Chapter V

188 5 0
                                    


Christina's POV

Nang magising ako, agad akong bumangon at tinignan ang higaan niya pero bumagsak ang balikat ko nang makitang walang Alexander ang nakahiga doon.

Ganon ba siya kagalit para hindi siya umuwi at iwan ako dito na mag-isa?

Niligpit ko na ang higaan niya. Ako yung naglatag nito kagabi sa pag-aakalang uuwi siya.

Lumabas ako ng kubo at kumuha ng mga pwedeng iluto. Kumuha na rin ako ng mga piraso ng tuyong kawayan para gumawa ng apoy.

Ginaya ko yung ginagawa ni Alexander tuwing gumagawa siya ng apoy pero sumakit na ang braso hindi pa rin umuusok yung kawayan kaya tumigil muna ako para ipahinga yung braso ko.

Sinubukan ko ulit pero sa kasamaang palad, nadulas ito sa kamay ko at tumama ang matulis na dulo nito sa kamay ko malapit sa hinlalaki. Napangiwi ako sa sakit ng kamay ko.

Nanginginig ang kamay ko sa sakit. Dumudugo na ito at hindi ko maiwasan ang maluha sa sakit.

Umupo ako sa upuang gawa sa kahoy habang hawak ang nanginginig kong kamay na may sugat. Patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat ko.

Hindi ko napigilang umiyak sa sakit at lungkot. I felt so helpless.

Lalong sumakit ang sugat sa kamay ko at halos mabalot na ng dugo ang kamay ko.

Sumandal ako sa upuang kawayan at hindi ko na pinansin ang kamay ko. Dinaan ko na lang sa iyak ang sakit na nararamdaman ko physically and emotionally.

Sa panghihinang nararamdaman ko, hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Naramdaman kong may humahawak sa kamay ko nang magising ako.

Nang imulat ko ang mata ko, mukha ni Alexander ang bumungad sa'kin.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako dahil alam kong hindi na umuwi si Alexander o totoo na talaga ito.

Nakita kong ginagamot niya ang sugat ko. Ngumiwi ako nang makaramdam ng hapdi. Nang matapos ay pinalibutan at tinali niya ito gamit ang pinunit na tela.

Inangat niya ang tingin sa'kin at hindi ko na napigilan ang maluha ulit.

"Alexander." Saad ko.

Agad akong yumakap sa kanya at hindi ko na ininda pa ang paghapdi ng sugat ko. Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko.

Saya dahil nandito na siya at lungkot dahil kasalanan ko kung bakit siya umalis.

Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap.

"Shh. Tahan na." Mahinahong sabi niya. Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at pilit akong pinapakalma.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

Nang kumalma na ako ay saka siya nagsalita. "Ano ba ang nangyari? Bakit may sugat ka?" Mahinang tanong niya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap bago nagsalita. "Sinusubukan ko kasing gumawa ng apoy. Hindi ko naman alam na ganon pala yon kahirap." Nakatungo kong saad.

Hinawakan niya ang baba ko saka inangat ang mukha ko. Tinignan niya ako ng diretso sa mata.

Pinunasan niya ang luha ko. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon eh." Sabi niya.

"Iniwan mo kasi ako mag-isa." Tumulo ang luha ko.

"Umiiyak ka na naman." Pinunasan niya ang luhang tumakas sa mata ko. "Sorry kung iniwan kita. Alam kong maling nagalit ako ng sobra. Malapit lang kasi talaga yung mga yon sa'kin." He caressed my cheek. "Tahan na. Hindi na kita ulit iiwan."

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon