Chapter VII

180 8 0
                                    

Christina's POV

Hanggang ngayon wala pa ring Alexander ang bumalik.

Gabi na at nandito pa rin ako sa labas naghihintay.

Nang naglakad-lakad ako kanina'y nakita ko ang isa sa tsinelas nito sa may malaking puno kung saan ko nakita ang balat ng ahas.

Kahit na pilit kong pinapasok sa utak ko na maaring nabiktima siya ng ahas, hindi ko pa ring mapigilang umasa. Umasa na maayos siya, na hindi talaga siya nabiktima nito. Pero kahit saang anggulo tingnan, mas mataas pa din ang porsyentong wala na siya.

Hawak-hawak ko ang tsinelas na tanging natira mula sa kanya.

Ang bigat-bigat sa dibdib.

Yung taong kanina narito lang, nakikita't nakakasama ko pa ngayo'y wala na.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ito na lang ang maaari kong magawa, ang iiyak ang pagkawala niya.

Wala man lang akong nagawa para mailigtas siya.

Tumingala ako sa langit.

Napangiti ako ng maalala yung nangyari kahapon. Siya at ako, sa ilalim ng mga nagniningning na mga bituin.

Hindi ko na napigilan ang humagulgol.

"A-Alexander..."

Iniyak ko na lang ang bigat ng nararamdaman ko. Baka sakaling kahit papaano'y maging okay ako. Pero hindi, lalo lang akong nalungkot.

Iyak lang ako ng iyak at 'di ko na namalayan na nasa harapan ko na pala ang leon.

Kung nung una'y takot ako sa kanya, ngayo'y nagpapasalamat ako na kahit papaano'y may kasama ako. Na kahit papaano hindi ko mararamdaman na mag-isa na lang ako.

NAGISING AKO dahil sa ingay, wari'y may gumagalaw sa mga gamit na iniiwan lang namin sa labas.

Bumangon ako. Una kong napansin ang leon na natutulog sa sahig.

Lumabas ako at nagbabakasakaling si Alexander ang nasa labas pero bumagsak ang balikat ko nang makita kong squirrel lang pala ang nandoon.

Pumasok na lang ako at nahiga sa papag.

Diretso sa bubong ng kubo lang ang tingin ko.

Hindi ko pa rin matanggap at umaasa pa rin akong babalik siya.

Buong araw ko siyang hinintay kahit na wala na namang darating.

Hangga't hindi ko nakikita ang katawan niya patuloy pa rin akong aasa.

Alexander's POV

Sa gitna ng kakahuyan ako nagtungo nang mawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Hindi ko napigilan ang pagbabalik ko sa tunay kong anyo na buti na lang ay hindi nakita ni Christina.

Gabi na pero heto't hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

Namimilipit na ako sa sobrang sakit. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa'kin dahil ngayon ko lang ito naranasan.

Nung una'y tuwing nagpapalit ako ng balat ay nilalagnat lang ako pagkatapos ay wala na pero ngayon, iba sa naranasan ko magmula ng maging ahas ako.

Nang tumihaya ako'y saka ko lang nakita ang kulay pulang buwan at naalala ko ang sinabi ng demon na sumumpa sa'kin.

Sa pangalawang beses ng pagpula ng buwan, magiging isa ka nang ganap na ahas. At kahit kailan, hindi ka na mababalik sa tunay mong anyo. Magiging ahas ka na habangbuhay.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon