Sophia Claudette Lim
Hi my name is Sophia Claudette Lim. For your information guys MAGANDA, PRETTY, GORGEOUS, lahat na nang salitang nag dedescribe sa maganda ako na yun. Sakin mo na mahahanap iyon.
Andito ako ngayon sa classroom namin. FYI ulit college na ako at second year na ako at ang kinukuha kung kurso ay Business management. Ayaw ko sana na mag Bm ako. Kaya lang ang magaling kung nanay at tatay ay pinagpipilitan na iyon daw ang kunin ko. Wala naman akong magawa dahil pag dating daw ng araw ako daw mag mamana ng maganda naming business. Hmm.
Natatawa ako ngayon dahil kausap ko nanaman ang panget kong bestfriend. Si Aubrey Michelle Gomez. Natatawa ako hindi dahil sa kwento nya. Dahil mas maganda ako sa kanya at kamukha nya lang ang mga kuko sa paa.
"Hoy ikaw anu nanamang tinatawa tawa mo dyan ha. Tinatawanan mo nanaman ba ako" At biglang hinila nya ang buhok ko. Pero hindi naman malakas. Aba aba ang kapal talaga nitong bestfriend ko.
Kaya hinila ko nang mas malakas yung buhok nya at nginudngod ko yung muka nya sa notebook. "Anu ba Sophia tigilan mo nga ako" At hinawi nya yung kamay ko sa kanyang buhok.
"Impakta ka talaga. Akala mo kung sinung maganda. Hoy kung kala mo ikaw lang ang maganda aba ang kapal naman ng muka mo. Dai hindi lang ikaw ang maganda. Pati etong bestfriend mong si Aubrey ay maganda." Inirapan nya naman ako at biglang humarap sa bag nya at kinuha ang salamin nya.
"Impakta ka talaga nagulo tuloy ang buhok ko" At sinuklay suklay nya naman ito.
Haha! maganda rin naman itong si Aubrey kaya lang talagang mas maganda parin ako sa kanya. Nang natapos na syang mag suklay ay humarap na naman sya sakin at nag simula na namang mag kwento.
"So I was saying. Pumunta tayo mamaya sa Starbucks at kikitain ko dun ang aking Mahal. Hay tatagal kaya kami ng limang oras? Anu sa tingin mo Sophia? Tatagal kaya kami kasi wala namang forever eh" At umiling iling pa sya. Gaga talaga ito.
"Hula ko tatagal kayo ng 3hrs. Hmm matagal na din iyon." At tumawa naman ako ng pag kalakas lakas at hinayaan ko syang mainis. Nakita ko naman na nakatingin ang mga kaklase ko sa akin at parang tinitingnan nila ako na para bang nababaliw na.
"Hoy kayong mga malalandi dyan sa anung tinitingin tingin nyo?" Tumayo naman ako at pumunta ako sa harap nila.
"Wala po miss. Lim" At yumuko sila. Mabuti naman marunung silang gumalang sa nakakaganda sa kanila. Hmm.
Bumalik ako sa upuan ko at nakita ko namang kumakain si Zach nang pringles kaya nilapitan ko sya. "Hoy zach penge nga ako" Galit kung sabi.
"Ang kapal naman ng muka mo anu Sophia. Pero kahit na makapal ang muka mo anung gusto mong flavor?" Inirapan nya ako at nag simulang kumain ulit.
"Aba madami kang dala ngayon. Umm I want Sour Cream and Onion anu meron ka ba dyan?" Inirapan nya ulit ako at humarap sya sa kanyang jansport na bag. Jansport ang pambansang bag ng mga estudyante. Hmm.
"Oh eto na. Ang kapal talaga ng muka mo Sophia buti di ka pa pinapalayas ni Tita Sapphire" At inirapan nanaman ako nang kutong 'to.
"Pag pinalayas ako tutuloy ako sa inyo wag kang mag alala" Tumawa naman ako. Tawang pang maganda syempre Hmm. At bumalik na ako sa upuan ko kung saan katabi ko si Aubrey.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥