problema ba?" Kinakabahang tanong ko.

Natatakot ako sa maaari niyang sagot. Baka nagbago na ang isip niya kaya ganito siya.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon