Chapter 20
Soccer
Nang dumating ang break ay agad na nakasunod na sa akin si Aubrey at Zach. Diretso kaming pumunta sa Cafeteria para makabili ng food at syempre makapag kwentuhan. Pag karating namin sa Cafeteria ay agad na pumunta kami ni Aubrey sa tindahan. Pero dahil sa wala akong gana ay pinili ko na lang na bilhin ang dutchmill and one slice of pizza. Binili naman ni Aubrey ay fried chicken with spaghetti plus cheese burger and orange juice. At syempre sa lahat ng order nya ay dalawa dahil ang isa ay para kay Zach. Kaya ng matapos kami ay tinulungan kami ng staff sa cafeteria para lang madala lahat ng inorder ni Aubrey sa table namin kung saan nag hihintay si Zach.
Nag simula kaming kumain at syempre eto na. Para na akong nasa hot seat dahil nag sisimula ng mag salita si Aubrey ng mabilis at ang mga tanong nyang nagbabaga.
"Ikaw malandi ka talaga! Nag bakasyon kayo ni Joseph sa Vigan no hindi mo man lang kami sinabihan!" Sabay sampal nya sa braso ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Umayos naman sya ng upo at inirapan ako. Maldita!
"At bakit ka naman namin isasama?! E Magiging pabigat ka lang no! At saka di mo pwedeng sirain yung moment namin dun!" Galit kung sambit at agad na kinagatan ang binili kong pizza. Kastress!
"Anung pabigat! Kelan ako naging pabigat sa inyo." Maarte nyang sambit at yumuko pa. Iba talaga kapag may kaibigan kang may saltik! Umurong si Zach sa kanyang upuan at agad na dinaluhan si Aubrey. Lumapit pa ito sa tenga ni Aubrey at may ibinulong. Tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na pumunta sa gawi nila para pakinggan ang ibubulong ni Zach.
"Babe, wag ka na mainis. Kung kay Sophia ay pabigat ka! Sa akin hinding hindi ka magiging pabigat. Hayaan mo mag pagudpod tayo." Agad na umupo ako sa upuan ko at inirapan ako ni Zach. Arte talaga nitong dalawang to! Napatawa pa ako dahil ngayon ko lang na realize na ang shunga din nito ni Zach eh. Bubulong pa nalalaman rinig ko rin naman.
Umayos naman sila ng pag kakaupo at nakita ko sa mga mata ni Aubrey na parang namangha sya sa sinabi ni Zach at agad nya itong niyakap. Niyakap rin sya pabalik ni Zach... At hindi ko mapigilang hindi kiligin para sa kanila. Hays miss ko na din tuloy si Joseph.
Nang matapos sila ay hindi na maalis ang ngiti sa kanilang muka. Syempre sa akin din. Masaya ako na sila rin pala ang mag kakatuluyan!
Habang umiinom ako ng dutchmill ay nagulat ako dahil hinila ni Aubrey ang kamay ko kaya natapon ang iniinom kong dutchmill sa bibig!
"Anu ba yan! Hindi mo ba nakitang umiinom ako?!" Inis kong sambit. Pero parang wala lang yun sa kanya at sa isang bagay na nasa kamay ko nakatingin. Sa sing sing na binigay ni Joseph.
"Oh my goodness! Mag papakasal na kayo?!" Manghang sambit ni Zach. At agad na iminom ng juice. At nag paypay pa gamit ang kanyang kamay.
"No. Simbolo lang ng pagmamahalan namin." Napangiti na lang ako. At naalala ang isang araw na bakasyon namin sa Vigan. Tinuloy ko ang kwento sa kanila simula sa byahe papunta hanggang sa makauwi kami. Pero syempre hindi ko kwinento kung anung nagyari sa pagitan namin ni Harry. Ayoko ng may meron pang maka alam nun at gusto kong maayos ko kung anu man ang meron sa amin. Dahil kahit anu pang gawin nya ay hindi ko naman talaga sya kayang mahalin dahil si Joseph na ang minahal ko.
Nang matapos ang break ay dumiretso na kami sa klase. Nang mag uwian ay tila nagtataka ako kung bakit wala paring paramdam si Joseph. Ang sabi nya naman ay mag uupdate sya. Kaya tinext ko sya. Kaya kung matapos man ang meeting nya sa kasosyo nila sa business.
To Joseph:
I miss you. Message me when you're done. I love you.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥