Chapter XXIII

135 4 2
                                    

Christina's POV

Napabuntong hininga ako.

"Kanina ka pa wala sa sarili. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Thunder.

Naglalakad na kami paalis ng plaza. Naisipan naming maglakad-lakad na muna dahil hindi pa daw siya nakakapaglibot ng matagal.

"Oo naman. Ayos lang ako." Sabi ko kahit hindi naman talaga. Gusto kong puntahan si Alexander pero dahil kasama ko si Thunder ay pinagpaliban ko na muna. Ayoko munang sabihin sa kanya.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako.

"Pakiramdam ko ayaw mo akong kasama. Ang cold mo sa'kin. Kanina kasi mukhang nag-eenjoy kang mag-isa. Tapos ngayon parang mas gusto mo na wala ako rito. Tell me, nakakasagabal ba ako sa'yo?" Malungkot niyang saad.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Oo o hindi lang naman ang sagot dun eh." Napabuntong hining siya. "Well, nevermind." Sabi niya saka ako iniwan mag-isa.

"Mukhang nagtampo ang nobyo mo sa'yo. Sundan mo. Naghahanap lang ng lambing yun." Rinig kong saad ng taong nasa tabi ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Alexander na nakatingin sa akin.

"Hindi ko siya nobyo. Kaibigan ko lang yun."

"Para sa'yo kaibigan lang siya pero para sa kanya? Halata namang may gusto yun sa'yo." Sabi niya. "Sige, alis na ako. Sundan mo na yun bago pa lumala tampuhan niyo." Sabi niya saka umalis.

"Alexander, sandali." Sabi ko.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "Bakit?"

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Saad ko.

"Ha?" Naguguluhang saad niya.

"Wala. Kalimutan mo na." Sabi ko saka ko siya tinalikuran.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Christina!" Sigaw niya pero 'di ko na siya pinansin.

Kung ganito na lang din pala ang mangyayari, sana hindi na lang ako napadpad dito. Para saan pa na pinagtagpo kami ulit kung ganito lang din naman pala, na hindi na niya ako maalala. Na sa aming dalawa, ako na lang ang naiwang nasasaktan dahil sa mga alaalang hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko.

Dire-diretso akong naglakad patungo sa inupahan kong silid. Nakita ko si Thunder na nasa labas at nakasandal sa tabi ng pinto.

Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa loob.

Bago ko misara ang pinto ay agad na naharang ni Thunder ang kamay niya roon.

"Christina, pwede ba tayong mag-usa?" Tanong niya.

"Huwag ngayon. Magpapahinga na ako." Sabi ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Nang mabuksan niya ang pinto ay hinarap niya ako.

"Christina, gusto ko lang naman na--- Christina."

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Gusto ko lang sana ang mapag-isa dahil ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako.

"Christina, bakit? D-dahil ba sa ginawa kong pag-iwan sa'yo kanina? Sorry kung iniwan kitang mag-isa. Huwag ka nang umiyak, please. Ayokong nakikita kang ganyan." Sabi niya saka ako niyakap. "Shh. Tahan na."

Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya  at doon umiyak ng umiyak. Niyakap ko din siya pabalik.

"KUMAIN ka na." Sabi ni Thunder sa akin.

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon