Chapter 12

180 2 0
                                    

 Zach The Great

Andito na kami ngayon sa kwarto ko. At hindi ako mapakali. Ang dami kong iniisip. Dumagdag pa yung dalawa na ngayon ay kala mo ay totoo silang mag girlfriend boyfriend kuno. 

"Anu na ang bagong endearment natin baby?" Habang parang may puso talaga na nag aapear sa mga mata ni Zach. 

"Um..." Sabi ni Aubrey habang nag iisip. 

"Anu ba baby dalian mo naman" 

"Um..." Kala mo bagay sa kanya mag isip. 

"Anu na?" 

"Alam ko na!" 

"Dali! Dali!" Masayang sabi ni Zach. 

"Um Baby Munch" Sigaw ni Aubrey. "Hi baby Munch" At nag beso beso pa ang dalawa. Nakakadiri!

"Tigilan nyo nga yan. Ang dami nyong alam eh." Galit kung sabi. 

"Bakit kaba ganyan saming dalawa. Di mo ba bet tong kunya nunyari naming love story?" Giit ni Aubrey

"Oo di ko bet. Dahil nakakadiri kayo. Para kang pumatol sa mas babae pa sa'yo" 

"Oo nga! Alam ko na baby munch tomorrow umuwi tayo ng maaga at i mag make over tayo" Masayang sabi ni Aubrey at nag tatatalon pa. Childish! 

"Anung make over ba yun baby?" 

"Gagawin kitang tunay na lalakish" 

"ANU!" 

"Pumayag payag ka na mag kunya kunayrian tapos ime make over ka ayaw mo" 

"SIGE NA NGA" At tinuloy nanaman nila ang ka sweetan nila. Hindi ako mag tataka pag silang dalawa mag katuluyan.

Habang sila nag sasaya ako naman ay hindi mapa kali sa mga nangyayari sa akin. Dapat pino problema ko ang pag aaral ko e. Pero bakit puro mga boys pino problema ko? Ganda ko talaga. kaya mahirap maging maganda eh :( 

Twelve na ng madaling araw at hindi parin ako maka tulog. Kung tinatanong nyo kung anung nangyayari sa dalawang alam nyo na eh pina tayo pa ako sa sarili kung kama at dun sila natulog. Dahil ayaw ko naman matulog kaya sila na lang daw. Kaya andito ako ngayon sa isang couch at parang tangang nakatunganga. 

Kahit ipinipikit ko ang mga mata ko baka sakaling makatulog ay wala talaga hindi ako makatulog. Kaya bumaba ako para uminom muna nang tubig. 

Ngunit pag kababa ko ay bukas pa ang ilaw sa kusina. Sinu kaya ang gising pa? Nang naduon na ako. Naabutan ko si Harry na kumakain pa. 

"Gabi na ah, Ba't gising ka pa?" Tanung nya sa akin na parang walang nangyaring eksena kaganina. 

Hindi ko sya pinansin at nag dirediretso lang ako at kumuha ng baso. Binuksan ko ang ref at napag desisyonan ko na lang na kumuha ng fresh milk. Baka makatulog ako pag nag gatas ako. 

Naunos ko na ang isang basong gatas at nilapag ko na ito sa may sink. "Ang sabi ko gabi na ah. Ba't gising ka pa?" Seryoso nyang sabi di ko parin sya pinapansin at aalis na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang wrist ko at pinaupo sa may upuan sa dining area. 

"Anu yung sinabi ni aubrey kaganina?" Giit nya. 

"Anu bang gusto mong malaman ha! Pwede bang tigilan mo na lang ako Harry" Inis kung sabi. 

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon