Chapter II

227 5 0
                                    

Alexander's POV

Nandito ako sa may batis at nililinis ang sugat ko. Nag-anyong ahas muli ako dahil hindi naman ganon katagal ang tinatagal ng pagiging anyong tao ko.

Paano na lang kung tumagal pa 'yong babae dito? Maaari niyang mabuko ang tinatago ko. Maaari akong mapahamak sa pagpapatira sa kanya rito. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang yon umuwi mag-isa. Maraming mababangis na hayop rito.

Siguro ihahatid ko na lang siya sa bayan. May kalayuan pero pwede na siguro kaysa malaman niya kung ano talaga ako.

Pumikit ako. Ninamnam ang kapayapaan dito. Tanging huni lang ng ibon ang maririnig na ang sarap sa pakiramdam. Ang tamang lamig ng simoy ng hangin. Ganito ang gusto ko. Isang payapang pamumuhay.

Sinong mag-aakala na ang dating anak ng isang mayamang angkan ay sasadlak sa ganitong estado? Na iba na ang buhay sa kinalakhan. Na ang dating marangyang pamumuhay ay nauwi sa isang napakasimpleng buhay.

Nakakamiss din palang magkaroon ng kasama sa buhay. Yung may pamilyang nandyan sa oras na kailanganin mo ng karamay sa problema, na dati ay binabalewala ko lang.

I sighed.

Minsan umaasa pa rin ako na darating ang araw na mababalik din ako sa dati. Yung hindi ko na kailangan magtago. Yung may kalayaan na akong maglakad lakad ng walang humahabol sa'kin.

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang tinig ng babae.

"Mamang tumulong sa'kin. Nasaan ka ba?"

Bago pa ako makita ng babae ay nag-anyong tao na ako. Naglaho ang buntot ko at napalitan ng pares ng binti.

"Nandito ka lang pala." Sabi niya pagkakita sa'kin saka nagtungo sa direksyon ko.

"Ba't bumangon ka na? Baka dumugo na naman sugat mo."

Umupo ito sa isang malaking bato na malapit sa tabi ko.

"Okay na 'to. Tsaka kaya ko na naman. Nakakabored mag-isa doon." Nilagay niya sa tubig ang mga paa niya. "Ang ganda naman dito. Ang linis ng tubig." Sabi niya. Nilalaro niya ang tubig sa kamay niya.

May mga nakapaligid na iba't ibang kulay ng bulaklak sa paligid ng batis na dumadagdag sa ganda nito. May mga paru-paro ring nagpapalipat lipat galing sa isang bulaklak patungo sa iba. Ang tubig ay sing linaw ng kristal na kumikinang 'pag natatamaan ng sinag ng araw. Isang tahimik na paraisong nanaisin mong tirhan habangbuhay.

"Kahapon pa ako nandito pero hanggang ngayon 'di ko pa alam ang pangalan mo." Saad niya. "Ako nga pala si Christina." Saka siya naglahad ng kamay.

"Alexander." Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito.

"Hanggang ngayon wala pa rin bang rescuers?" Tanong niya.

"Wala pa. Gusto mo na bang umuwi? Pwede kitang ihatid na bayan."

"Sa totoo lang, gusto kong dumito na muna. Kaso nakakahiya naman kung ipagpipilitan ko."

"Okay lang naman." Biglang saad ko.

Halos matampal ko ang noo ko sa sinabi ko. Pero hindi ko na lang ipinahalata.

Kanina gusto mo na siyang umalis tapos ngayon, okay lang? Paano kung hindi nga 'to umalis?

"Talaga?" Ito na nga ba ang sinasabi ko.

At dahil natanga na ako, tumango na lang ako na siyang ikinangiti niya.

"Thank you."

Good luck sa'yo Alexander.

"ANO YANG GINAGAWA mo Alexander?" Rinig kong saad ni Christina.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon