Chapter 5

243 2 0
                                    

Ang panliligaw ni Joseph

Kinabukasan nagising na lang ako sa sakit ng ulo ko. HANGOVER! Dahil sa sakit nito ay hindi muna ko tumayo at humiga muna ako. Nakauwi pala ako dahil pinahatid ako ni Aubrey kay Jason. At hindi ko alam kung bakit hindi ako tumanggi siguro dahil sa kalasingan narin.

Nang bumuti na ang pakiramdam ko ay nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba dahil alas dose na pala at dahil ngayon lang ako nagising ay ngayon lang din ako makakakain. Buti na lang at sabado ngayon kaya okay lang na maging borlogs ako kahapon. Lagot sakin yung baklang yun. Hindi ko pa nakakalimutan ang kahalayang ginawa nya sa mapupula kung labi ah. Hmm.

Dumiretso agad ako sa may kusina para tignan kung anung nakahaing pagkain. Nakita ko naman si yaya na nag aayos na ng plato ko at umupo na ako. "Sophia anak hindi mo ba napansin may tao sa sala?" Takang tanung ni yaya. At binigay nya na rin ang pagkain kaya nagsimula na akong kumain ng inihanda nya.

"Naku ya, Hindi po, hindi ko napansin kasi dumiretso na agad ako sa dito sa kusina para makakain dahil gutom na gutom na ako" Habang patuloy parin ako sa pagkain. "Osige sya sya tatawagin ko lang yung bisita mo."

Wala pa atang limang subo nang pagkain ko ay nawalan na ako ng gana. "Oh iha andito si Joseph" At tinapik naman ni ya ang braso ni Joseph. "Naku ya! Bakit nyo pinapasok sa bahay ko yan eh bwisita yan eh. Hindi bisita"

Kumunot naman ang noo ni yaya Siling "Sophia hindi tama yan" Umiling na lang ako "Sorry po ya" Tumango naman si yaya. "Osige aalis na ako at maiwan ko na kaya pag katapos mo kumain ay tawagin mo na lang ako at ililigpit ko na yang pinag kainan mo"

"Naku ya. Iiutos ko na lang sa iba. Salamat po sa pagkain ya" Nakangiti kung sinabi at umalis na si yaya.

Tiningnan ko naman si Joseph at inirapan. "Bakit ka andito ang kulit mo rin eh noh" Ngunit inirapan nya ako at naglakad sya papunta kung saan nakalagay yung mga plato at kubyertos namin.

"Pasensya na Sophia pero pwede ba mamaya ka na magtanung alas dose na at gutom na ako. Ang tagal kung naghintay" At umupo na sa tabi ko at nag simula na syang kumuha ng kanin at ulam. Kapal ng muka!

Nang natapos na kung makakain at sya ay hindi parin tapos at halatang gutom na gutom dahil naka ilang ulit syang kumuha ng kanin. Tinawag ko ang isa pa naming katulong para dalhan ako ng juice at sya ay tubig lang. Kapal eh.

Sakto naman pag kabigay nung isang yaya na hindi ko kakilala kay Joseph ay nabulunan sya at agad nya itong ininum. At ang bastos nag burb pa pag ka tapos kumain at hinimas himas pa yung tyan at inunat nya pa pataas ang kanyang dalawang kamay. Matinde talaga ito. Wala ko masabi.

"Hays ang sarap talaga ng luto ni yaya Siling noh." Nakangiting sabi ni Joseph.

"Oh tapos kana makakain o alis na sa pamamahay ko" At nag hand gesture pa ako na sinasabing tsupi tsupi. LOL

"Hindi ako aalis hanggang hindi mo ko papakinggan" At sabay tayo nya at nag punta sa sala. Sinundan ko naman sya at ngayon ay nakaupo na sa may sofa naming maganda at nakataas pa ang paa sa center table at nakapikit at yung dalawang kamay nya at naka taas at nakalagay sa likod ng ulo nya.

"Hoy ang kapal ng muka mo nakataas pa yang paa mo" Galit kung utas.

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon